DXUP FM-Upi for Peace-105.5 MHz

Articles, News, Comments, Opinion, Commentary and Researched of Upi Community Peace Journalist (Grassroots Journalist) in cooperation with DXUP FM Upi for Peace 105.5 MHz, base in Barangay Nuro, Upi, Shariff Kabunsuan, Autonomous Region in Muslim Mindanao [ARMM], Philippines = E Mail-dxupfm@yahoo.com---Mobile Phone # 09185476707 & 09068728296 - Administrator: Alih "Kaka Ali" Anso = Encoder: Abdulkarem Anso& Donald Ventura== Editor: Lenyrose Bajar

Monday, June 19, 2006

BALITA>>>

Upi Sweeper isinauli ang pitaka na may malaking halaga
Sinulat ni Lenyrose Bajar ng DXUP FM

Nuro, Upi-Takot sa Poong Lumikha ang nag-udyok sa isang taga-linis (sweeper) ng lokal na pamahalaan ng Upi na si Felisa Campbel kaya hindi pinag-interesang itago ang pitakang napulot na may laman na malaking halaga.

Napulot ni Felisa ang pitaka ni Adil Ugalingan sa may kahaabaan ng national high way sa Barangay Borongotan, noong Biyernes ng hapon June 16, 2006 at ibinigay naman kay Engr. Isagani DeaƱo ang pitakang may laman na humigit kumulang na 2 libong piso at iba pang mahahalangang dckumento tulad ng ATM. At itinawag naman sa DXUP FM hanggang sa inihatid sa gabi ang pitaka upang makuha ng may-ari.

Samantala, ng matanggap na ni Adil Ugalingan ang kanyang nawawalang pitaka ay agad siyang nagbigay ng konting pabuya sa nakapulot sa kanyang pitaka at buong pusong nagpasalamat.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home