DXUP FM-Upi for Peace-105.5 MHz

Articles, News, Comments, Opinion, Commentary and Researched of Upi Community Peace Journalist (Grassroots Journalist) in cooperation with DXUP FM Upi for Peace 105.5 MHz, base in Barangay Nuro, Upi, Shariff Kabunsuan, Autonomous Region in Muslim Mindanao [ARMM], Philippines = E Mail-dxupfm@yahoo.com---Mobile Phone # 09185476707 & 09068728296 - Administrator: Alih "Kaka Ali" Anso = Encoder: Abdulkarem Anso& Donald Ventura== Editor: Lenyrose Bajar

Friday, June 02, 2006

news updates>>>

Gamutang Bayan ng LGU Upi dinumog ng mamayan
by: Nenita Minted-DXUP FM Field Reporter

Nuro, Upi- Dinumog ng mamayan ang "51st Upi foundation aniversary -gamutang bayan" ng Upi, na inihanadog ng lokal na pamahalan ng Upi, sa coordination sa ibang ahensiya at civic group: Philippine Charity Sweepstick Office (PCSO), IPHO Maguindanao, Datu Blah T. Sinsuat Hospital, Rural Health Unit of Upi, 6IB PA, PNP RECOM ARMM, Karancho Upi Chapter at REACT Upland Group.

Sa opening program ay inihayag ni Hon. Mayor Ramon Piang Sr, na ang medical activities na ito ay regular ng ginagawa ng LGU Upi at ng military unit na isa sa executive agenda ng bayan.

Circumcisions o tuli at dental ang pinaka-sentro ng gamutan, sumusunod dito and medical check-up. Ang PNP at Army Doctors ang nagsagawa ng tuli, at tinulungan din sila na magtuli ng dalawang membro ng JUSMAG 1st Special Unit, US Army na sina SFC Dan King at Chief Kevin Pine.

Sa opening program ay live-on-air sa community radio station DXUP FM-Upi for Peace. Pagkatapos ng program ay patuloy pa ring itong kinokober ng DXUP FM sa pamamagitan ng pag-bibigay ng mga up-dates reports ang mga field reporters na sina: Nancy Lawan, Nenita Minted, Lucy Ducy, Bai Zuhiera Sali at Alih Anso. Ang anchor sa studio ay si Miss Lenyrose Bajar na inalalayan naman ng chief technician/broadcaster na si Donald Ventura.

Samantala, ang community radio station na DXUP FM-Upi for Peace 105.5 MHz ay nakatutok sa lahat ng mga activities ng 51st Upi Foundation Day, mula June 1 hanggang June10, 2006, at inisasahimpapawid ang mga programa at nagbibigay ng ulat sa mga nagaganap.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home