DXUP FM-Upi for Peace-105.5 MHz

Articles, News, Comments, Opinion, Commentary and Researched of Upi Community Peace Journalist (Grassroots Journalist) in cooperation with DXUP FM Upi for Peace 105.5 MHz, base in Barangay Nuro, Upi, Shariff Kabunsuan, Autonomous Region in Muslim Mindanao [ARMM], Philippines = E Mail-dxupfm@yahoo.com---Mobile Phone # 09185476707 & 09068728296 - Administrator: Alih "Kaka Ali" Anso = Encoder: Abdulkarem Anso& Donald Ventura== Editor: Lenyrose Bajar

Tuesday, July 04, 2006

BALITA

Mga alagang hayop sa Sefegefen ninanakaw
Sinulat ni Merlyn Trecero-Grassroots Journalist at Iniulat ni Nancy Lawan sa DXUP Balita July 4, 2006

Ninanakaw ng mga hindi pa nakikilang kalalakihan ang mga alagang hayop ng mga taga Barangay Sefegefen. Noong Hunyo 29, 2006 ay baboy ang nawala kay Jimmy Laguitao, samantala manok na panabong ang nawawala kay Sunny Momando na pawang taga Barangay Sefegefen.

Ayon sa pahayag ng mga biktima, ay hinihinala nilang isinasagawa ng mga magnanakaw ang kanilang masamang gawain sa hatinggabi, habang may kalakasan ang ulan at ang mga residente ay himbing na natutulog at mahirap marinig ang ano mang kaluskos o piyok ng mga hayop.

Sinabi ni CivilianVolunteer Organization (CVO) Commander Melanio Gunsi, na hindi lang ito ang naiulat sa kanila na may nawawalang mga hayop. Ang masaklap lang nito ay wala pang mga saksi kaya wala pa silang nahuhuling magnanakaw. Hanggang sa mga sandaling ito ay patuloy pa rin iniimbistigahan ng CVO ng barangay Sefegefen, Upi, Maguindanao ang mga nakawan na ito ng mga hayop sa kanilang barangay.


0 Comments:

Post a Comment

<< Home