BALITA>>>
ALS at A & E assessment team, nasa Upi para sa evaluation ng Access-Mindanao program
Alih "Kaka Ali" Anso
Ang team ay pinangungunahan ni Dr. Miriam Pahm-Policy M & E Operation Research Manager, Creative Associates International, Inc; kasama sina Dr. Hilda Babon-Assistant School Division Superintindent & Assistant Chief of the ALS Division DepEd, Region 9; Dr. Abubakar Murray-Professor ng University of Southern Mindanao, Kabacan; Dr. Joy Gloria Sabutan-Dean of Graduate College, USM Kabacan; Mr Henry R. Juna-Trainer & Mobile Teacher, Basilan, DepEd ARMM; at mga Secretariat group ay sina: Ms Rhowena Loreta; Ms Phaesee Pura;Mr Alshamir Jihay; Mr Ivan Lawrence Gorda; Ms April Marie Caina at Ms Surna Amirbahar.
Mainit na pag-tanggap mula sa mayor ng Upi na si Ramon Piang Sr. sa mga bisita, pinasalamatan din ni Mayor Piang ang pagdalo ng mga nakapasang Learners, Intructional Managers [IM], mga parents ng Learners, at mga barangay opisyals na may programa ng Access-Mindanao.
Pag-katapos ng sandaling briefing mula kay Dr. Miriam Pahm ay ginawang isang grupo ang mga magulang, learners, IM at ng mga barangay opisyal. At tinanong sila ng team kong ano ang naging impact ng programa sa kanilang mga anak, lugar at kong ano naging problema at posibleng solusyon.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home