DXUP FM-Upi for Peace-105.5 MHz

Articles, News, Comments, Opinion, Commentary and Researched of Upi Community Peace Journalist (Grassroots Journalist) in cooperation with DXUP FM Upi for Peace 105.5 MHz, base in Barangay Nuro, Upi, Shariff Kabunsuan, Autonomous Region in Muslim Mindanao [ARMM], Philippines = E Mail-dxupfm@yahoo.com---Mobile Phone # 09185476707 & 09068728296 - Administrator: Alih "Kaka Ali" Anso = Encoder: Abdulkarem Anso& Donald Ventura== Editor: Lenyrose Bajar

Sunday, June 25, 2006




Balita>>>

Maganda at Magaling na broadcaster ng DXUP FM nagpatali na ng puso
sinulat ni Alih "Kaka Ali" Anso

Nuro, Upi- Nagpatali na ng puso ang isa sa mga magaling, masipag at magandang broadcaster ng DXUP FM na si Ms Baimon "Best" Lumanggal Abdullah, kaninang umaga- June 25, 2006 at ang "kalilang" ay ginanap sa may Biton restaurant, Cotabato City. Ang mapalad na binata ay si Guiafar na anak nina Abdullah Abas at Uztadza Farida Salu ng Cotabato City.

Si Baimon ay lalong kilala sa Tawag na Best dahil sa kanilang programa ni Bai Zuhiera Sali sa DXUP FM, na "Pananaw at Panggabay" maririnig tuwing 5:00-6:00 ng hapong mula Lunes-Biyernes.

Ang tawagan ng dalawang matalik na magkaibigan na Best ay tinatawag ng mga Bangsamoro na "Sinaluda". Ginagamit ito ng mga magkakaibigan at madalas ang pinagkunan nito ay kong anong bagay na di nila makakalimutan o mahalaga para sa sa kanila.

Ang tawagan ng dalawa na "Best" ay hinango sa kanilang radio propgram na "pananaw at pangggabay" dahil isa sa d' "Best" na radio programa. Ang programang ito ay tumatalakay sa mga dapat gawain ng isang mabuting pamilya [literacy and moral values development]. Ilan lamang ito sa mga programa sa commmunity radio ng DXUP FM na gustong-gusto mapakinggan ng mamayan ng Upi at kalapit bayan at probinsya.

Marami ang nag-tatanong kong ipagpapatuloy pa ba ni Best Baimon ang kanilang progrma ni Best BaiZuhiera? Kahit siya ay nakatali na sa puso ni Guiafar?

Best Baimon, Happy wedding, Pagpalain nawa kayo ng Allah.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home