DXUP FM-Upi for Peace-105.5 MHz

Articles, News, Comments, Opinion, Commentary and Researched of Upi Community Peace Journalist (Grassroots Journalist) in cooperation with DXUP FM Upi for Peace 105.5 MHz, base in Barangay Nuro, Upi, Shariff Kabunsuan, Autonomous Region in Muslim Mindanao [ARMM], Philippines = E Mail-dxupfm@yahoo.com---Mobile Phone # 09185476707 & 09068728296 - Administrator: Alih "Kaka Ali" Anso = Encoder: Abdulkarem Anso& Donald Ventura== Editor: Lenyrose Bajar

Saturday, September 30, 2006

DXUP BALITA
6:30-7:00 Umaga-Lunes-Sabado
Lenyrose Bajar
Newswriter & Newscaster

September 30, 2006
=========================================================================

BAGYONG MILENYO, NAG-IWAN NG MAHIGIT SA ISANG DAAN AT TATLUMPUT APAT NA MILYONG PISO PINSALA AYON SA OCD

MAHIGIT SA ISANG DAAN TATLUMPOT TATLO PUNTO SIYAMNAPUT ANIM NA MILYONG PISONG ANG SUMA TOTAL NA NAGING PINSALA NG BAGYONG MILENYO SA MGA INPRASTAKTURA, AGRICULTURA AYON SA OFFICE OF THE CIVIL DEFENSE O OCD. DALA NG BAGYO ANG PAGBAHA, MAHIGIT SA ANIM NAPU'T DALAWANG LIBONG PAMILYA SA ANIM NAPUNG MGA LUGAR ANG NAAPEKTUHAN. SAMANTALA MAS MALAKI NAMAN ANG TANTIYA NG PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS CHAIRMAN HERMOGENES EBDANI AT METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY CHAIRMAN BAYANI FERNANDO SA CONFERENCE SA MALAKANYANG. AYON KAY EBDANE, MAHIGIT SA ISANG DAANG MILYON ANG PINSALA SA SAMAR-LEYTE, SA EASTERN VISAYAS, SA REGION 4-A MAHIGIT SA SAMPUNG MILYON, LIMANG MILYON SA REGION 3, APAT PUNTO LIMANG MILYON SA REGION 6 AT ANIM NA MILYONG PISO SA REGION 5. AYON NAMAN KAY FERNANDO, ANG TANTIYANG PINSALA SA LAND SCAPING, AY ISANG DAANG MILYONG PISO AT MGA KAGAMITANG PANG TRAPIKO AY TATLUMPONG MILYONG PISO AT AABUTIN NG MAHIGIT SA ISANG LINGGO BAGO MALINIS ANG MGA KALYE SA METRO MANILA. ISANG DAAN AT LABING WALONG MILYON PUNTO SIYAM ANG PINSALA SA INPRASTAKTURA AYON PA SA OCD. SA FISHERIES NAMAN, MAHIGIT SA SAMPUNG MILYON. IPINAHAYAG NI EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ERMITA NA MAHIGIT SA DALAWANG DAAN AT APAT NA PUNG MILYON PISO ANG QUICK REACTION FUND NG GOBYERNO PARA SA MGA APEKTADONG LUGAR HABANG TATLUMPOT DALAWANG MILYON NAMAN ANG NAKALAAN PARA SA RELIEF OPERATION AYON SA SOCIAL WELFARE SECRETARY ESPERANZA CABRAL..SA KAUGNAY NA BALITA, MAHIGIT SA ISANG DAAN AT TATLONG ESKWELAHAN ANG NAKARANAS NG MINOR DAMAGE SA REGION 4-A AT METRO MANILA. WALA PANG NATATANGGAP NA REPORT MULA SA REGION 3, 5, 6 AT 8. DEKLARADO NA ANG STATE OF CALAMITY SA ILANG LUGAR NGUNIT ANG IILAN AY WALA PA. SINABI NAMAN NI ERMITA NA MAYROONG OTORIDAD ANG MGA ALKALDE NA MAGDEKLARA NITO.

