BALITA>>>
Barangay sa Upi, Positibo sa Malaria?
Ulat ni Nenita Mintedsa "DXUP FM Balita" June 1, 2006
Ang mga barangay na may kaso ng sakit na malaria ay Sitio Kindal KM 30, Barangay Kibleg, Barangay Tinungkaan at Barangay Ranao Pilayan.
Ang mga nasabing barangay ay matubig at ito ang madalas na pinamumugaran ng mgsa lamok, na siya namang tagadala ng sakit na malaria.
Sa kasalukuyan ay may 3 pasyente sa nasabing hospital na ang sakit ay malaria, sina: ang mag-asawang Lolita at Roland Lala at Annie Rose Bello, na pawang nakatira sa Sitio Kindal, Kibleg.
Dahil sa mga pangyayari ay pinapayuhan ang lahat ng mamayan na maging maingat lalo na sa mga matubig na lugar.
Samantala ang malaria team mula sa Kagawaran ng Kalusugan ay gumagawa ng pagsusuri at plano kong papaano kakalabanin ang sakit na ito ng malaria sa mga nasabing barangay.
Iniulat din ng mga nurses na sapat at mga gamot at libre ang mga gamot para sa mga malaria sa ating hospital ng bayan.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home