DXUP FM-Upi for Peace-105.5 MHz

Articles, News, Comments, Opinion, Commentary and Researched of Upi Community Peace Journalist (Grassroots Journalist) in cooperation with DXUP FM Upi for Peace 105.5 MHz, base in Barangay Nuro, Upi, Shariff Kabunsuan, Autonomous Region in Muslim Mindanao [ARMM], Philippines = E Mail-dxupfm@yahoo.com---Mobile Phone # 09185476707 & 09068728296 - Administrator: Alih "Kaka Ali" Anso = Encoder: Abdulkarem Anso& Donald Ventura== Editor: Lenyrose Bajar

Friday, June 02, 2006

FLASH REPORT>>>

Binaha ang Poblacion ng Nuro
DXUP FM Flash Report as of 3:45 p.m.

Nuro, Upi- "Binabaha dito banda sa kanto ng national highway papasok sa sitio Kabutuyen, Blensong", ito ang flash report ni Alih "Kaka Ali" Anso, na tumugon sa text sa DXUP FM ng isang concerned citizen, na di umano ay binaha na ang Nuro sa may terminal papuntang Timanan, South Upi at kailangan nila ng tulong, dahil abot tuhod na ang tubig baha.

Bago magtanghali, Biyernes, June 2, 2006 ay biglang bumuhos ang malakas na ulan na tumagal ng halos isang oras, sa ilang barangay ng Upi na siyang dahilan ng pag-apaw ng tubig sa mga kabahayan sa ilang bahagi ng Nuro..

Ayon sa isang mamayan, na di n kinilala ng himpilan, na binaha rin ang kanyang tahanan, ang pinakadahilan kong bakit binaha ang ilang bahagi ng Nuro, ay dahil sa hindi makalabas ang tubig- baha sa maliliit na imburnal, na nagbabara dahil sa mga basurang nakakaharang sa mga lagusan ng tubig.

Samantala, ang lokal na pamahalaan ng Upi, lalo na ang Engineering Department sa pamumuno ni Engr. Gerardo CariƱo, ay gumagawa na ng plano kong papaano bibigyan ng sulosyon ang problema sa baha ng mamayan ng Upi.

Matatandaan na tuwing tulad nitong tag-ulan ay binabaha ang ilang bahagi ng Nuro, lalo sa may compound ni Mr Vicente Ong, na ang dahilan ay dahil sa lagusan ng tubig ay di sapat, at hinaharangan pa ito ng mga kalat na basura.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home