DXUP FM-Upi for Peace-105.5 MHz

Articles, News, Comments, Opinion, Commentary and Researched of Upi Community Peace Journalist (Grassroots Journalist) in cooperation with DXUP FM Upi for Peace 105.5 MHz, base in Barangay Nuro, Upi, Shariff Kabunsuan, Autonomous Region in Muslim Mindanao [ARMM], Philippines = E Mail-dxupfm@yahoo.com---Mobile Phone # 09185476707 & 09068728296 - Administrator: Alih "Kaka Ali" Anso = Encoder: Abdulkarem Anso& Donald Ventura== Editor: Lenyrose Bajar

Monday, June 05, 2006

News Updates>>>

Gamutang Bayan: Ipinapagtuloy
Reported by : Noralyn Laguey-
DXUP FM Balita 6:30-7:00 am June 5, 2006


Nuro, Upi-Ipinagpatuloy sa pangatlong araw ang Gamutang Bayan 2006, ng lokal na pamahalaan ng Upi. Sa pangalawa at araw ng pagtatapos ng gamutan ay marami pa ang nakapalista ng pangalan na dental patient ang di nabunotan, kaya napag-kaisahan ng committee chairman Malou De Vera at ng mga kasamahan na isangguni sa Alkalde ng Upi, Ramon Piang Sr kong ipagpapatuloy pa ang bunotan ng ngipin, at itoy agad namang inaprubahan ng local executive.

Ang nasabing ikatlong araw na bunutan ng ngipin ay ipinagpatuloy sa may conference hall ng Upi, Maguindanao.

Ang ilan sa mga Dentista na nagbigay ng libreng bunutan ng ngipin sa ika tatlong araw ay sina: Dr. Lorenda Gordo; Dr. Gloria Gurtiza at Teresita Distor. Marami sa staff ng LGU Upi at umalalay, pati sa DXUP FM technician na si Omar Dadigan ay nagboluntaryo.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home