DXUP FM-Upi for Peace-105.5 MHz

Articles, News, Comments, Opinion, Commentary and Researched of Upi Community Peace Journalist (Grassroots Journalist) in cooperation with DXUP FM Upi for Peace 105.5 MHz, base in Barangay Nuro, Upi, Shariff Kabunsuan, Autonomous Region in Muslim Mindanao [ARMM], Philippines = E Mail-dxupfm@yahoo.com---Mobile Phone # 09185476707 & 09068728296 - Administrator: Alih "Kaka Ali" Anso = Encoder: Abdulkarem Anso& Donald Ventura== Editor: Lenyrose Bajar

Wednesday, June 07, 2006

BALITA>>>

Barangay Justice Service System, Ilulunsad Ngayong Hunyo!
Sinulat ni Lenyrose Bajar-Newscaster/Writer-DXUP FM

Nuro, Upi-Maglulunsas ng bagong proyekto ang Notre Dame Foundationfor Charitable Activities, Incorporated-Women in Enterprises Development, Local Government Unit of Upi, Department of Interior ang Local Government, Department of Justice, Supreme Court, Phil.J.A., Integrated Bar of the Philippines, UP College of Law, CCLG and Local Resource partners ukol sa pagsasaayos ng gusot o alitan sa estado ng Barangay pa lamang.

Ito ay tinaguriang Barangay Justice Service System, o BJSS na kung saan dalawamput 7 Barangay ng Upi, at 11 barangay ng South Upi ang Sentro ng naturang programa.

Ayon sa Assistant Project Officer na si G. Henry Lu, ito ay may layuning mapalawak ang kaalaman ng mga opisyalesng barangay at iba pang nangangasiwa o mga justice advocates ukol sa pagresolba ng mga problema sa pamayanan. Tatlong aktibitades ang nakatakda sa loob ng anim na buwang panahong inilaan dito. Ito ang sumusunod, social marketing na kong saan dito gagawin ang pakilanlan ng mga barangay na binigyan ng proyekto. Pnaglawa ang Basarangay Justice System training na hahasain at lalong paigtingin ang kaalaman ng mga opisyales at mga lupon. Panghuli ang project sustainability ang action planning para sa pagsubaybay ng proyekto.

Kaugnay na balita, nauna ng nabigyan ng natrurangprograma ang 15 barangay ng Buluan, 8 barangay ng Matanog, 10 sa Sharif Aguak, 11 sa Barira, 13 sa Buldon at 10 sa Parang , Maguindanao.


0 Comments:

Post a Comment

<< Home