===============================================================

TATLONG DAAN AT DALAWAMPUT LIMANG MILYON. INAPRUBAHAN NG MANILA SA PINSALA NG BAGYONG MILENYO

INAPROBAHAN NG PAMAHALAANG LOKAL NG METRO MANILA ANG PAGPAPALABAS NG TATLONG DAAN AT DALAWAMPUT LIMANG MILYONG PISO PARA PINAKAMALAKAS NA BAGYONG MILENYO NA DUMAAN NG MAYNILA SA NAKALIPAS NA DEKADA NA NAG-IWAN NG MALAKING PINSALA. ANG PERA AY ILALAAN SA MAHIGIT WALONG DAANG PAMILYA SA DISTRITO. PINAKA APEKTADO ANG TONDO. INILAGAY NA SA STATE OF CALAMITY NI MANILA MAYOR LITO ATIENZA, ANG CAPITAL NG BANSA NOON PANG ARAW NG HUWEBES NA NAGDULOT NG PAGKASIRA NG MGA BAHAY, PAGKABUWAL NG MGA PUNO, PAGKA ANTALA NG MGA BIYAHE AT BROWN OUT. SA KABUTIHANG PALAD NAKABALIK NA ANG MGA NAGSILIKAS NA PAMILYA BUHAT SA KANILANG TAHANAN. ITO ANG PINAKAMALAKAS NA BAGYO MAKALIPAS ANG LABING ISANG TAON AT PANG SAMPU NGTUMAMA SA BANSA NGAYONG TAON.

===================================================================

PANIBAGONG BAGYO, NAKAAMBANG DARATING

ISA NA NAMANG PANIBAGONG BAGYO ANG INAASAHANG PAPASOK SA AREA OF RESPONSIBILITY NG PILIPINAS. ITO ANG IPINAHAYAG NG SCIENCE AND TECHNOLOGY SECRETARY ESTRELLA ALBASTRO KAHAPON . ITO AY INAASAHANG DARATING SA ARAW NG LINGGO NA MAGDUDULOT NG MGA PAG-ULAN SA SUSUNOD SA LINGGO. DAGDAG PA NI ALABASTRO ANG ULO NG BAGYO AY PATUNGO PA RIN NG LUZON. IPINAHAYG NAMAN NI EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ERMITA, NA KAILANGAN NG HUMANDA ANG GOBYERNO PARA SA SUSUNOD NA BAGYO AT MAY SAPAT NA MAPAGKUKUNAN NG PAMAHALAAN PARA SA MGA GANITONG KAHALINTULAD NA SITWASYON.

==================================================================

ANIM ANG NASAKTAN SA NORTH COTABATO SA ISANG PAGSABOG

NASAKTAN ANG ANIM KATAO SA ISANG PAGSABOG SA KABAKAN NORTH COTABATO NOONG ARAW NG HUWEBES SEPTYEMBRE DALAWAMPUT WALO TAONG KASALUKUYAN. AYON KAY SENIOR INSPECTOR ABELLO JUGGAYANG KABAKAN POLICE CHIEF ITO AY KINASASANGKUTAN NG LOCAL TERROR GROUPS NA UMANOY AKTIBO SA LUGAR. ANG PAGSABOG AY MAHIGIT DALAWANG DAANG KILOMETRO ANG LAYO BUHAT SA MAY LIMANG LIBONG ESTUDYANTE NA NANONOOD NG KONSIYERTO SA GRAND STAND NG UNIVERSITY NG SOUTHERN MINDANAO O USM. AYON SA MGA NAKASAKSI ISANG LALAKI ANG NAG-IWAN NG GRANADA DAKONG ALAS DIYES NG UMAGA NOONG ARAW NG HUWEBES. AYON KAY JUNGGAYA ANG MGA ITO AY NANANAKOT LAMANG SA MGA MANONOOD NG CONCERT AT WALANG INTENSION NA GUMAWA NG MARAMING PINSALA DAHIL KUNG HINDI AY HINAGIS NITO ANG GRANADA SA MANONOOD. HANGGANG NGAYON AY PATULOY PA RIN ANG PAG-IIMBESTIGA NG KAPULISAN. MATATANDAAN NA NOONG ARAW NG LINGGO, NATAGPUAN DIN NG ISA SA MGA SECURITY GUARDS ANG ISANG GRANADA SA PAGBUBUKAS NG INTRA-COLLEGIATE INTRAMURALS.

