balita>>>Mayor Piang nanawagan sa mga operators at drivers huwag munang taasan ang pamasaheBalita ni Noralyn Laguey Bilual DXUP BALITA 6-14-06Nuro, Upi-"Nanawagan po tayo sa lahat ng mga kapatid na nasa transport group na huwag munang taasan ang paniningil ng pamasahe hangga't wala pang approval ang LTFRB.." ito ang ipinahayang ni Mayor Ramon Piang Sr, alkalde ng Upi, sa panayam sa kanya ng DXUP FM, sa pamamagitan ng mobile phone, sa programang Bantay Bayan Boses ng Sambayan, Hunyo 13, 2006. Idinagdag pa ni Mayor Piang, na gusto ng mga operators at drivers na gusto nilang taasan ang pamasahe ay mag-hingi mula sila ng approval sa ahensiya ng mga sasakyan ang Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB), upang sa gayon ay patas ang batas sa lahat ng mga mamayan.
Ang regular na pamasahe sa Upi-Catabato City ay 37.50 at dahil nagtaas ang fuel ay nakikiusap ang mga kundoktor at driver na gawin ng 40.00 ang pamasahe upang sa gayon ay makabawi man lang daw sila.
Ang distansiya ng Upi hanggang Cotabato City ay 36 kilometro at ayon pa sa isang driver kong pagbabatayan ang nakatakda sa batas dapat ang pamasahe ay 50.00, ngunit sa dahilang di malaman ng mga driver ay 37.50 lamang ang inabprubahan ng ahensiya.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home