DXUP FM-Upi for Peace-105.5 MHz

Articles, News, Comments, Opinion, Commentary and Researched of Upi Community Peace Journalist (Grassroots Journalist) in cooperation with DXUP FM Upi for Peace 105.5 MHz, base in Barangay Nuro, Upi, Shariff Kabunsuan, Autonomous Region in Muslim Mindanao [ARMM], Philippines = E Mail-dxupfm@yahoo.com---Mobile Phone # 09185476707 & 09068728296 - Administrator: Alih "Kaka Ali" Anso = Encoder: Abdulkarem Anso& Donald Ventura== Editor: Lenyrose Bajar

Wednesday, June 21, 2006

BALITA>>>

Kalabaw na nawawala natagpuan na
Sinulat ni Alih "Kaka Ali" Anso

Nuro, Upi-Habang nagprograma si Lenyrose Bajar sa Bantay Bayan Boses ng Sambayan ay dumulog sa himpilang DXUP FM si Hadji Mokamad Solaiman, taga sitio Tapadaken, Mirab, at nanawagan, sa mga taga Upi na ang kabibiling kalabaw na itinali sa may terminal ng Upi-Cotabato ay nawawala mula pa kagabi June 21, 2006.

Mga bandang ika-isa ng hapon ay muling bumalik at iniulat na natagpuan na at isinauli sa kanya ang kanyang kalabaw na nawawala, na pinaniniwalaang nakabitaw mula sa pagkakatali.

Ang may magandang kalooban na nakatagpo sa kalabaw ay mga tauhan ni Hon. Michael "Baby Datu" Sinsuat I Barangay Chairman ng Nuro at ABC president ng Upi, na agad namang ibinigay kay Hadji Mokamad. Malaking pagpapasalamat ng may-ari ng kalabaw na si Hadji Mokamad kay Baby Datu at sa himpilang DXUP FM, dahil sa tulong sa pagkakatagpo sa kanyang nawawalang kalabaw.


Ang radyo DXUP FM ay siya ng naging tulay ng mga mamayan upang hanapin o maghanap ng mga nawawalang gamit. Nitong linggo ay may nawalan din ng pitaka na may malaking halaga si Mr Adil Ugalingan at siya ay nanawagan din sa DXUP FM, ilang oras lamang ang lumipas ay may nakatagpo at isinauli sa station ang kanyang pitaka na walang nagagalaw.




0 Comments:

Post a Comment

<< Home