================================================================

NURSING RE-TAKE SAGOT NG GOBYERNO

ISASAGAWA ANG RE-TAKE SA NURSING LICENSURE EXAMINATION BAGO MAG-DISYEMBRE AT ITO AY ISA-SUBSIDIZE O SASAGUTIN NG GOBYERNO ANG GASTOS SA NATURANG RE-EXAMINATION. ITO ANG PERSONAL NA TINIYAK KAHAPON NI PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO NANG BIGLAANG KAUSAPIN NG MGA NURSING STUDENTS SA PAG-IIKOT NITO SA BISINIDAD NG MALACAÑANG KAHAPON. NAPAG-ALAMAN NA HABANG UMIIKOT ANG PANGULO SA COMPOUND NG MALACAÑANG DAKONG ALAS-5:30 NG HAPON AY NILAPITAN ITO NG TATLONG NURSING STUDENTS NG LYCEUM OF THE PHILIPPINES-PANGASINAN SA HARAPAN NG ST. JUDE CHURCH UPANG PAKIUSAPANG HUWAG NANG ITULOY ANG RE-TAKE. NGUNIT AGAD ITONG SINAGOT NG PANGULO NA ANG ULITAN SA NATURANG PAGSUSULIT ANG PINAKAMAGANDANG OPSYON UPANG TULUYANG MABURA ANG LAMAT NA INIWAN NG KONTROBERSYAL NA LEAKAGE SA KREDIBILIDAD AT KAPASIDAD NG MGA NAKAPASANG NURSES.

BAGO ITO AY TINIYAK NA RIN NI PRESS SEC. IGNACIO BUNYE NA PINAL NA ANG NASABING DESISYON NG PANGULO AT HINIHILING NILA ANG KOOPERASYON NG LAHAT NG SEKTOR NA NASASANGKOT. PINABORAN NAMAN NI BAYAN MUNA PARTYLIST REP. TEDDY CASIÑO ANG DESISYON, HINDI NAMAN SINANG-AYUNAN NI LINGAYEN-DAGUPAN ARCHBISHOP OSCAR CRUZ ANG DESISYON. NAHILING NITONG SANA AY HININTAY NA MUNA ANG BUONG RESULTA NG IMBESTIGASYON NG NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION (NBI) SA BOARD EXAM LEAKAGE NOONG HUNYO. "UNFAIR" UMANO ITO PARA SA MGA HINDI NANDAYA SA NATURANG PAGSUSULIT. SA PANIG NI SENATE MINORITY LEADER AQUILINO PIMENTEL JR., HINAMON NITO SI ARROYO NA IPAKITA ANG SINSERIDAD SA PAGTATAGUYOD NG KATAPATAN SA PAMAMAGITAN NG PAGBABA SA PUWESTO.

=================================================================

DALAWANG MAMBABATAS SA MINDANAO NAGBIGAY NG PAHAYAG UKOL SA APILA NG MILF !

