DXUP FM-Upi for Peace-105.5 MHz

Articles, News, Comments, Opinion, Commentary and Researched of Upi Community Peace Journalist (Grassroots Journalist) in cooperation with DXUP FM Upi for Peace 105.5 MHz, base in Barangay Nuro, Upi, Shariff Kabunsuan, Autonomous Region in Muslim Mindanao [ARMM], Philippines = E Mail-dxupfm@yahoo.com---Mobile Phone # 09185476707 & 09068728296 - Administrator: Alih "Kaka Ali" Anso = Encoder: Abdulkarem Anso& Donald Ventura== Editor: Lenyrose Bajar

Wednesday, May 31, 2006

NEWS>>>

Estudyante ng Non-formal School-Nadismaya
Reported by: Nenita Minted-Field Reporter
DXUP FM- DXUP BALITA-6:30-7:00-May 31, 2006

Nuro, Upi- Nadismaya ang mga estudyante na out of school youth, di nakapasa sa examination na Accreditation & Equivalency Examination (A & E) na binigay ng ACCESS Mindanao, dahil ang buong akala nila ang pag-rereview sa halos isang taon ay siya na ring batayan upang siya ay umakyat sa mataas na grado.

"Nasayang ang isang taon na ginugul ko sa aking pag-aaral sa non-formal education, at dahil hindi ako nakapasa sa examination noong February 2006, hindi ako makakaenrol sa college". Pahayag ng isang mag-aaral ng non-formal education sa Upi, na di na nagpakilala.

"Sa buong akala ko ay kapag natapos ng anak ko ang isang taon na pag-aaral sa non-formal schooling ay makakaenrol na siya sa college", ito naman ang nabuntong hininga ng isang ina na may honor pa natanggap ang anak sa kanilang graduation.

Ayon naman sa Intrunctional Manager-IM na si Norhasier Sali, "Sa Una pa lamang ay palagi na naming ipinauunawa sa mga magulang at estudyante na ang ginagawa namin na pagtuturo ay "review" lamang upang sila ay makapasa sa nasabing pagsusulit.

Ang Out of School sa Upi ay pinalalakad ng ng NDFCAI-WED sa pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan ng Upi, na pinondohan naman ng USAID-EQUALLS.

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

Sa mga Mag-aaral>

Dapat bago ninyo pasukin ang isang bagay naunawaan ninyo.

Sa mga Magulang>
Dapat po kayo ang unang nakaalam na ang "review" lang po at hindi upang makaangat sa grado, kundi kinakailangan na makapasa ka sa examination.

Sa mga Concern Agency>
Dapat, intensive ang information sa mga mamayan lalo na sa mga bata at magulang.

Sa mga media>
Kayo ang may malaking "role" kong paano plaganapin ang tunay na information

Sa mamayan ng Upi>>>>>>

Palagi kayong makinig sa inyong community radio station, ang DXUP FM 105.5 MHz. para hindi kayo nahuhuli sa balita, sayang ang ginastos ng LGSPA at ng LGU, Upi.

8:24 AM  

Post a Comment

<< Home