Kailan at Dapat Gamitin ang Term na Muslim?
Kapayapaan Kaka Ali sa inyo at sa ating Lahat,
Ang gusto ko naman ngayon na pag-uaapan natin ay kong saan at kailan dapat gamitin ang term na Muslim, bakit po? Ito ang napili kong topic, dahil kahit mga professional, mga guro, empleyado at public officials ay hindi pa rin nila alam kong saan at kailan dapat gamitin ang terminong Muslim.
Ngunit bago Kaka Ali, ano ang ibig sabihin ng Muslim?
Ang Muslim ay siya iyong nanampalataya o sumusunod sa Islam. A Believer o Nanampalataya ayon sa katuruan ng Islam.
Ang Islam, naman ay ang Deen o religion, na ang ibig sabihin ay Kapayapaan at ang religious meaning ay act of submission to the Will of Allah o Lumikha.
Ang Islam ay may sarili ng katuruan at batas, na mula pa sa Allah at ito ay nakasulat sa Quran at Hadith. Hindi na ito pwedeng dagdagan o baguhin ang kanyang batas ninuman, halimbawa sa batas na ipinagbabawal tulad ng alak at baboy, ito ay haram, at ito ay mananatiling haram hanggang sa hanggang.
Ang term na Muslim, ay hindi dapat gamitin, sa mga sayaw, tulad halimbawa ng mga labeling nila ay “Muslim dance”, ayon sa batas ng Islam ay hindi pinapayagan ang sayaw-sayaw, tulad din sa Kristiyanismo, walang Christian Dance, may narinig ka bang Christian Dance Kaka Ali?
Ang tanong ko, bakit kong sa Muslim may Muslim dance?, Bakit ang pandango sa ilaw, itik itik at iba pa ay hindi tinawag na Christian dance?, ang lahat ng ito ay kilalang sayaw ng mga kapatid na galing ng Luzon, bakit hindi tinawag na Christian Dance? Ang sagot ay dahil ang Christian ay isang pananampalataya, at sa Christianity ay wala ang mga dance-dance kundi iyan ay kaugaliang ng mga Pilipino na taga Luzon.
Marahil, ang gusto sigorong tukuyin ng mga guro, empleyado o ng mga kaptaid na gumagamiot sa ganyan na term ay tribo natin. Ngayon kong iyan ang tinutukoy, pwede pansamantala ay Bangsamoro o Moro Dance na term ang gamiti.
Ang totoo Kaka Ali kahit ako ay doubtful pa rin hanggang ngayon kong may sayaw bang ganyan ang mga Moro,.Dahil mga babae na ipinakikita ang alindog ng katawan, di ba ang mga ninuno natin masyadong inaalagaan ang "maratabat" o dangal ng mga babae, kaya sigurado ko di nila hahayaan na mabilad ang kahubaran ng kanilang mga babae.
kahit na ang Sagayan, o tinatawag nilang “warrior dance” ay kong minsan ay pinapalitan nila ito ng Muslim dance, ang tanong Kaka Ali, bakit?
Heto pa Kaka Ali, noon basta may hold-up, o kidna-for-ransom ay kaagad ikinakabit ang term na Muslim, dahil ayon sa witness narinig niya ang na nagsalita ang isa sa mga suspect, bakit makikilala ba ang isang Christiano sa pamamagitan ng kanyang lenguwahe? Makikilala ba ang isang Muslim dahil sa lengguwahe?
Ang kasagutan Kaka Ali, sa aking mga tanong: ay Hindi.
Kaya panahon na upang pag-aralan natin kailan dapat at saan dapat gamitin ang term na Muslim.
Nagpapasalamat,
Zamin.
(si Kaka Ali ay anchorperson ng programang "Kapayapaan" 5:30-6:30 a.m. Lunes- Biyernes-community radio na DXUP FM 105.5 MHz)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home