DXUP FM-Upi for Peace-105.5 MHz

Articles, News, Comments, Opinion, Commentary and Researched of Upi Community Peace Journalist (Grassroots Journalist) in cooperation with DXUP FM Upi for Peace 105.5 MHz, base in Barangay Nuro, Upi, Shariff Kabunsuan, Autonomous Region in Muslim Mindanao [ARMM], Philippines = E Mail-dxupfm@yahoo.com---Mobile Phone # 09185476707 & 09068728296 - Administrator: Alih "Kaka Ali" Anso = Encoder: Abdulkarem Anso& Donald Ventura== Editor: Lenyrose Bajar

Friday, June 30, 2006

Balita>>>

Kalabaw na ang sasakyan ng mga Sitio Kibalo?
ulat ni Nancy Lawan

DI NA MAKADAAN ANG ANUMANG SASAKYANG DI GULONG SA AMING BARANGAY ROAD, ITO ANG NAIULAT NG ISANG MAMAYAN NG NASABING SITIO NA SI LITO MODBEG. IDINAGDAG PA NIYA NA MAPUTIK, MADULAS ANG AMING BARANGAY ROAD NA MATAGAL NG WALANG MINTENANS AT SA KASALUKUYAN AY GINAWANG SASAKYAN NG MGA RESEDENTE NG SITIO KEBALO, BARANGAY BORONGOTAN ANG KANILANG MGA PANG-ARARONG KALABAW, MAILABAS AT MAIPAGBILI LAMANG ANG KANILANG MGA ANI.

MAY KAMAHALAN LAMANG ANG SINGIL SA PASAHE KONG SA KALABAW, UMAABOT ITO NG 25 LIMANG PISO BAWAT SAKO SA PUSO NG MAIS, KONG GRANO NAMAN AY 50 PISO BAWAT SAKO, NGUNIT ANG PASAHENG ITO AY MULA SA SITIO KEBALO PALABAS SA SITIO KATALUPAK, AT DITO AY HAHAKUTIN NAMAN NG SASAKYANG DI GULONG PAPUNTA NG NURO AT KARAGDAGANG PAMASAHE.

SAMANTALA ANG HALAGA NG MAIS SA UPI SA NGAYON JUNE 30, 2006 AY P9.70 BAWAT KILO SA GRANO AT P4 SA PUSO, NGUNIT ANG SEEDLINGS AT ABONO AY LALO PANG TUMAAS ANG PRESYO LALO PA KONG UTANG. ANG PRESYO NG SEEDS; GSI 40 AY P1,000; TS 681 2,000; GHEN 703-1,850;RRC2 5,150; 30 B80 3,100 Corn Craft

0 Comments:

Post a Comment

<< Home