DXUP FM-Upi for Peace-105.5 MHz

Articles, News, Comments, Opinion, Commentary and Researched of Upi Community Peace Journalist (Grassroots Journalist) in cooperation with DXUP FM Upi for Peace 105.5 MHz, base in Barangay Nuro, Upi, Shariff Kabunsuan, Autonomous Region in Muslim Mindanao [ARMM], Philippines = E Mail-dxupfm@yahoo.com---Mobile Phone # 09185476707 & 09068728296 - Administrator: Alih "Kaka Ali" Anso = Encoder: Abdulkarem Anso& Donald Ventura== Editor: Lenyrose Bajar

Saturday, August 05, 2006

BALITA>>>
LOGGERS HAULERS TRUCKS: INAMBUSH
ALIH S. ANSO/ 8-4-06 -1:00 PM –TOP OF THE HOUR NEWS 6:00 PM


TINAMBANGAN AT NASUGATAN NG MGA DI KILALANG ARMADO ANG MGA SAKAY SA DALAWANG HAULERS TRUCK NG ISANG LOGGING COMPANY, NA NAG-OOPERATE SA MAY BARANGAY RENTI, UPI, MAGUINDANAO. AT ANG MGA INAMBUSH AY AGAD NA NAMANG NADALA SA MAY PINAKAMALAPIT NA OSPITAL SA DATU BLAH HOSPITAL. ANG NASABING AMBUSH AY NAGYARI SA MAY SITIO KITAR’K, BARANGAY LOOY, SOUTH UPI, MAGUINDANAO KANINANG ALAS SIYETE NG UMAGA AGUSTO A KWATRO TAONG KASALUKUYAN.

SAMANTALA AYON SA PANAYAM NG DXUP FM FIELD REPORTER NA SI LENYROSE BAJAR,SA BARANGAY CHAIRMAN NG BANTEK NA SI CHAIRMAN ALLAN MINTED, AY APAT ANG SUGATAN. PINANGALANAN ANG MGA NASUGATAN NA SINA RENYRIO CHUA, WILLIAM DITROS BERNALYN MINTED AT BABYLYN TIBURCIO. AYON KAY CHAIRMAN ALLAN MINTED, ANG DALAWANG SASAKYAN NA PUNONG-PUNO NG MGA DRUMS NG FUEL AT MGA FOOD SUPPLIES PARA SA MGA EMPLEYADO NG ISANG LOGGING COMPANY, AY PAPUNTA SA AREA NG BARANGAY RENTI MULA SA COTABATO CITY AT PAGDATING SA AREA NG SITIO KITAR’K AY BIGLA NA LAMANG SILANG PINAPUTUKAN NG MATATAAS NA KALIBRE NG BARIL NG MGA DI PA NAKIKILANG MGA ARMADO, SAMANTALA DI PA ALAM ANG PINAKAMOTIBO SA AMBUSH NGUNIT MAY HINALA NA POSIBLENG MAY KAUGNAYAN SA PAGTUTOL NG MAMAMAYAN SA (LAGING) LOGGING SA NASABING BAYAN NG UPI . DAHIL SA PANGYAYARI AY AGAD NAMAN NAGSAGAWA ANG KAPULISAN AT KASUNDALUHAN NG UPI PARA SA ISANG PURSUIT OPERATIONS LABAN SA MGA AMBUSHERS.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home