DXUP FM-Upi for Peace-105.5 MHz

Articles, News, Comments, Opinion, Commentary and Researched of Upi Community Peace Journalist (Grassroots Journalist) in cooperation with DXUP FM Upi for Peace 105.5 MHz, base in Barangay Nuro, Upi, Shariff Kabunsuan, Autonomous Region in Muslim Mindanao [ARMM], Philippines = E Mail-dxupfm@yahoo.com---Mobile Phone # 09185476707 & 09068728296 - Administrator: Alih "Kaka Ali" Anso = Encoder: Abdulkarem Anso& Donald Ventura== Editor: Lenyrose Bajar

Monday, February 13, 2017

MATATAG NA PAMILYA AT KAUNLARAN ni Alih S. Anso


MATATAG NA PAMILYA AT KAUNLARAN     
    
(February 13, 2017,  {16th  Jumadil Awwal 1438}-Lunes Script na sinulat ng segment writer at presentor na ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Alih S. Anso)

Assallamu alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh,     sa lahat ng mga  nakikinig.
Matanong muna kita Kapatid , bilang isang Nanay at Lola na rin (LAUGHING), please describe o what can you say about o  tungkol  pamilya o family?

Mahalaga ang pamilya sa isang pamayanan o community,  dahil ito   ang sentro ng ating lipunan.

Tama! Halimbawa niyan ay ang Barangay. Ang barangay  ay binubuo ng maraming pamilya, na hindi kukulangin sa dalawang libo, or else babalik sa mother Barangay, kung kulang ang populasyon ng Barangay na yan.
No minimum land area requirement. Rather, the barangay must be created out of a contiguous territory with a population of at least two thousand (2,000) inhabitants [Sec. 386(a), LGC]
The territory need not be contiguous if it comprises two (2) or more islands. [Sec. 386(b), LGC]
SECTION 386. Requisites for Creation. - (a) A Barangay maybe created out of a contiguous territory which has a population of at least two thousand (2,000) inhabitants as certified by the National Statistics Office except in cities and municipalities within Metro Manila and other metropolitan political subdivisions or in highly urbanized cities where such territory shall have a certified population of at least five thousand(5,000) inhabitants: Provided, That the creation thereof shall not reduce the population of the original Barangay or Barangays to less than the minimum requirement prescribed herein.

Kung walang tao o  mga pamilya sa  Barangay  wala ding  barangay, kong  walang mga Barangay walang bayan, walang lungsod, walang probinsiya, walang rehiyon at wala  ang bansa.

Nabubuo ang isang bayan o bansa mula sa pinagbuklod-buklod na pamilya. Yan ang ilan  sa mga kahalagahan ng isang pamilya.

Kong anong klaseng pamilya ang nakatira sa barangay iyon din ang magiging kalagayan ng lugar na yaon. Kapag sakitin ang mga mamayan nito, Kapag mahihina ang pamilya na nakatira dito, ay of course medyo mabagal ang kaunlaran dito.

May  tanong  ako papaano ang pagbubuo ng isang matatag na pamilya?
 Bago natin sagutin ang katanungan kong papaano ang pagbuo ng isang matatag na pamilya,  ay liwanagin muna natin ang  kahulugan ng tinatawag na pamilya.  
Ano ang kahulugan  ng pamilya?

“ Simple lang  Kaka, sagot kaagad ng batang mag-aaral ng Upi Agricultural School,   Ang sinasabing pamilya ay si tatay, si nanay, si ate, si kuya at si bunso, equals isang pamilya” (LAUGHING)

Oo nga no?   simple lang  pala, ang term  na  pamilya,  ang  pamilya ay binubuo ni tatay, ni nanay o mga nanay (LAUGHING) oo dahil marami  ang asawa. (LAUGHING)  , si ate si Kuya si Bunso.. plus plus pa..kong masipag si tatay (LAUGHING).

Saan ko yan  makikita Kaka Alih?

Saan? Matatagpuan sa buong mundo ang maraming matatag na pamilya.  Maaaring mayaman o mahirap sila.  Maaaring iba-iba rin ang pagkakabuo nila, halimbawa: isang ina, ama, at mga anak; o isang ina na may isa o higit pang anak; o  mga lolo’t lolang kasama ng kanilang mga anak at apo, o mag-asawang walang anak.

 May mga taong naniniwalang ang isang pamilya ay tulad sa isang   kahong puno ng mga bagay na kahit ano ang  ipinasok na gusto mo, ay pwede. Maaring  nakapaloob dito ang  pagmamahal, katuwaan, kaligayahan   at iba pang magagandang bagay. Ito ay isang kahon  na  mabubuksan kailan mo.

Subalit lalong mainam  kong  ihalintulad natin ang  pamilya sa  kahon na  walang laman. Ok  lang  po  ba? 

