(ang artikulong ito ay ilan sa mga tinatalakay sa DXUP FM programa na Kapayapaan-5:30-6:30 umaga- Lunes -Biyernes- anchor: Alih "Kaka Ali" & Deonato "Kaka Jun" Mokudef)
Ang ating Presidente ng Republika ng Pilipinas H.E. Gloria Macapagal Arroyo ay nagdeklara ng "all out war" laban sa Communist Party of the Philippines-New Peoples Army (CPP-NPA) at bilang patunay sa kanyang programa ang goberno ay naglaan ng malaking pondo-1bilyong piso mula sa kaban ng bayan.
Hindi kaya matulad ang ating presidente GMA sa nangyari kay Erap noong taon 2000 na nagdeklara din ng "all out war" laban sa Moro Islamic Liberation Front (MILF)? Ano ang nangyari? Lalong tumatag at lumakas ang rebulosyunaryong Bangsamoro, lalo pang hayagang sumuporta ang mga lider na Bangsamoro, tulad ng dating Congressman ng 1st district ng Maguindanao at Cotabato City, na si Atty. Datu Michael O. Mastura, na ngayon ay hindi basta ordinaryong membro ng MILF kundi membro pa at marami pang prominente at edukadong Bangsamoro ang ngayon ay makikita mo ng sympathyzers ng ipinaglalaban ng MILF. At pati taga ibang bansa tulad ng Malaysia, Brunei, Libya, Japan at pati yata America (di ko lang siguro, pero tila yata??)ay lalong pang hayagang sumuporta at nakisimpatiya sa ipinaglalaban ng MILF ang "self determination", at nagsimula ito ng nakita nilang pang-aapi at di makatarungan na "all out war" ng goberno ng Pilipinas.
Ngayon sa ating katanungan bakit may nagrerebelde? Ito ang ilang kasagutan:
Ayon pa sa ating executive secretary na si Jose “Jess” Gersalino ay kanyang tinalakay sa kanilang programang “usaping bayan” sa DXUP FM June 22, 2006na:
- ang dahilan ng rebelyon ay kahirapan sa buhay kong kaya may insurgency sa ating bansang Pilipinas.
- Population growth o pagdami ng mamayan sa Pilipinas, at siya ay nag-biro pa, dahil na rin siguro sa kamasuhan ng mga Pinoy.
- Ang bansang China ay may katulad na problema sa atin noon,ang pagdami ng mamayan. Ano ang ginawa ng kanilang goberno? Sila ay nagpalabas ng batas na nag-uutos sa mga tao na limitahan ang panganganak at ito ay mahigpit na pinatupad sa pamamgitan ng malakas na political will ng kanilang lider na si Mao Tse Tong.
- Sa Pilipinas may programa tayo sa "birth control", ngunit di ito mabisang naipapatupad dahil nga sa pagkontra ng ibang sector, halimbawa ang simbahan Katoliko, ang CBCP, ang sa kanila ay “selective birth control” ang dahilan nila ay labag sa kautusan ng Diyos.
- Sa Pilipinas ang population growth rates ay 2M ang ipinapanganak taon-taon. At ano ang epekto nito sa ating lipunan? Sa Ating Edukasyon? Halimbawa ng epekto nito ay ang pagdami ng ipinapanganak,ay ang pagdami rin ng mag-eenrol sa mga paaralan, sa kasalukuyan, sa elementary level lamang, ayon sa dating DECS Secretary, ay kulang tayo ng mga classrooms na magagamit ng mga kabataan, at masosolve lang iyan sa loob ng 15 taon,, at kong iyan ay assuming na walang dagdag sa bilang ng mga batang mag-eenrol, ibig sabihin, dapat walang ipanganganak sa loob ng 15 taon para masolb ang problema sa kaukulangan ng class room.
- Dahil sa kahirapan sa ating bansa ay nawawalan tayo ng mga “best doctors, best nurses, dahil sa pumupunta ng abroad,ang dahilan wala tayong sapat ng pangsahod sa kanila. At dahil dito halos wala ka ng mahagilap na doktor sa ating mga hospital at kabayanan.
- At dahil sa kakulangan ng hanapbuhay sa ating bansa pati na rin yong mga guro o teachers ay marami na ang nag-abroad at kahit domestic helper ang kanyang trabaho ay ok lang [daw?], rason nila: "at least may suweldo, dito karampot lang at matagal pa bago mo matanggap". Labas pa diyan ang kinukuha ng bansang America na pinili pa ang magagaling na guro na magturo sa kanilang bansa, at bakit marami ang umaalis? dahil nga sa kakulangan ng mapagtrabahuhan, kong mayroon man ay karampot lamang ang suweldo, at kulang na kulang pa sa araw-araw na gastusin, kong ikukumpara sa gastusin sa araw-araw ng isang pamilyang Pilipino na hindi bumababa ang bilang ng anak sa kalahating dosena , sa pagkain na lamang ng isang pamilya ay kulang na ang suweldo ng isang ordinaryong empleyado.
- Ang malawakang "corruption" sa goberno ang isa sa malakang dahilan ng rebelyon, dahil marami ang naapektuhan nito, una ay kulang ang serbisyo ng goberno na nakakarating sa tao, tulad ng kalsada, hospital, eskuwelhan at iba pa.
- Ayon naman sa mga ibang NGO's ng Pilipinas tulad ng, Task Force Detainees of the Philippines,[TFDP] at Tiyakap Kalilintad at iba pa peace advocate groups, ang pinaka ugat na dahilan ng pag-rerebelde ng mga tao ay dahil sa “Injustice”o ang patuloy na pag-yurak sa karapatang pang-tao o human rights violation, ito anila ang pinaka ugat ng rebellion sa mga bansang Pilipinas.
- Sa huli nating binanggit ay sumang-ayon ang isang political analyst ng Moro Islamic Liberation Front na ating nakapanayam, ayon sa kanya: " Ang patuloy na pagsakop sa amin ng mga Pilipino ang pinaka-ugat ng aming pakikibaka, kaya kinakailangan ibalik sa amin ang aming karapatan na mag-sarili.
- Para sa akin, wala ng hihigit pa sa pag-uusap at hanapin ang ugat ng pag-rerebelde ng mamayan, harapin ang katotohanan. Magpakatotoo.
1 Comments:
congrats mga grassroots journalist ng upi!!!!
Napakaganda ang presentation ninyo kaka ali, sana marami pa kaming mabasa dito kahit sa malayo kami ndito sa Kuwait,
good luck sa DXUP FM, bisita kami sa Meguyaya Festival.
Mula sa Bansang Kuwait,
Hakimin
Post a Comment
<< Home