Balita>>>
5 katao bilang ng nagkasakit sa malaria-Upi
Ulat ni Nineta Minted-DXUP Balita-July4, 2006
Nuro, Upi-Umabot sa lima katao ang naging pasyente ng Datu Blah Sinsuat Hospital simula pa noong Hunyo hanggang Hulyo, ayon sa record ng nasabing ospital. kabilang sa mga biktima noong Hunyo 2006 ay sina: Anne Rose Bello, Lolita Lala, At Roland Lala pawang mga nakatira a Kilometer 30, Barangay Kibleg, Upi.
Araw ng Sabado, Hulyo 1, 2006 ay dalawa ang dinala sa DBS hospital sa sakit na malaria. sina Jennifer Rocio, 19 na taon gulang residente rin ng Kilometer 30 at si Melody Alejandro 30 gulang, taga barangay Bayabas, Upi, Maguindanao.
Inamin na ng mga opisyal ng Kagawaran ng Kalusugan na may naitala na silang mga kaso tungkol sa sakit na ito na malaria, kaya masusi nila itong pinag-aaaralan kong papaano ang epektibong programa para maiwasan ng mga mamamayan ng Upi ang naturang sakit na malaria.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home