Nagiging maganda at makabuluhan ito batay sa kung ano ang ginagawa natin dito. Kong ano ang gusto mong laman, ay siya mong ilagay.  Ang ibig sabihin nasa iyo nakasalalay ang kinabukasan ng iyong pamilya. Ikaw ang naglalagay ng laman ng kahon. Ikaw ang nag-gigiya o naglilinang sa kinabukassan ng inyong pamilya.

Kailangang sidlan muna ito ng laman ng mga tao bago may makuhang anuman mula rito. Kung nais natin ng pagmamahal at katuwaan sa ating mga pamilya, kailangang magtanim muna tayo ng pagmamahal, paglilingkod at paghikayat sa isa’t isa.

Kailangan punuin natin ang kahon, at huwag nating ilabas ang laman nito.
May nagwika pa na:  “ang  matatatag na pamilya ang pundasyon ng lahat ng dakilang bansa.”

 Tama po ba kaibigan?

Ang payo nga ng isang guidance counselor na  kaibigan  natin : “Kung kailangan nating lumaking malulusog at maliligaya ang mga anak natin, mahalagang magkaroon tayo ng matatatag na pamilya. Gawing mong ehemplo o sample ang inyong sarili. Ipakita ang ugali na gustong mangyari”.

Matanong ko lang Kaibigan , Alam mo ba ano ang  kailangan sa pagbubuo ng matatag na pamilya?

kaibigan para maging matatag ang inyong pamilya, kailangang magkaroon ng sumusunod na katangian ang isang pamilya:

Dapat ang isang magulang ay may pananagutan sa kanyang pamilya.

Makatutulong tayong lalong mapatatag ang pamilya sa pagkakaroon ng pananagutan sa isa’t isa,  sa pagiging tapat, sa pagsasama-sama bilang isang grupo, at sa pag-aalaga sa isa’t isa. 

Maraming paraan para maipakita ang pananagutan at mapanatiling ligtas, malusog at maligaya ang pamilya.  Halimbawa ay:

·       Maging tapat sa inyong pamilya. Sa puntong sekswal, maging tapat sa kapareha.
·       Bawasan ang mga aktibidad sa labas at gumugol ng mas maraming oras sa piling ng iyong pamilya;
·       Tuparin ang mga pangako sa mga miyembro ng pamilya.
·       Maging maaasahan. 
·       Tumawag o magtext  sa bahay kung mahuhuli ka ng uwi lalo na kong hindi makabalik sa takdang araw ng pag-usi mula sa trabaho.
·       Kung naglakbay ka sa malayo, huwag din kalimutang tumawag at huwag mangingiming  magsabi ng  “mahal kita ikaw lang babae sa aking puso” (PLAY LAUGHING)
·       Kapag may problema,  dumulog  sa isang kamag-anak, kaibigan   , para matulungan kayong harapin ito.
·       Dapat ang isang magulang ay may  pagpapahalaga sa kanyang pamilya.

Papaano?  Ipakita  pagpapahalaga sa pamilya sa pamamagitan ng mga salita at gawa, sa ganito ay naipakikita natin sa ating pamilya na pinahahalagahan at itinatangi natin sila.

Sabihin sa isang miyembro ng pamilya na siya ay mahal mo.

Kilalalanin ang katangian ng membro ng pamilya. Purihin ng  positibo sa bawat miyembro ng pamilya araw-araw.

Dalasan ang pagyakap sa mga miyembro ng pamilya, Ikaw tatay lalo na kay Nanay (PLAY LAUGHING).

Tulungan ang isang miyembro ng pamilya sa kanyang gawain ( pagliligpit, paglalaba,)

Dapat ang isang magulang ay may umagapay sa kanyang    pamilya.

Alalahanin walang pamilya ay hindi nagkakaroon ng  problema.  Ngunit gamitin ang problemang ito   para maging lalong matatag ang samahan ng pamilya at maging dam para mapalapit sa isa’t isa.  Kaibigan, makinig ka,  kung medyo babaguhin natin ang ating pag-iisip, makikita nating ang krisis ay isang oportunidad para maging matatag.

Pwede mo itong subukin para isolb ang problema ng iyong pamilya:

Mag-isip ng anumang mabuti, gaano man kasama ang sitwasyon.

Kunsultahin ang iyong pamilya, magsagawa ng Maswara o meeting.  Sa pamamagitan ng pagsasama-sama ay  malalagpasan ng  pamilya ang kahit pinakamahirap na problema.

Harapin ang mga problema nang dahan-dahan.  Gumawa ng listahan ng mga bagay na dapat gawin at isa-isang asikasuhin ito.

Mag-ehersisyo para mawala ang tensiyon at matulungan kayong magrelaks.  Gawin ito nang magkakasama bilang isang pamilya.

Kapatid ikaw na   amang may pagpapahalaga sa kanyang pamilya, ikaw kaibigan,  tinutulungan o umaagapay ka rin ba s a  inyong pamilya, kong wala pa, hindi pa  huli  ang lahat..may pagkakataon  ka pa upang lalong papatagin  ang pundasyon ng inyong pamilya..  

(PLAY-EXTRO Gabay at Talakayang Pampamilya)


Labels: ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home