DXUP FM-Upi for Peace-105.5 MHz

Articles, News, Comments, Opinion, Commentary and Researched of Upi Community Peace Journalist (Grassroots Journalist) in cooperation with DXUP FM Upi for Peace 105.5 MHz, base in Barangay Nuro, Upi, Shariff Kabunsuan, Autonomous Region in Muslim Mindanao [ARMM], Philippines = E Mail-dxupfm@yahoo.com---Mobile Phone # 09185476707 & 09068728296 - Administrator: Alih "Kaka Ali" Anso = Encoder: Abdulkarem Anso& Donald Ventura== Editor: Lenyrose Bajar

Wednesday, June 14, 2006

BALITA>>>

300T para Upi E-Center galing sa pondo ni Congressman Edgar Valdez ng APEC
Ulat ni Alih Anso-DXUP FM

Nuro, Upi-Pinasimulan na ang 300T na Upi E- center na ang pondo ay galing sa APEC Congressman na si Hon. Edgar "Baccarat" Valdez. Ang nasabing center na ipinapatayo sa likod ng municipyo ng Upi ay magiging internet center, ito ang inihihayag ni Mayor Ramon Piang Sr, sa kanyang progrmang Pareng Mon June 14, 2006. Nagpasalamat si Mayor Piang sa masigasig na Congressman Atty, Edgar Valdez, sa pagbibigay ng pondo para sa mga mamayan ng Upi.

Inihayag din ni Mayor Piang na mararagdagan pa ang dati ng apat na computer ng ng Upi E-center ng 3 pang bagong computers, upang lalong mapagsilbihan ang mga studyante, empleyado at mamayan na nagkaroon na ng interest sa computer lalo na sa internet.


Noong nakaraang Oktubre 20, 2004 ang Upi Community e-Center ay pormal na pinasinayaan at turnover sa LGU Upi mula sa Gr0wth with Equity in mIndanao Project Computer Literacy and Internet Connection (GEM-CLIC).

Ang Upi Community e-Center ay siyang kauna-unahang proyekto ng National Computer Center (NCC) mula sa kanilang programang Jumpstarting e-LGU Project. At ang NCC ay naghandog ng 3 sets ng computers kasama ang 1 printer (printer, fax machine, scanner at photocopier) at bumili rin ang LGU Upi ng 1 set na computer bilang counterpart sa nasabing proyekto.


Ang e- Center ay naging sentro ng pananaliksik (research) ng mga studyante, empleyado, public official at mga guro, lalo sa pagpapadala at pagtanggap ng kumunikasyon sa pamamagitan ng mga e-mail.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home