DXUP FM-Upi for Peace-105.5 MHz

Articles, News, Comments, Opinion, Commentary and Researched of Upi Community Peace Journalist (Grassroots Journalist) in cooperation with DXUP FM Upi for Peace 105.5 MHz, base in Barangay Nuro, Upi, Shariff Kabunsuan, Autonomous Region in Muslim Mindanao [ARMM], Philippines = E Mail-dxupfm@yahoo.com---Mobile Phone # 09185476707 & 09068728296 - Administrator: Alih "Kaka Ali" Anso = Encoder: Abdulkarem Anso& Donald Ventura== Editor: Lenyrose Bajar

Monday, February 13, 2017

Sulat ni Pedro

December 1, 2006

Ang Kapayapaan sa inyo diyan sa DXUP FM, lalong lalo na sa inyo Kaka Ali,

Napakinggan ko po ang sulat ni kapatid na Zamin at labis kong hinangaan ang kanyang mga pananaw, sana lahat ng Bangsamoro ganyan ang kaalaman, inaalam niya ang kahapon, at kanyang minaman-manan (observed) ano ang nangyayari sa ngayon.

Kapag nalaman mo ang kahapon at ito pagyayamanin mo ay magiging handa ka  para sa kinabukasan, dahil malalaman mo kong saan ka nag-kamali at saan ka nag-tagumpay. Tulad halimbawa kong papaano nagmamahalan ang ating ,mga ninuno? (Tabunaway at Mamalu ang mga Luzon at Visayas). Papaano nakapanirahan dito kaming mga taga Luzon at Visayas, na hindi na kami bumalik ang aming magulang sa pinanggalingan na bayan kundi dito na rin kami sunod-na-salin lahi tuluyang nanirahan hanggang sa mga sandaling ito.

Bakit?

Hindi ba ang alam ng karamihan ay mga  kidnapper, landgrabber, hurmentado o mamatay tao ang mga Muslim o Bangsamoro?

Bakit hindi kami umuwi sa Luzon, bakit hindi umalis dito ang mga magulang namin? Hindi ba dapat pag-sapit pa lamang sa isang lugar pag masasama ang tao doon, dapat lamang na umalis ka agad, para di madisgrasya? Ngunit kabaligtaran sa balita sa mga libro, newspaper o nababasa natin sa tunay na nangyayari sa tunay na buhay. Hindi kaya ang totoo ay ang ating mga kapatid na Muslim o Bangsamoro ay likas na mapayapa, o friendly na mga tao?

Ako ay hindi naniniwala Kaka Ali, na kaya umuwi ang taga Luzon sa Mindanao ay upang samantalahin ang kanilang kainograntihan, na pwede mong makuha ang kanilang lupain sa konting kislap ng ginto, gusto nilang samantalahin na habang hindoi pa sila marunong magtitulo ng lupa ay mag-uwi na tayo doon upang tayo ay magkatitulo ng lupa, maaring iyon ay “circumstances” lamang na nag-apply sila ng lupain na kanilang sinasaka dahil iyon ang sinasabi ng batas ng Republika ng Pilipinas, applayan mo ng titulo ang lupang iyong sinasaka kong iyan ay “public land”.

Siguro naman kaka ali, hindi kasalan ng aking mga magulang na mag-karoon ng lupa dito sa Mindanao, sinunud naman po namin ang isinasaad ng batas hinggil sa lupa na pwedeng mag-apply ang isang Kristiyano noon ng 24 na hektarya na lupain, at malapad naman ang lupa ng goberno o public land, kong sakaling hindi nag-apply ang mga kapatid na katutubo o Bangsamoro ay hindi kasalan ng aming magulang, dahil ang kuwento ni ama, lahat ng kanyang kaibigan na Muslim ay hinikayat niyang mag-apply ng lupa, ngunit ang katwiran daw nila ay bakit pa aaplayan I pag-aari naman ito ng Allah o ng Diyos, at ngayon pa lamang nitong mga huling dekada may nag-simulang mag-apply ng lupa ang mga kautubo. Ang problema halos wala ng natira sa kapaatagan, kong mayroon man ay mayroon ng umaangkin kahit wala pang titulo, lalo na ang may “power”, pwedeng niyang angkinin ang lahat, kahit mawalan pa ang kanyang kamag-anak o kababayan.

Ang napansin ko pa kaka ali, kong may titulo man ng lupa, marami sa inyo ang ipinagbibili ang lupa, ngayon mayroon pang Voluntary offer to sell o VOS, kapag hindi natin ito napigil baka bukas wala na kayong lupang titirhan, dahil ibininta na ninyo sa amin, na taga Luzon at Visayas, at iyon ang mangyayari na hindi maganda, papaano na ang inyong mga susunod na henerasyon, saan na sila titira? Dapat kaka ali, gumawa ng batas ang Pilipinas o ng ARMM na batas na mapoigil ang pagbibinta ng inyong mga lupain, at mungkahi ko rin turuan ang mga Bangsamoro ano ang kahalagaan ng titulo ng lupa at papaano mag-applay, at suportahan ng goberno ang mahihirap na makaya nila ang babayaran sa processing ng appliocation ng lupa.

May iba akong napansin sa inyo Kaka Ali na mga Bangsamoro, halos mangilan-ngilan lang ang nakakatapos mag-aral sa inyong mga Bangsamoro, lalo na noon, ok pa ngayon marami-rami na rin.

Sana Kaka Ali, may mararating ang usapin ng GRP at MILF, masolb na inyong problema, at hiningiko sa lahat, huwag na tayong mag-sisihan, sabay-sabay natin itong hanapin at trabahuin ang kasagutan sa usaping Bangsamoro, lalo pa nating palawakin ang ating pang-unawa at kaalaman, kong sino sila at saan sila nag-mula at patungo.

Salamat kaka Ali, gumagalang

kapatid na Pedro.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home