Ang radio at txt
Bakit?
Dahil pwede kang magkaroon ng radio sa murang halaga lamang, P 150 pesos may transistor radio ka na may FM o may DXUP, ayon pa kay Bapa o kay Momo. Ang Transistor radio pwede mong mapaandar sa ordinaryong dry cell battery, di tulad ng TV na kailangan ang korente at malakas kumunsumo ng korente, kaya malaki na rin ang babayaran mo sa MAGELCO kada buwan.
Sa radio pwede kang makinig habang ikaw ay may ginagawa, tulad ng naglalaba, nagluluto o habang nakahiga at nagpapahinga, o habang lumalakad o nakasakay sa iyong sasakyan. Na ang lahat ng ito ay imposibleng mangyari sa TV.
Sa radio station kasi mabilis ang information, dahil hindi kinakailangan maraming tao na magtrabaho, sa radio sapat na ang dalawa o tatlo, isang technician, anchor at reporter, upang ibahagi ang isang pangyayari sa labas, samantala sa tv napakaraming gadget at crew bago maiulat ang isang pangyayaari at di ito nakakasakop ng malapad tulad sa radio.
Ang mga radio station noon para makacommunicate sa base ang field reporter, kailangan transceiver radio, ngunit dahil sa makabagong technology, may celpon na at equipped ito ng SMS o text, at sa halagang piso, pwede kang magpadala ng mensahe at kong medyo galante ka at may load pwede ka pang tumawag sa radio ng live, tulad sa VHF radio.
Sa Upi ba ay napapakinabang ba ang mga ito?
Yes? dahil sa ating community radio ang DXUP FM ay agad nating naipapaabot sa mamayan ang kanilang mga panawagan at madali nating naipapaabot sa DXUP dahil din sa TEXT sa celpon, tulad halimbawa noong sabado, na may dalawang bata pamilya Francisco ng Bgy Blensong, na naglayas at naintercept ng ating mga kapatid sa KM 30, at nagtext si Datu Alex Karon sa atin at ating naman ipipanawagan, at ito ay narinig ng nanay at lola ang mga maliliit na bata, kaya siya pumunta kinabukasan sa DXUP. Bago nagtanghali ay nakabalik ang dalawang mga bata.
(Play the recorded pnawagan at interview with Mrs Francisco)
Speaking of TEXT, sa celpon, dati rati na mahal pa noon ang Celpon, maraming free na offer ang mga compania na nagserbisyo dito ang Globe at Smart, sa free ang text, ngunit Mula nang unang mauso ang 'texting', unti-unting binawasan ng Globe ang mga free text, kumpara noong mga 1998 kung saan libre pa ang text. Maraming tao ang nakinabang sa text dahil sa ito'y mura, mabilis at para sa iba, naging isang libangan na rin. Nang marami- marami na ang nagte-text, nagsimula na ang "over trafficking" ng mga text messages dahil sa sobrang dami. Upang masolusyunan ito, magbabayad na ang mga nag-te-text ng piso bawat mensahe. Nabawasan ang traffic ngunit dahil din sa matinding pangangailangan, natanggap na rin ng mga subscribers ang pagbabayad ng piso bawat text. Bilang pakunswelo, nagbigay pa din ng libreng text ang Globe, 150 text bawat buwan sa prepaid subscribers at nagsisimula sa 400 text bawat buwan sa mga may 'plan'.
Subalit kamakailan lamang, muling nag-anunsyo ang Globe Telecoms at Smart Communications na magbabawas na naman sila ng free text sa lahat ng uri ng cellular phone subscribers, mapa-prepaid man o linya. Sabi ng Globe ay ang ibabawas nila sa mga 'free text' bawat buwan ng mga subscribers ay ikatlong bahagi ng kasalakuyan at sa Enero ay magbabawas muli ng ikatlong bahagi. Ang 150 text bawat buwan ng mga prepaid ay magiging 100 na lang tapos ang may Advantage Plan ay mula 400 pababa sa 240. Babawasan naman ng Smart ang dati-rati nilang 100, 250 at 750 tungo sa 33, 83, 250 libreng mga mensahe. Dalawa rin sa maaaring gawin ng mga kompanya ay ang pagdaragdag ng presyo ng text messages mula sa piso sa dalawang piso kaya naman ay taasan ang mga tawag sa halagang P12 kada minuto.
Bakit?
Ano nga ba ang dahilan ng Globe at Smart kung kaya't ang lakas ng loob nila na magbawas ng free text ng mga subscribers nila ngayon na mas madami na silang taga-tangkilik?
Para sa Globe, kailangan daw nilang mabawi ang ginasta nilang bilyones sa pagpapaganda ng kanilang network kung kaya't mabilis na at walang palya ang pagtetext ngayon. Dahil na rin daw sa pagbaba ng piso, babawasan na lamang nila ang free text para maiwasan nila ang pagtaas ng halaga ng mga tawag. Meron namang nagsasabi na kaya't ganoon ay dahil sa ibang bansa, P4.00 ang bawat text kumpara dito sa Pinas na piso lamang kaya sa halip na taasan nila ang presyo ng text, binawasan na lang nila ang libre. Ayon kay Ramon Isberto ng Smart, sa bawat pisong nakukuha nila, limang piso ang inilalagay nila sa pagpapalaki ng kanilang network. Noong nakaraang taon nagbuhos sila ng P15 bilyon at binabalak nilang magbuhos ng P21 bilyon sa susunod na taon.
