Para sa KAPAYAPAAN ng Mindanao
D E K L A R A S Y O N
Ang pagtitipong ito ay kauna-unahan sa kasaysayan ng Tribo at dito tinalakay ang mahahalagang hakbang upang makamit ang ganap na kapayapaan, hustisya at pagkakaunawaan ng bawat Tribo sa Mindanao lalo’t higit dito sa loob ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Matapos ang tatlong (3) araw ng pag-uusap, ay naging malinaw, na ang katutubong pamayanan ay biktima ng kahirapan, kawalan ng hustisya at nagiging internally displaced persons (IDPs) sa loob ng aming Lupaing Ninuno dahil sa tunggalian sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines at Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Kung kaya, kami ay malayang magpapahayag ng aming pinagkaisahang deklarasyon upang lalo pang mapangalagaan ang mga kabutihang nakamit sa usaping pangkapayapaan para sa pananatili ng unti-unting kaayusan ng Mindanao.
Hinihiling namin sa BAWAT PANIG (GRP–MILF) na palawakin pa ang palugit ng kanilang kakayahan, pag-uunawa sa sitwasyon, pagiging malikhain at matatag, kapaki-pakinabang at katanggap-tanggap na pamaraan upang IPAGPAPATULOY ANG USAPING PANGKAPAYAPAAN tungo sa minimithing kapayapaan at likas na kaunlaran ng Mindanao.
(This Document was presented to the MILF Peace Panel, International Monitoring Team (IMT) GRP peace Panel, OPAPP by the T'duray and Lambangian Summit September 28, 2006, held in San Isidro Parish Formation Center, Nuro, Upi, Maguindanao.)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home