DXUP FM-Upi for Peace-105.5 MHz

Articles, News, Comments, Opinion, Commentary and Researched of Upi Community Peace Journalist (Grassroots Journalist) in cooperation with DXUP FM Upi for Peace 105.5 MHz, base in Barangay Nuro, Upi, Shariff Kabunsuan, Autonomous Region in Muslim Mindanao [ARMM], Philippines = E Mail-dxupfm@yahoo.com---Mobile Phone # 09185476707 & 09068728296 - Administrator: Alih "Kaka Ali" Anso = Encoder: Abdulkarem Anso& Donald Ventura== Editor: Lenyrose Bajar

Friday, March 17, 2017

Panghahalay (Rape)

Panghahalay (Rape)

(Pebrero 21, 2017- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Lucy Billones)

Host/Lucy:      Samahan kami sa ating segment na gabay at talakayang pampamilya dahil ito ang tatalakyin  n gating segment writer na si Kaka Alih.

(Gabay at Talakayang Pampamilya - INTRO)
DXUP FM Community Radio Station 

Host/Lucy:      “Good morning Kaka Alih.”   
 
Kaka Alih:  Good morning, Assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh.
Ang panghahalay o panggagahasa o rape sa English,  ay isa sa mga panganib na kinakaharap ninyong  
Ano ang panghahalay o rape?
  Ang panghahalay o rape ay yaong pinipilit ng lalaki o babae ang kanyang kapuwa tao, lalaki man o babae na makipag-sex sa kanya, na labag sa kalooban ng huli, sa madaling salita ay pinipilit mo ang  kapartner o ibang tao (hayop di  kasali sigoro)  na makipagsex sa iyo.. (LAUGHING)    
Ang mga manyakis or maniac o hayok sa laman ay kalat na daw sa mundo sa ngayon.(LAUGHING)    

Kaya kayong mga babae dapat alerto kayo, dapat alam mo ang kilos ng inyong amo, ng inyong kaibigan o kasama  na siya ay manyakis o nagpapahiwatig na may pagnanasa o gusto kayong i-rape o pagsamantalahan. Ilugso ang inyong puri.

Kong bakit may nagagahasa o nahahalay ay dahil sa ibat ibang contributing factor:
  1. Social Illness, sakit na  yan ng lipunan? Instinct na ng lalaki o mababae man na pag nakakita ng kahubaran ng kanilang opposite sex ay reaction ito sa kanilang kalamnan.
  2. Dahil sa Systema ng Goberno
  3. Dahil sa katayuan sa pamumuhay
  4. Dahil sa kaugaliang sinusunod
Heto may mga palatandaan  akong ibibigay sa inyo, para makilala na gusto kayong pagsamantalahan ng isang lalaki, especially yaong mga manyakis: (LAUGHING).
  possible na may pagnanasa ang amo mo, kaibigan mo, kasama mo,  kong palaging may panakaw na sulyap o matagalang titig, o matutulis na tingin,  lalo na kong sa malulusog mong…. kayamanan. (LAUGHING).
Another ay, palagi kang kinakausap  at nagkukuwento ng kahit na ano, lalo na ang mga paksang may kaugnayan sa sex.
Minsan nagtatanong pa kong kasintahan ka na, minsan ang tanong may karanasan ka na sa sex? , kinukumusta ka kong namimis mo ang asawa mo.
Ang iba naman ay madalas  ay nanagbigay ng regalo, para mahawakan ang inyong kamay o sinasadyang masagi ang maseselang bahagi ng inyong katawan. O dili kaya  para makuha ang kaloooban ninyo.

Host/Lucy:      Anong gagawin naming mga  babae para hindi  mangyari ang masamang hangarin  ito ng mga lalaki sa  aming  mga babae?

Kaka Alih:  Ang gagawin mo Day, huwag kang magbigay ng motibo o bigyan ng pagkakaton ang inyong amo.

Iwasan na makinig sa mga kuwento ng amo na malalaswa, lalo na kong lasing o sabog sa bawal na gamot.

Kong aalukin ka na uminom ng alak, tanggihan, sabihin na haram sa Muslim ang uminom. “Ang problema Kaka hindi ako Muslim” sige lang, panindigan mo eh di mag-Muslim ka na…(LAUGHING)    

Heto  pa ang ibang senyales Nor, ang mga manyakis daw, kong minsan ang ginagawa nagpapalabas ng malalaswang palabas lalo na kong kayong dalawa lamang sa bahay .

Ang iba namang amo, nagpapamasahe at walang saplot na panloob, kong minsan pa pinaakita ang ari.. ang bastos! Pag ganyan Day, ingat talagang manyakis na talaga yan..

Ang iba naman ay magtatanong o magbibigay ng mga bagay-bagay lalo na kong gabi na tulog na ang lahat, para lamang makatok ang inyong kuwarto.

Pag mayroon kang maobserb sa mga sinabi ko Nor, maghinala na kayong mga babae, para makapaghanda at maiwasan ang ayaw mo, pero kong gusto mo eh di.. tuloytulo mo na .. (LAUGHING).

