DXUP FM-Upi for Peace-105.5 MHz

Articles, News, Comments, Opinion, Commentary and Researched of Upi Community Peace Journalist (Grassroots Journalist) in cooperation with DXUP FM Upi for Peace 105.5 MHz, base in Barangay Nuro, Upi, Shariff Kabunsuan, Autonomous Region in Muslim Mindanao [ARMM], Philippines = E Mail-dxupfm@yahoo.com---Mobile Phone # 09185476707 & 09068728296 - Administrator: Alih "Kaka Ali" Anso = Encoder: Abdulkarem Anso& Donald Ventura== Editor: Lenyrose Bajar

Tuesday, June 20, 2006

BALITA>>>

.5 M gasto ng Upi sa Basura sa 6 na buwan
Sinulat ni Alih "kaka ali" Anso.

Nuro, Upi- Umaabot sa .5 M piso ang nagagasto ng lokal na pamahalaan ng Upi sa pagtatapon lamang ng basura sa loob ng 6 na buwan. Ang computation na ito ay tinalakay ng executive secretary na si Ginoong Jess Gersalino, sa DXUP FM program na "Usaping Bayan", kaninang ganap na ika-4 ng hapon ika-20 araw ng Hunio 2006.

Inihayag din ni ginoong Gersalino na mahigit lamang 100T ang nakokolekta sa bayad sa basura (garbage fee) ng lokal na pamahalaan.

Ang pagtatapon ng basura sa bayan ng Upi ay nangangailan ng 1 payloader, 4 na dumptruck, (1 driver at 1 helper per unit) mga 6 na basurero at 17 tagawalis at tapunan ng basura ay mga 6 kilometro ang layo mula sa Nuro .

Kaya mungkahi ni G. Gersalino na nararapat ng maisakatuparan ang programang "solid waste management" at tutukan din ng pansin ng lokal na pamahalaan angpagpapakuha sa mga negosyante ng business permit na kong saan nakapaloob dito ang bayad sa basura na mula 500H hanggang 700H piso, na ayon pa kay Ginoong Gersalino ay marami pa sa mga negosyante ay hindi pa nakakakuha ng business permit mula sa pamahalaan bayan ng Upi.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home