NEWS UPDATES>>>
Alih S. Anso & Bai Zuhiera Sali-DXUP FM Field Reporters
Nuro, Upi- Sumama at Tumulong sa Gamutang Bayan ng Upi ang dalawang membro ng Joint US Military Assistance Group (JUSMAG) 1st Special Group ng US Army na nakatalaga sa Mindanao. Ang Gamutan ay nagsimula kaninang umaga, ika 9 umaga June 2, 2006 hanggang June 3, 2006.
Sina SFC Dan King at Chief Kevin Pine ay pawang nagbigay sa special mensahe sa opening program ng Gamutang Bayan ng Upi 2006, na ginanap sa Upi gymnasium. Ayon pa kay Chief Kevin Fine ang US government ay nagbigay ng gamot at silang dalawa ay kapuwa tutulong sa pagtuli, na kong saan ito ang pinakasentro ng gamutan.
Daan-daan kabataan ang nagpalista upang magpatuli at ganoon din sa medical. Nahirapan ang mga membro ng Karancho at React Upland Group, sa pagsasaayos sa pila ng mamayan dahil sa pagdagsa ng mamayan, na ang bawat isa'y gusto kong maka-avail sa libreng gamutan na inihahandog ng lokal na pamahalan ng Upi, sa pamumuno ni Hon Mayor Ramon A. Piang Sr., sa coordination sa PCSO, IPHO Maguindanao, 6IB PA, Rural Health Unit ng UPi, at Datu Blah Sinsuat Hospital.
Kasama din sa Gamutan ang mga medical at dental team mula Philippine Army at Philippine National Police mula ARMM, PSupt Arnulfo C. Belote, head medical team.
2 Comments:
Mga kapatid,
Huwag padadala sa mga nakikita, alalahanin ang mga nakaraaan, ang masaker sa Bud Daho, ang pagbibigay nila sa Bangsamoro sa mga Pilipino, diba ang mga Amerikanong iyan ang dahilan??????
Sa mga Kapatid,
Pasalamatan ang grasya ng Panginoon, kahit na iyan ay galing sa kalaban.
Kong minsan, ang kalaban, ang magiging pinakamatalik mong kaibigan.
huwag lang kalimutan ang kasabihan:
"Ang di lumingon sa pinaggalingan di makakarating sa paroroonan.
Ka Ron
Post a Comment
<< Home