Christian,Muslim at T'duray Tribe
Sadyang malayo na ang narating ng mga taga Upi, marami na tayong naituwid na mali, una iyong tawag natin sa tribo na "Teruray" ang pagsulat at pagbasa ay mali pala at itinuwid natin, ngayon ay nasa tamang term: T’duray.
Ang paghahati-hati sa mga tribo ay maganda ang kinalabasan dahil dito ay nag-papakita ng gilas ang bawat tribo, at dahil dito muli ay congratulations sa ating lahat. Ang comments ko lamang ay ang term o tawag sa mga tribo, ang mga galing ng Luzon at Visayas na mga tribo, tulad ng Tagalog, Pangasinan, Ilokano, Ilonngo, Cebuano at marami pang iba ay tinawag nating Christian Tribe, ang taga Mindanao naman na mga Maguindanaon, Iranon, Meranaw at iba pa ay Tinawag naman na Muslim Tribe at ang native inhabitants na taga Upi ay nanatili sa tawag sa tribo nila na T’duray.
Sa pag-hahati by tribe ay walang problema, ngunit ang term na ginamit na Christian ay panahon na upang baguhin at hanapan ng tamang terminology, bakit Kaka Ali? Dahil alam nating lahat ang Christian at Muslim term ay para sa mga nanampalataya, na ang religion ay Christianity at Islam, papaano ngayon iyan na marami na sa ating mga Ilokano na Muslim na dahil tinanggap na ang Agama o religion ang Islam.
Ang ibig sabihin ng Muslim ay iyong ang religion ay ang religion na Islam at ito ay hinda na pwedeng palitan ang term na ito dahil galing sa Qur’an at Hadith.
Bakit hindi natin palitan ng tamang term, na hindi na malilito ang mga kababayan balang araw, dahil pag-Muslim ang term natin sa mga Iranon, Maguindanaon, Meranaw at kasama pa nila, ay magkakalituhan, bakit?
Kaka Ali ay hindi na natin maitatwa na mayroon ng mga Iranon, Maguindanaon, Meranaw na ang religion ay Christianity, at of course sila ay tatawagin ng Christian, hindi na Muslim,
At dahil tribo naman ang ating tinutumbok sa paghahati hati sa mga constituents ng Upi, ay palitan na natin ng walang religious inclination, dahil ang sa T’duray tribe, ay walang religion na involved, iyong sa mga kapatid na R’nawon (ito ang tawag ng t'duray sa Maguindanaon, Iranon at Meranaw) ay may religious inclination, kaya panahon na para palitan natin sa accepted terms. iAng Muslim ay palitan ng Bangsamoro, dahil ito ay accepted terms sa ngayon at wala pang malilito, walang religion na involved.
Sa Christian ay maghanap na rin tayo, tulad ng ginawa nila sa ibang lugar, ang ipinalit nila ay Descendant of Settlers.
Marami pong Salamat kaka Ali,
ang iyong kapatid na
Zamin
(binasa ito ni Kaka Ali sa kanyang programang "Kapayapaan" sa DXUP FM)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home