Feature!!
Mga Tinatalakay na Topics sa Radio Programs sa DXUP FM
"Kapayapaan" (Program on Information, Peace & Cultural Development) 5:30-6:30 Morning -Monday to Friday-Anchor by Alih S.Anso & Deonato Mokudef
Topic: June 16, 2006
- Dapat malaman mo na “generally” ang mga Bangsamoro Muslim ay Islam ang kanilang religion.
- Ang ibig sabihin ng Islam ay Kapayapaan.
- Pag-talima sa kautusan ng Poong Lumikha.
- Na sila ay naniniwala sa mga Propeta, tulad nina Jesus, Muhammad, Moses, David, Ismael, Isaac at iba pa (Ang Kapayapaan ay Sumasakanya Nawa)
- Na ang ibig namang sabihin ng Muslim ay iyong taong tumalima sa Islam, sumuko sa Allah.
- 2. Dapat malaman mo na ang isa sa mahalagang araw sa isang linggo ay araw ng Biyernes, araw ng Jamaah prayer- at ito ay isinasagawa sa katanghalian (12-1:00 pm).
- 3. Dapat malaman mo na hindi sila kumakain ng haram. halimbawa: Baboy, o ano mang nahaluan noon, alak na makalasing.
- 4. Dapat malaman mo sa panahon ng Ramadan ang lahat ng Muslim ay nag-aayuno di sila kumakain o umiinom bago mag-bukang liwayway hanggang takip silim.
- 5. Dapat malaman mo na sila ay pinapayagan ng Allah, ang mga lalaking Muslim na mag-asawa hanggang apat. Sa kondisyong kong kaya nilang pag-timbang-timbangin.
- 6. Dapat malaman mong ang mga Bangsamoro ay inagawan ng kanyang karapatan (rights) mula pa noong isama ng Amerika ang kanilang "Homeland" sa Pagpapasarili sa bansang Pilipinas.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home