Makatotohanan ba ang ginagawang ito ng Globe at Smart? Kahit ano pa mang dahilan ang ipliwanag ng Globe sa kanilang subscribers, di pa rin makubinsi ang mga mamayan. Mahirap itong paniwalaan dahil sa kitang-kita na lumolobo ang kita ng Globe at Smart ng labis-labis. Dahil sa sobrang dami na ng tao ngayon na ang iba ay addict na sa text at todo call, na naging kabahagi na ng buhay ang pagtetext, milyon-milyon na ang nakukuha ng Globe at Smart sa pagtetext pa lamang.
Kabahagi ng Philippine Long Distance telephone Co., o PLDT, ang pinakamalaking kompanya ng telekomyunikasyon sa bansa, ito ang ang Smart at mula naman sa pinagsamang lakas ng Ayala Corporation at Singapore Telecoms ang Globe. Kumpara sa ibang kumpanya na nagakakautang-utang, nangunguna pa rin ang Globe at Smart sa kanilang larangan. Lalo pa ring dumarami ang tumatangkilik dito.
Ayon sa source Lumaki ang unang kalahating bahagi ng netong kita ng PLDT mula sa P122.5 milyon tungo sa P1.37 bilyon. Ang kita ng Smart sa naturang panahon ay P10.5 bilyon mula sa kabuuang rebenyu ng PLDT na P36.72 bilyon. Kumamal naman ang Globe ng P2.55 bilyon mula sa P620.76 milyon at halos madoble naman ang rebenyu nito sa P15.45 bilyon mula sa P8.37 bilyon.
Humahawak ang Smart ng halos 30 hanggang 40 milyong mensahe bawat araw. Ayon kay Rogelio Quevedo, punong legal ng Smart, 45% nito ay libreng text. Para naman sa Globe, ayon sa isang opisyal nito, humahawak ito ng 36 milyong mensahe bawat araw at mga 30-40% nito ay libreng mensahe.
Ayon naman kay Pantaleon Alvarez, ang kalihim ng Department of Transportation and Communications o DOTC, isasaalang-alang daw nila ang pagbabawas na ito sa paghingi ng mga kompanya ng bagong frequency. Dahil mayroon daw mga nakabinbin na mga aplikasyon para sa mga bagong frequency, nangangahulugan ito na sila ay lumalalaki. Kapag sila ay lumalaki, nangangahulugan na mayroon silang perang maaaring gastusin.
Sinasabi ng mga analista na maaaring lumaki ang kita ng mga kumpanya, pinakamaliit na, nang halos P 500 milyon o $ 10 milyon sa karagdagang kita kada taon kapag binawasan nila ang libreng text messages.
Dahil sa namumuong galit, isinulong ang pambansang no-text day noong ika-1 ng Setyembre. Humiling naman ang Philippine League for Democratic Telecommunications, Inc. ng temporary restraining order (TRO) at injunction ng pagbabawas ng libtreng text messages. Kabilang sa mga naghain ng reklamo laban sa Globe Telecom, Smart Communications, Inc., Isla Communications Inc., Pilipino Telephone Corporation at National Telecommunications Commission (NTC) ay sina Gerardo Kaimo, Vicente Gambito, Adrian Sison at Mylene de la Cruz. Ayon sa reklamo, pakikipagsabwatan daw at monopoliya (dahil sila lang naman ang nagbibigay ng gabitong serbisyo) kung susuriin ang pagbabawas na ito. Hindi lamang para sa mga kompanya kundi gayon na rin para narin sa NTC, sa pangunguna ni Eliseo Rio at katulong na komisyoner na sina Armi Jane Borje at Katheleen Hezeta na hindi gumaganap ng kanilang tungkulin at trabaho na pangalagaan ang mga interes ng mga tagapagtangkilik.
Pinaboran ng Quezon City Regional Trial Court ang temporary restraining order sa sala ni Judge Modesto Juanson noong ika-31 ng Agosto. Sa isang pahinang kautusan, pinipigilan ang dalawang kompanya na anumang pagbabawas sa loob ng 20 araw.
Kamakailan lamang ay napawalang bisa na ang TRO na ito. Nagturuan ang NTC at ang korte sa kung sino ang dapat magdesisyon dito, ipinatupad na ang pagbabawas at naiwan ang mga kawawang mamamayan.
Madami ang nagproprotesta laban sa muling pagbabawas (at pagtatanggal sa kahuli-hulihan) na ito, at madami na rin ang nag-iisip kung legal o may karapatan nga ba ang Globe at Smart sa ganitong pagbabawas. Sapat na nga bang dahilan ang pagbaba ng piso laban sa dolyar o ang pagapapalaki ng kanilang mga network upang mapilitan silang magtaas?
Sinanay nila ang mga Pilipino sa libre at unti-unti nila itong binabawasan hanggang sa kahuli-hulihan ay pababayaran na nila ito ng lubusan. Hindi rin dapat isisi ng mga kompanya ang iresponsableng pagtetext ng mga Pilipino, dahil kaya nga ginagamit ang text ay upang makipag-ugnayan. At wala silang paki-alam anumang porma ang kanilang pamamaraan, wala mang-saysay ang mga mensaheng ipinapadala nito.
Talagang makaka-apekto ang pagbabawas na ito ng text sa bawat subscriber. Kung patuloy pa rin ang pagte-text, lalaki ang gastusin ng mga ito. Baka nga mas mabuting ilagay na lang sa hapag kainan ang mga binabayad ng mga nag-te-text sa bawat joke o "good morning messages" na pinapadala nila sa kanilang mga kaibigan.
PANAWAGAN SA TEXT, MAGTIPID HUWAG TXT NG TXT SA WALA NAMAN KATUTURANG BAGAY GAMITIN SA TAMA ANG INYONG CEPON.
(sources:matanglawin.org/)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home