PINANIGAN NG DALAWANG CONGRESSMAN NG MINDANAO SA POSISYON NG GOBYERNONG TUMATANGGI SA HILING NG MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT O MILF SA USAPING PAGPAPALAWAK NG TERITORYO NITO. SA ISANG STATEMENT NINA REPRESENTATIVES ANTONIO CERILLES NG ZAMBOANGA DEL SUR AT VINCENT GARCIA NG DAVAO CITY, SINABI NG MGA ITO NA ANUMANG DI NAKASAAD SA PAGPAPALAWAK NG AUTONOMOUS REGION SA HILAGA AY HINDI NEGOTIABLE., AT LAHAT NG APEKTADONG SECTOR AY DAPAT KONSULTAHIN TULAD NG NAKASAAD SA KONSTITUSWYON. HINILING NAMAN NG DALAWANG MAMABABATAS SA DALAWANG PANIG NA IPAGPATULOY ANG NASIMULANG NEGOSASYON AT ALAMIN ANG IBA PANG POSIBLING MGA SOLUSYON AT ANG USAPING ANCESTRAL DOMAIN. NAKASAAD SA ARTICLE 10, SECTON 8 NG KONSTITUSYON NA ANG PAGBUO NG AUTONOMOUS REGION AY EPEKTIBO KAPAG ITO AY APROBADO NG KARAMIHAN NG MGA BOTO NG MGA MAMAMAYAN SA ISANG PLEBISITO. SAMANTALLA, IPINAHAYAG KAMAKAILAN NI EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ERMITA NA MALABONG MAPAGBIGYAN NG GOBYERNO ANG HILING NG MILF PARA SA KARAGDAGANG TERITORYO BILANG ANCESTRAL DOMAIN. ANG ISYU NG ANCESTRAL DOMAIN NAGING ALARMA PARA SA PANGANIB NG USAPANG PANGKAPAYAPAAN. TIWALA NAMAN SI CERILLES AT GARCIA NA MANUNUMBALIK ANG PAG-UUSAP MULI NG DALAWANG PANIG AT ANG PAGKABALAM NITO AY ISA LAMANG SA MGA HAMON.

====================================================================

OSAMA BIN LADIN, BUHAY PA RIN

LONDON --- BUHAY AT NAGTATAGO SA AFGHANISTAN SI AL-QAEDA LEADER OSAMA BIN LADEN NA NAUNANG INIULAT NOONG NAKARAANG LINGGO NA NAMATAY DAHIL SA TYPHOID FEVER. SA NAILATHALANG PANAYAM NG PAHAYAGANG THE TIMES KAY PAKISTANI PRESIDENT PERVEZ MUSHARRAF KAHAPON, SINABI NITONG HINDI SIMPLENG KUTOB LAMANG ANG PAHAYAG NIYA NA BUHAY SI BIN LADEN. AYON PA KAY MUSHARAF MAY UGNAYAN SI BIN LADEN SA AFGHAN WARLORD PRIME MINISTER NA SI GULBUDINHEKMATYAR NA NAG-OOPERATE SA KUNAR.

==============================================================================
LOKAL NA BALITA

13TH UMEC ANNIVERSARY, MATAGUMPAY
Ulat ni Noralyn Laguey Bilual

Nuro, Upi- Ipinagdiwang kahapon, 29 ng Setyembre 2006 ang ika-labingtatlong pag-kakatatag ng Upi Montessori Educational Center, isang pribadong eskuwelahan sa Upi. Ang selebrasyon ay pinangunahan ng UMEC principal na si Mr. Petronilo Cristobal Sr. Ang tema ay "UMEC Partneship & Child Unfonlding After 13 Years". Pinasimulan and selebrasyon sa pamamagitan ng parada paikot sa Nuro, Upi, sa ganap na alas siyete y media, pagkatapos nito sinimulan agad ang programa sa UMEC ground.

Dumalo ang mga studyanteat guro ng kalapit na pribadong eskuwelahan, ang Notre Dame High School pag-aari ng Catholic at Saint Francis High School na pag-aari naman ng Episcopalian.

Dumalo rin ang principal ng mga pampublikong eskuwelan sa Nuro Elementary School ay si Mr. Rumulo Cristobal Jr., at sa Upi Agricultural School ay si Gng. Josefina B. Cristobal.

=================================================================================
Corn hush Making ng Kababaihan sa Upi
Iniulat ni Lolita Daingan Savariz

Nuro, Upi- Tuloy-tuloy ang pag-gawa ng bulaklak, bag at tsinelas na gawa sa balat ng mais, ito ang nakalap na balita mula sa chairman ng Kababaihan sa Upi na si Gng. Amelita Piang. Ang nasabing proyekto ay isa sa pinakamatagumpay na proyektong isinusulong ng Womens Federation ng Upi.

Ang pinakalayunin ng proyekto ay kong paano matuto at magkaroon ng kabuhayan ang mga kababaihan sa Upi, na ang gagamitin na materyales ay mula sa indegeonous materials.

Ang corn hush project na ito ay sinimulan ilan taon ang nakakaraan at sinusuportahan ito ng alkalde Ramon A. Piang Sr.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home