Feature>>>
UN Guiding Principles on Internal Displacement (UNGPID)
(hinalaw mula sa Lecture ni Atty Raissa H. Jajurie Bangsamoro Lawyers’ League
SALIGAN) - Mindanaw- sa ginanap na 3 day seminar on Paralegal training on human rights June 17-19, 2006. sa Kadtuntaya Training Center, Cotabato City)
T-Ano ang UNGPID?
- Ang UNGPID ay isang dokumento na nagsasaad ng mga simulain ukol sa paglikas ng tao sa loob ng bansa.
- Hindi ito isang tratado
- Kinikilala ito ng United Nations at ngayon nagiging gabay sa pagkilos ng mga Representative ng UN Sec-Gen, mga estado, iba pang mga awtoridad o grupo