BALITA>>>
Culvert para sa Sitio Palendac S Kantal-Kinakailangan Na!
Ulat ni Lolita Savariz sa" DXUP FM BALITA" June 15, 2006
Tag-ulan na at di pa natutugunan ang kanilang reklamo sa kanilang mga barangay opisyal na palagyan ng culverts ang nasabing ilog-ilogan (creek) dahil tuwing umuulan ay hindi pwedeng daanan dahil lumalalim ang tubig kanal nito at di pwedeng daanan ng mga sasakyan kahit na ang "skylab" ay mahihirapan dumaan. Ang pwedeng dumaaan sa ganitong tag-ulan ay kabayo at kalabaw lamang.
Ang nasabing kalsada, ang tanging daanan na pwedeng ilabas ang kanilang mga ani papunta ng Nuro o Cotabato City. Ang pagsasaka ang unang ikinabubuhay ng mga residente ng Sabaken maliban sa mangilan-ngilan na maliliit na sari-sari store, kong kaya kinakailangan ang agarang paglalagay ng culverts.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home