DXUP FM-Upi for Peace-105.5 MHz

Articles, News, Comments, Opinion, Commentary and Researched of Upi Community Peace Journalist (Grassroots Journalist) in cooperation with DXUP FM Upi for Peace 105.5 MHz, base in Barangay Nuro, Upi, Shariff Kabunsuan, Autonomous Region in Muslim Mindanao [ARMM], Philippines = E Mail-dxupfm@yahoo.com---Mobile Phone # 09185476707 & 09068728296 - Administrator: Alih "Kaka Ali" Anso = Encoder: Abdulkarem Anso& Donald Ventura== Editor: Lenyrose Bajar

Monday, February 13, 2017

Pilipino at Bangsamoro, Magkapatid?


(sinulat ni Kaka Ali-Dec. 27, 2006)

Magkapatid nga ba ang Bangsamoro at ang Pilipino?

Bago natin ilahad ang nagpapatunay na ang dalawang bansa o angkan ay magkapatid o iisang lahi ang pinagmulan ay ating alamin sino ang Pilipino at Bangsamoro.

Ang tinatawag na Pilipino ay yaong mamayan na mga taga Pilipinas, na dinatnan dito ng Kastila, na sumunod sa mga kaugalian, relihiyon o iyong mga napilitang magpasakop sa kapangyarihan ng Kastila, dahil wala ng magawa kundi magpasakop dahil talo sila sa lakas at armas sa pakikipaglaban. Nabibilang dito ang mga Taga-ilog o Tagalog na taga Bulakan at Maynila, mga Ilokano, Ilonggo, Cebuano at iba pang tribo.

Ang tinatawag naman na Moro ng mga Kastila ay yaong mga mamayan na dinatnan nila na lumalaban sa kanila, at katulad ng mga ugali, abilidad sa pakikidigma at relihiyon ng mga naging kalaban din nila sa kanilang bansang Espanya, na tinatawag na Morocan o mga taga Moroco. Bagamat Moro sa una ang tawag, nitong mga huling panahon ay nadugtongan ng Bangsa na ang kahulugan sa sariling wika natin ng Bangsa ay angkan, kaya naging Bangsamoro na ngayon ang tawag. Nabibilang sa mga tinatawag ngayon na Bangsamoro ay ang tribong Meranaw, Yakan, Maguindanaon, Iranon, T’duray, Subanen, Tau Sug at marami pa, ang ibang manunulat tulad ni Prof. Rudy Rodil ay hinati sa sa dalawang kategorya ang Moro, ang Islamized at hindi, o ang ibig sabihin ay tinaggap ang Islam bilang religion at pangalawang kategorya ay nanatili sa kanilang nakaugaliang paniniwala.

Ang magkapatid ay halos magkapareho ng mga kaugalian, paniniwala sa mga salita at iba pang bagay.

Ang Pilipino at Bangsamoro saan sila magkapareho?

Ang kasagutan sa tanong, marami, ngunit magbibigay tayo ng ilang halimbawa; sa pagsasaya o merry making, paano nila ito ipinagdiriwang? pareho dito ang dalawa, sa mga Pilipino tuwing sumasapit ang Pasko o bagong taon, paputok ang common sa dalawa. Halos lahat na yata na pumuputok ay pinapuputok ng mga Pilipino, di baling gumasto ng kayaman pati buhay maipagdiwang lamang ang pasko o bagong taon ng may paputok.

Sa mga Bangsamoro na Muslim, tuwing sasapit ang Id o katapusan ng Ramadan o itong darating na idil Adha, ang mga Bangsamoro kahit ito ay sinasabi ng ng mga nakakaalamn o ng mga Uztadz na wala ito sa katuruan ng Islam ang pagpapaputok sila ay patuloy pa rin sa namana nilang kaugalian, tulad sa mga Pilipino. di baling may madisgrasya basta maipagdiwang ang isang bagay na may putukan.

Sa paghihigante ng isang kaanak na napatay, pareho sila dito, hindi mapalagay ang Pilipino at Bangsamoro na hindi maipaghigante ang kapatid o kaanak na napatay o naapi, dito lamg sila medyo nagkakaiba, ang Bangsamoro, ay agad naisasakatuparan dahil may armas na hawak hanggang sa ngayon, di tulad ng mga Pilipino na pinagbawalan ng mga Kastila o hanggang ngayon ng goberno na humawak ng sandatang nakakamatay. Samanatala sa mga Bangsamoro dahil sa hindi nagpasakop nanatiling hawak pa rin ang kanyang sandatang panglaban hanggang sa mga sandaling ito.

Sa mga salita, o wika marami silang similarity ng pagbanggit sa parehong kahulugan, halimbawa: bahay sa Tagalog, balay sa Bisaya at walay sa Bangsamoro at marami pa kong ating ilalahad lahat.

Kaya nararapat lamang na magmahalan, mag-unawan at magresptuhan ang dalawang angkan na ito dahil malapit silang mag-anak, maliban pa sa iisa ang pinamulang ng lahat ng tao kay Adan at Eba.



0 Comments:

Post a Comment

<< Home