DXUP FM-Upi for Peace-105.5 MHz

Articles, News, Comments, Opinion, Commentary and Researched of Upi Community Peace Journalist (Grassroots Journalist) in cooperation with DXUP FM Upi for Peace 105.5 MHz, base in Barangay Nuro, Upi, Shariff Kabunsuan, Autonomous Region in Muslim Mindanao [ARMM], Philippines = E Mail-dxupfm@yahoo.com---Mobile Phone # 09185476707 & 09068728296 - Administrator: Alih "Kaka Ali" Anso = Encoder: Abdulkarem Anso& Donald Ventura== Editor: Lenyrose Bajar

Friday, June 30, 2006

BALITA>>>

Lehitimong Vegetable Vendors sa Upi Market nagreklamo
Ulat ni Noralyn Laguey Bilual

Nuro, Upi-Malaking suliranin ng mga lehitimong nag-titinda ng mga gulay sa pamilihang bayan ng Upi ang mga naglalako ng mga gulay sa mga bahay-bahay, sanhi ng halos wala na silang maibenta sa kanilang mga gulay.

Ayon sa isang ginang na may tindahan sa palengke, ay marami na sa aming mga gulay na nalalanta na lamang at di na naipagbibili, dahil kadalasan ay di na namamalengke ang mga maybahay dahil hinihintay na lamang nilang ang naglalako ng mga gulay sa kanilang mga tahanan dahil presko at mura pa ang presyo.

Ang reklamo ng mga Vegetable Market Vendors ng Upi paano pa nila mababawi ang bayad sa lisinsiya, basura at renta ng kanilang pwesto kong ganito na lang palagi ang nangyayari, kaya nakiusap ang mga nagtitinda na tulungan sila ng local na pamahalaan ng Upi, kong papaano mapipigilan ang mga naglalako sa mga bahay-bahay.

Ang tugon ng mga nag-lalako ng gulay, mura kong ibebenta pa namin sa mga market vendors, at pangalawa kailangan namin ang pera para pambili ng bigas at iba pang kakailangan sa kusina sa araw-araw.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home