BALITA>>>
UPI GRASSROOTS JOURNALIST EVALUATION, MATAGUMPAY
DXUP Balita-Nancy Lawan-Anchor & Field reporter
Upi, Maguindanao - Matagumpay na naidaos kahapon May 24, 2006 ang evaluation ng Upi grassroots journalism ng LGSPA kasama ang Mindanews, na ginanap sa Upi municipal conference hall mula 1:00 ng hapon hanggang ika lima ng hapon.
Ang naturang evaluation ay sa pakikipagtulungan ng LGSPA, Mindanews at ng lokal na pamahalaan ng Upi at dumalo ang labing limang participants na nagmula sa iba't ibang barangay ng Upi.
Noong Marso 2-3, 2006 ay nagkaroon ng Grassroots Journalism Seminar workshop ang dalawampung mamayan ng Upi mula sa mga ibat'-ibang barangay ng nabanggit na bayan, na tinuruan ng Mindanews representative kong paano sumulat ng News at articles.
Kabilang sa tinalakay sa pulong ang pagtatag ng isang grupo ng mga journalist sa Upi. At agad namang nabuo ang ang grupo na tinawag na "Upi Community Peace Journalist" na ang nahalal na chairman ay si Kagawad Ruben Mobantan ng barangay Blensong.
Ang iba pang tinalakay sa pulong ay pagkakaroon Web Blog, sa pamamagitan ng community radio DXUP FM at agad namang sinang ayonan na production at program director na si Alih Anso.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home