DXUP FM-Upi for Peace-105.5 MHz

Articles, News, Comments, Opinion, Commentary and Researched of Upi Community Peace Journalist (Grassroots Journalist) in cooperation with DXUP FM Upi for Peace 105.5 MHz, base in Barangay Nuro, Upi, Shariff Kabunsuan, Autonomous Region in Muslim Mindanao [ARMM], Philippines = E Mail-dxupfm@yahoo.com---Mobile Phone # 09185476707 & 09068728296 - Administrator: Alih "Kaka Ali" Anso = Encoder: Abdulkarem Anso& Donald Ventura== Editor: Lenyrose Bajar

Wednesday, June 21, 2006


NEWS UPDATE>>>

Vice Mayor Salik kasama sa 12 delegadong Opisyal ng goberno at NGO mula sa ARMM nasa Chicago USA


Nuro, Upi-Isa sa mapalad na opisyal ng goberno sa Autonomous Region in Mulsim Mindanao ay ang Kagalang-galang na Bise Alkalde ng Bayan ng Upi na Si Abdullah P. Salik Jr. Ang Vice mayor ay isa siya sa napili ng goberno ng Pilipinas at ng America, mababasa ang news na ito at headlines pa ng CAIR website na nakabase sa Chicago USA at huling napag-alaman ng DXUP FM na bumisita rin sila sa Utah.

Si vice mayor Salik ay isa sa napili ng goberno ng Amerika na mag-aral ng "Majority & Minority Relation in the Philippines: Religion, Education and Political Process," sa bansang Amerika. Ang study tour na ito ay sa Nothern Illinois University, Dekalb, Chicago, Utah at Salt City, USA, nagmula pa noong May 31, 2006 hanggang June 24, 2006.

Ang ilan sa mga kasama ng Vice mayor na mula sa Central Mindanao o ARMM ay sina: Deputy Governor for IP's Ms. Fatima Kanakan; Bainon Karon; Kanappi Ayao Provincial Mufti ng Tawi-tawi-Abdulwahid Inju; MSU Maguindanao Chancellor-Nasrullah Macalandong; Pariest Priest ng Jolo-Father Romeo Villanueva; RLA ARMM Assemblywoman Rajam Akbar, Zainuddin S. Malang, Jurma Aming Tikmasan, at Secretary General of the Bangsamoro Women Solidarity Forum Fatmawati Tulawie Salapuddin.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home