Articles, News, Comments, Opinion, Commentary and Researched of Upi Community Peace Journalist (Grassroots Journalist) in cooperation with DXUP FM Upi for Peace 105.5 MHz, base in Barangay Nuro, Upi, Shariff Kabunsuan, Autonomous Region in Muslim Mindanao [ARMM], Philippines = E Mail-dxupfm@yahoo.com---Mobile Phone # 09185476707 & 09068728296 -
Administrator: Alih "Kaka Ali" Anso =
Encoder: Abdulkarem Anso& Donald Ventura==
Editor: Lenyrose Bajar
NEWS>>>
North Upi pumangalawa
sa pinakamataas na marka sa Accreditation and Equivalency Examination (A&E) sa buong kapuluan.
by: Baimon Abdullah-Reporter-DXUP FM
"Pumangalawa sa pinakamataas na markang nakuha sa Accreditation and Equivalency (A&E) Examination ang Upi sa buong kapuluan". Ito ang pahayag ni Alimen Sencil- project officer ng Creative Associate Internationa Inc. (CAII) sa seminar ng mga Instructional Manager (IM) sa Zamboanga City noong May 23- 28, 2006.
Ang A&E Exam ay isinagawa noong ika-5 ng Pebrero, 2006 sa buong kapuluan ng Pilipinas.
Samantala, patuloy pa rin ang pag-antabay ng mga Out of School Youth o mga learners sa resulta ng kanilang Philippine Educational Placement Test (PEPT) kasabay ng pag-asang maiangat ang antas ng kanilang edukasyon.
Kaugnay ng naturang balita apat lamang ang pumasa sa A&E Examination sa Upi, ito ay sina Gladys Venus Galapin, Johanny Mao, Caps Son, at Bainot Mendoza.
Nangako naman si Hon. Mayor Ramon A. Piang Sr, na sasagutin lahat ang mga babayaran ng mga estudyanteng nakapasa sa A&E test.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home