BALITA>>>
Barangay Justice Service System, Ilulunsad Ngayong Hunyo!
Sinulat ni Lenyrose Bajar-Newscaster/Writer-DXUP FM
Ito ay tinaguriang Barangay Justice Service System, o BJSS na kung saan dalawamput 7 Barangay ng Upi, at 11 barangay ng South Upi ang Sentro ng naturang programa.
Ayon sa Assistant Project Officer na si G. Henry Lu, ito ay may layuning mapalawak ang kaalaman ng mga opisyalesng barangay at iba pang nangangasiwa o mga justice advocates ukol sa pagresolba ng mga problema sa pamayanan. Tatlong aktibitades ang nakatakda sa loob ng anim na buwang panahong inilaan dito. Ito ang sumusunod, social marketing na kong saan dito gagawin ang pakilanlan ng mga barangay na binigyan ng proyekto. Pnaglawa ang Basarangay Justice System training na hahasain at lalong paigtingin ang kaalaman ng mga opisyales at mga lupon. Panghuli ang project sustainability ang action planning para sa pagsubaybay ng proyekto.
Kaugnay na balita, nauna ng nabigyan ng natrurangprograma ang 15 barangay ng Buluan, 8 barangay ng Matanog, 10 sa Sharif Aguak, 11 sa Barira, 13 sa Buldon at 10 sa Parang , Maguindanao.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home