BALITA>>>
Live Concert
ng Bisayan Navelty Song King-Max Surban, Inaabangan ng taga Upi
sinulat ni Alih "Kaka Ali" Anso
Ang concert ay free para sa lahat at ito ay handog ni Hon Ramon A. Piang Sr at ng LGU Upi sa mamayan ng Upi para sa kaarawan ng Upi na itinatag noong June 10, 1955, sa bisa ng R.A.1248, na inihiwalay mula sa municipyo ng Dinaig (ngayon ay Datu Odin Sinsuat), probinsiya ng Cotabato.
Max Surban nakilala sa awiting Bisaya at unang awit na released ng Vicor Music Corporation ay ang "Lolang Kunot". Marami pang awiting pinasikat ni Max, tulad ng "Magparetoki", "Gihidlawon Intawon Ako or Mitulo na Mitulo na", "Dobol Trobol" at marami pang iba na duet kay Yoyoy Villame.
Inaasahan na dadagsain ng mamayang Upi ang nasabing palabas mamayang gabi, 7:00 PM at itoy isasahimpapawid direkta mula sa gymnasium ngDXUP FM-Upi for Peace-105.5 MHz.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home