PAGLAGDA NG MEMORANDUM OF AGREEMENT O MOA SA PAGITAN NG LOCAL GOVERNMENT UNIT OF UPI, COFFEE CENTRAL NURSERY AT BARANGAY BORONGOTAN, PINANGUNAHAN NI UPI MAYOR RAMON PIANG SR.
SINULAT NI:LENYROSE BAJAR
ISA SA MGA PROYEKTO NG LOKAL NA PAMAHALALAAN NG UPI MAGUINDANAO ANG COFFEE SEEDLING LOAN PARA SA MGA INDIBIDWAL, GRUPO O ASOSASYON AT BARANGGAY, KAYA NAMAN ISINAGAWA KAHAPON SEPTYEMBRE DALAWAMPUT ANIM TAONG KASALUKUYAN ANG PAGLAGDA SA MEMORANDUM OF AGREEMENT SA PAGITAN NG LOKAL NA PAMAHALAAN, COFEE CENTRAL NURSERY AT BARANGGAY BORONGOTAN ANG UNANG RECIPIENT NG PROGRAMA.NILAGDAAN GANAP NA IKA SAMPU AT KALAHATI NG UMAGA SA HARAP NG MUNICIPAL BUILDING, NA PINANGUNAHAN NI UPI MAYOR RAMON A. PIANG SR, VICE MAYOR ABDULLAH SALIK JR. COMMUNITY ENTERPRISE DEVELOPMENT TEAM FOCAL PERSON FELICIDAD DE GUZMAN, AT BARANGGAY BORONGOTAN CHAIRWOMAN MYRNA LOU DE VERA. NAKAPALOOB SA MEMORANDUM OF AGREEMENT ANG PAGPAPAUTANG NG MAHIGIT SA TATLONG LIBONG COFEE SEEDLINGS, SA PRESYONG WALONG PISO BAWAT ISA , ORGANIKONG PATABA, SA TATLONG DAANG PISO BAWAT SAKO , KAAKIBAT ANG LIMANG PORSYENTONG PATUBO NA BABAYARAN MAKALIPAS ANG DALAWANG TAON.NAKASAAD DIN SA MOA ANG PAG-SASAILALIM SA TRAINING NG MGA RECIPIENTS SA MGA AGRICULTURE TECHNICIAN BAGO ANG PAGRERELEASE NG LOAN NA BINASA NG EXECUTIVE SECRETARY RAUL GARDOSE.
SAMANTALA AYON KAY UPI MAYOR PIANG, BAWAT ISANG RECIPIENT AY BIBIGYAN NG ISANG DAANG SEELINGS NG KAPE, KUNG SAAN KAKAYANING E-MINTINA NG MGA ITO NA IPINALIWANAG PA SA WIKANG TEDURAY.. DAGDAG PA NG ALKALDE, LAHAT NG BARANGAY NA SAKOP NG UPI MAGUINDANAO AY BIBIGYAN NG NASABING PROYEKTO. LAYUNIN NG COFEE SEEDLING LOAN AY UPANG MATULUNGAN ANG MGA MAMAMAYAN NG UPI MAGUINDANAO NA MAI-ANGAT ANG KABUHAYAN AT MATUGUNAN ANG MGA PANGUNAHING PANGANGAILANGAN HALIMBAWA NA LAMANG ANG PAGPAPAGAMOT.ANG PAGLAGDA AY SINAKSIHAN NG MGA MUNICIPAL KAGAWAD, KABILANG SINA HON, ROMEO MAYO, HON. BONIFACIO PARAGAS, HON. GUIAMEL ABUTAZIL, HON. SERGIO BELING. HON. BENJAMIN SUENAN, ABC PRESIDENT DATU MICHAEL SINSUAT DE FIRST, COMMUNITY ASSES AFFAIRS 1 DEONATO MOKUDEF, MGA BARANGGAY KAGAWAD NG BARANGGAY BORONGOTAN AT MGA RECIPIENTS NG NATURANG PROGRAMA.
1 Comments:
Sa Taga Upi,
Mapalad kayo, sana kami dito sa Lanao mayroon din ganyan sa inyo.
Congrats, and happy Ramadan sa mga Kapatid na Muslim, lalo na sa guwapo at machong vice mayor Hon Abdullah Salik Jr.
from Marawi with Love
Post a Comment
<< Home