BALITA>>>
Kabayo lamang ang taga-hakot ng produkto ng taga Nangi?
Mula sa Ulat ni Nancy Lawan
Ang problema sa paghahakot sa produkto ng mga residente na palaging nararanasan ng mga residente ng mga barangay sa Upi, lalo na kong panahon ng tag-ulan, ay dahil sa kawalan ng maintenance ng mga barangay roads na hindi na pwedeng dumaan ang mga sasakyan.
Kabayo ang sinaunang (traditional) gamit ng mga T'duray na sasakyan at ito ay epektibo pa rin lalo na't ganitong panahon ng tag-ulan, ang tanging problema lamang dito ay may kamahalan ang singil at mabagal ang paghahakot ng mga produkto. Dahilan ito na hindi nakakabawi ang mga magsasaka, dahil malaki ang porsento ang napupunta sa pamasahe lamang ng kanilang mga produkto.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home