DXUP FM-Upi for Peace-105.5 MHz

Articles, News, Comments, Opinion, Commentary and Researched of Upi Community Peace Journalist (Grassroots Journalist) in cooperation with DXUP FM Upi for Peace 105.5 MHz, base in Barangay Nuro, Upi, Shariff Kabunsuan, Autonomous Region in Muslim Mindanao [ARMM], Philippines = E Mail-dxupfm@yahoo.com---Mobile Phone # 09185476707 & 09068728296 - Administrator: Alih "Kaka Ali" Anso = Encoder: Abdulkarem Anso& Donald Ventura== Editor: Lenyrose Bajar

Monday, February 13, 2017

Bakit Haram ang baboy sa mga Bangsamoro Muslim? - Sulat ni Zamin

December 12, 2006

Kapayapaan para po sa inyo Kaka Ali,

Nais ko sanang talakayin ninyo sa inyong mga programa sa DXUP FM kong bakit ang mga Muslim (Nanampalataya o Believer) ay hindi kumakain ng baboy o laman noon, dahil marami sa ating mga kapatid ang hindi nakakabatid kong bakit hindi kinakain. Kasali na dito ang mga Bangsamoro na Muslim, at nais ko rin ipaalaala muli Kaka Ali na ang mga Kaugalian at kultura ng mga Bangsamoro ay nakabatay sa Quran at Hadith o katuruan ng Propeta Muhammad, ang Kapayapaan ay Sumakanya Nawa, kaya kong ano nang di ipinaihintulot sa Islam ay hindi rin nila ito ipinahihintulot.

Aking ibabahagi sa inyo ang sinabi ng Allah sa Banal na Aklat ang Qur’an, na ganito ang pagkasalin sa wikang Pilipino:

“Ipinagbabawal lamang niya sa inyo ang patay na hayop, ang dugo, ang baboy at ang anumang mga ini-alay maliban sa Allah. Nguni’t kung ikaw ay napilitan dahil sa higpit ng pangangailangan, at hindi sadyang paglabag at pagmamalabis magkagayon siya ay walang kasalanan. Ang Allah ay ang Mapagpatawad, ang Mahabagin.” [Qur’an, 2:173]

Iyan ay ilan lamang sa mga bersikulo mula sa Qur’an, na dapat paniwalaan at isagawa ng isang Nanampalataya.

Ang mga kapatid na Bangsamoro ay mahigpit dito sa pagkain, na mga Haram o ipinagbabawal, dahil ano mang pagkain na nahaluan kahit kunti lamang ay hindi sila kakain, kahit pa ang nilagyan nito tulad ng mga plato ay hindi na sila kakain ng ano mang pag-kain na inilagay dito, maliban lamang kong nahugagasan ito ayon sa Islam. Ang tamang pag-huhugas sa mga bagay na nalagyan ng Haram ay ganito:

• pitong beses hugasan ng tubig at ang last ay lupa, at basahin mo dito ang Salawat o pangalan ng Allah, ito ay isang maikling panalangin.

Kaka Ali ito marahil kong bakit ang iba nating mga kapatid na Bangsamoro ay ayaw noon makikain sa mga kapatid na Kristiyano na galing ng Luzon at Visayas na kumakain ng baboy, dahil takot siling makakain ng Haram.

Kaka Aali, Para malawak na maintindihan ang ating pinag-uusapan ay Magbibigay ako ng ilang kondisyon hinggil sa pagkain na Haram.

Ang mga sumusunod ay kondisyon na kailangang laging isa-isip ng Muslim ksama na dito ang Bangsamoro na Muslim:

1. Na pwede lamang siyang kumain ng mga pagkain na di-pinahihintulutan ay talagang walang ibang mapagkukunan, at kaya lamang niya ito ginawa ay upang iligtas ang kanyang buhay o buhay ng kanyang buhay o buhay ng kanyang pamilya.

2. Na hindi niya sinasadya ang lumabag sa batas ng Allah, bagkus ito ay dala lamang isang matinding pangangailangan.

3. Na kung siya ay kakain ng di-pinahihintulutan o Haram, kailangan huwag kumain ng labis sa pangangailangan ay Magtawba o mag-sisi pagkatapos.


Nais ko rin ipaalaala sa mga kapatid na Muslim, siya man ay maging isang Bangsamoro, Settlers, Lumad o ano mang Tribu o nation, andito ang mga ilang bagay na dapat malaman kung ano ang Haram at mga prinsipyong namamahala dito.

1. Ang anumang ipinahayag na Haram, ito ay sa dahilang marumi o di-dalisay at makapipinsala.

2. Ang anumang naghahatid ng Haram, ito ay lubusang Haram.

3. Ang anumang Haram sa maliit na sukat o bilang ay Haram din sa malaking sukat o bilang.

4. Ang mabuting hangarin o layunin ay hindi dahilan upang gawin ang bagay na di pinahihintulutan.

5. Ang anumang di-pinahihintulutan ay ipinagbabawal sa lahat.

6. Kung nasa gipit na kalagayan, ang di-pinahihintulutan ay maaring pahintulutan nguni’t ito ay hanggang sa paglutas lamang ng mahigpit o matinding pangangailangan.

7. Isang kasalanan sa sinumang magpahayag na ang pinahihintulutan ay Haram at ang di - pinahihintulutan ay Halal.

Mga Kapatid na tagapakinig sa DXUP FM, Laging isa-isip na ang anumang Haram ay may kaparusahan. Kaya’t ang lahat ng katotohanan na napag-alaman mula sa Shari’ah ay kailangang mahigpit na sundin at isakatuparan. Isa-isip na ang kaligtasan sa Islam ay nababatay sa matapat na paniniwala at tamang pagsagawa ng mga batas ng Allah. Ang isang paniniwala na wala o kulang sa gawa ay walang silbi at kabuluhan.

Sana Kaka Ali may napulot na information ang ating tagapkinig hanggang dito na lamang po ang Pag-palain nawa kayo ng Poong Masykapal .

Gumagalang, ang inyong Kapatid.

Zamin,
Upi Maguindanao

(Note: Kaka Ali  ay may programa na Kapayapaan ang titulo, na inisahimpapawid sa DXUP FM tuwing 5:30-6:30 ng Umaga- lunes hanggan Biyernes)


0 Comments:

Post a Comment

<< Home