Day, huwag naman kasi kayo magpakita ng magaslaw na galaw o yaong nagibigay motibo, tulad ng “malaswang” pananamit at pananalita, dahhil maaring magbigay ito ng motibo sa manyakis na gawin ang masamang binabalak sa inyo.

Mga kapatid,  mga anak, heto ang mga magandang gagawin ninyo;

Huwag makipag-usap ng matagalan sa inyong amo na lalaki kong hindi kinakailangan, lalo kong kayo lang sa bahay.

Manatiling mahinhin sa kilos at pananalita, huwag magsuot ng shorts, lalo kong kayo ay may makinis, maputi at balbunin na legs o hita.. naku Day kinikilig diya ang mga lalaki kahit walang lahing manyakis baka magkaroon (LAUGHING). Yes tama  man ang sinasabi ko, huwag maagsuot ng mahahalay na damit o maiiksing palda, kong pwede lang huwag gumamit ng pamapaganda sa mukha.

Sa regalo na ibinibigay,   tanggapin ang mga regalo  na binibigay ng among lalaki kong nasa harap ang kanyang “matabang”  asawa      (LAUGHING)     , hindi ang big kong sabihin kahit anong asawa niya, payat, mataba maganda o pangit man huwag mong tanggapin ang regalo kong kayong dalawa lamang.

Pagbutihin o lalong palawigin ang pakikisama sa among babae kaysa sa among lalaki, maliban kong may pagnanasa ka din sa amo mong lalaki, I baliktarin mo ang pakikisama.. (LAUGHING) .. Totoo itong sinsabi ko, Nor,ang magandang samahan ninyo ng among babae ay makakatulong sa panahon na kinakailangan ninyong magsumbong sa pagiging manyakis ng inyong among lalaki.   

Heto pa Day ang iwasan mo, pag bagong paligo,  syempre mabango ka, huwag magpakita sa inyong amo na manyakis, tiyak kikiligin yan.. (LAUGHING).

Sa oras nasa inyong kuwarto palaging ilock ang pinto  ng inyong kuwarto, siguraduhin na may lock ito sa loob na kayo lang ang pwedeng magbukas na nasa loob.

Mayron ikinuwento si Lola ang style sa para di magtagumpay ang mga ganoon amo, na manyakis, magsuot ng sapin-sapin na short at pantalon. Gumamit ng tali sa halip na sinturon, kong pwede pa maglagay ng padlock. (LAUGHING)  
  
Kong talagang di na maiiwasan ang panggagahasa, ng amo ninyong manyakis, dahil gagawin ang lahat ng paraan maisagawa ang balak. Heto ang gawin mo, pairalin ang kalmadong pag-iisip, bolahin o kaya’y lansihin. 

“Ang madaling gawin Kaka Ali, ay sumigaw”. Sabi ni Inday

Day pwede din ang magbato ng kahit ano upang makagawa ng ingay na maaaring ikatakot ng inyong amo at higit sa lahat Day, ipaglaban ang puri hanggang sa huling lakas mo, hindi yaoang madali din kayong madarang, sa konting halik ay bumigay na din kayo (LAUGHING), dahil hindi na yan rape, iyan ang tinatatwag na rape  with consent na… (LAUGHING)
    
Kong nangyari na ang ayaw nating mangyari,  dahil narape na nga kayo.. bumagsak na talaga ang Bataan at Mariveles    (LAUGHING) ibig sabihin, na ilugso na ang  inyong pagka dalaga, o nawasak na  ang inyong puri, heto ang payo natin:

  1. Huwag matakot na binantaan kayong  papatayin kong ikaw ay magsusumbong.
  2. Huwag ding maniwala sa pagmamahal na sinasabi ng rapest, na kaya ginawa ang ganoon ay dahil mahal kayo.
  3. Huwag ding tumanggap ng suhol na salapi o alahas kapalit ng puri, dahil lalo pang dadami ang manyakis dito sa mundo.
  4. Ang gawin  ninyo ay isumbong kaagad sa among babae ang panghahalay,   at kong sa ibang bansa ka, o OFW, isumbong kaagad bago lumipas ang 24 oras sa ating embassy o kong dito sa bansa naman sa magulang  o pulis.  Dito sa Upi pwede ninyong hanapin  si Mareng Margie Pahati siya ang Women Desk n g ating Kapulisan ng Upi.
  5. Ngayon huwag dagdagan ang kuwento sa pagrereport, maging makakatotohanan at matuwid sa pagsasalaysay.
  6. Higit sa lahat huwag mahiya na sabihin ang totoo sa mga kinauukulan, huwag matakot na malalaman ng bayan ang nangyari sa inyo, sa oras na hindi mo isumbong para na ring sinusuportahan mo ang pagdami ang mga biktima ng rape.
Panahon para Dapat ng kalusin ang mga manyakis dito sa mundo.. huwag matakot sa kanila, isumbong kaagad.

Heto ang   inyong  Kaka Alih, sukran wassallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh.


(Gabay at Talakayang Pampamilya - EXTRO) 

Labels: , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home