DXUP FM-Upi for Peace-105.5 MHz

Articles, News, Comments, Opinion, Commentary and Researched of Upi Community Peace Journalist (Grassroots Journalist) in cooperation with DXUP FM Upi for Peace 105.5 MHz, base in Barangay Nuro, Upi, Shariff Kabunsuan, Autonomous Region in Muslim Mindanao [ARMM], Philippines = E Mail-dxupfm@yahoo.com---Mobile Phone # 09185476707 & 09068728296 - Administrator: Alih "Kaka Ali" Anso = Encoder: Abdulkarem Anso& Donald Ventura== Editor: Lenyrose Bajar

Monday, February 13, 2017

MATATAG NA PAMILYA AT KAUNLARAN ni Alih S. Anso


MATATAG NA PAMILYA AT KAUNLARAN     
    
(February 13, 2017,  {16th  Jumadil Awwal 1438}-Lunes Script na sinulat ng segment writer at presentor na ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Alih S. Anso)

Assallamu alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh,     sa lahat ng mga  nakikinig.
Matanong muna kita Kapatid , bilang isang Nanay at Lola na rin (LAUGHING), please describe o what can you say about o  tungkol  pamilya o family?

Mahalaga ang pamilya sa isang pamayanan o community,  dahil ito   ang sentro ng ating lipunan.

Tama! Halimbawa niyan ay ang Barangay. Ang barangay  ay binubuo ng maraming pamilya, na hindi kukulangin sa dalawang libo, or else babalik sa mother Barangay, kung kulang ang populasyon ng Barangay na yan.
No minimum land area requirement. Rather, the barangay must be created out of a contiguous territory with a population of at least two thousand (2,000) inhabitants [Sec. 386(a), LGC]
The territory need not be contiguous if it comprises two (2) or more islands. [Sec. 386(b), LGC]
SECTION 386. Requisites for Creation. - (a) A Barangay maybe created out of a contiguous territory which has a population of at least two thousand (2,000) inhabitants as certified by the National Statistics Office except in cities and municipalities within Metro Manila and other metropolitan political subdivisions or in highly urbanized cities where such territory shall have a certified population of at least five thousand(5,000) inhabitants: Provided, That the creation thereof shall not reduce the population of the original Barangay or Barangays to less than the minimum requirement prescribed herein.

Kung walang tao o  mga pamilya sa  Barangay  wala ding  barangay, kong  walang mga Barangay walang bayan, walang lungsod, walang probinsiya, walang rehiyon at wala  ang bansa.

Nabubuo ang isang bayan o bansa mula sa pinagbuklod-buklod na pamilya. Yan ang ilan  sa mga kahalagahan ng isang pamilya.

Kong anong klaseng pamilya ang nakatira sa barangay iyon din ang magiging kalagayan ng lugar na yaon. Kapag sakitin ang mga mamayan nito, Kapag mahihina ang pamilya na nakatira dito, ay of course medyo mabagal ang kaunlaran dito.

May  tanong  ako papaano ang pagbubuo ng isang matatag na pamilya?
 Bago natin sagutin ang katanungan kong papaano ang pagbuo ng isang matatag na pamilya,  ay liwanagin muna natin ang  kahulugan ng tinatawag na pamilya.  
Ano ang kahulugan  ng pamilya?

“ Simple lang  Kaka, sagot kaagad ng batang mag-aaral ng Upi Agricultural School,   Ang sinasabing pamilya ay si tatay, si nanay, si ate, si kuya at si bunso, equals isang pamilya” (LAUGHING)

Oo nga no?   simple lang  pala, ang term  na  pamilya,  ang  pamilya ay binubuo ni tatay, ni nanay o mga nanay (LAUGHING) oo dahil marami  ang asawa. (LAUGHING)  , si ate si Kuya si Bunso.. plus plus pa..kong masipag si tatay (LAUGHING).

Saan ko yan  makikita Kaka Alih?

Saan? Matatagpuan sa buong mundo ang maraming matatag na pamilya.  Maaaring mayaman o mahirap sila.  Maaaring iba-iba rin ang pagkakabuo nila, halimbawa: isang ina, ama, at mga anak; o isang ina na may isa o higit pang anak; o  mga lolo’t lolang kasama ng kanilang mga anak at apo, o mag-asawang walang anak.

 May mga taong naniniwalang ang isang pamilya ay tulad sa isang   kahong puno ng mga bagay na kahit ano ang  ipinasok na gusto mo, ay pwede. Maaring  nakapaloob dito ang  pagmamahal, katuwaan, kaligayahan   at iba pang magagandang bagay. Ito ay isang kahon  na  mabubuksan kailan mo.

Subalit lalong mainam  kong  ihalintulad natin ang  pamilya sa  kahon na  walang laman. Ok  lang  po  ba? 

Nagiging maganda at makabuluhan ito batay sa kung ano ang ginagawa natin dito. Kong ano ang gusto mong laman, ay siya mong ilagay.  Ang ibig sabihin nasa iyo nakasalalay ang kinabukasan ng iyong pamilya. Ikaw ang naglalagay ng laman ng kahon. Ikaw ang nag-gigiya o naglilinang sa kinabukassan ng inyong pamilya.

Kailangang sidlan muna ito ng laman ng mga tao bago may makuhang anuman mula rito. Kung nais natin ng pagmamahal at katuwaan sa ating mga pamilya, kailangang magtanim muna tayo ng pagmamahal, paglilingkod at paghikayat sa isa’t isa.

Kailangan punuin natin ang kahon, at huwag nating ilabas ang laman nito.
May nagwika pa na:  “ang  matatatag na pamilya ang pundasyon ng lahat ng dakilang bansa.”

 Tama po ba kaibigan?

Ang payo nga ng isang guidance counselor na  kaibigan  natin : “Kung kailangan nating lumaking malulusog at maliligaya ang mga anak natin, mahalagang magkaroon tayo ng matatatag na pamilya. Gawing mong ehemplo o sample ang inyong sarili. Ipakita ang ugali na gustong mangyari”.

Matanong ko lang Kaibigan , Alam mo ba ano ang  kailangan sa pagbubuo ng matatag na pamilya?

kaibigan para maging matatag ang inyong pamilya, kailangang magkaroon ng sumusunod na katangian ang isang pamilya:

Dapat ang isang magulang ay may pananagutan sa kanyang pamilya.

Makatutulong tayong lalong mapatatag ang pamilya sa pagkakaroon ng pananagutan sa isa’t isa,  sa pagiging tapat, sa pagsasama-sama bilang isang grupo, at sa pag-aalaga sa isa’t isa. 

Maraming paraan para maipakita ang pananagutan at mapanatiling ligtas, malusog at maligaya ang pamilya.  Halimbawa ay:

·       Maging tapat sa inyong pamilya. Sa puntong sekswal, maging tapat sa kapareha.
·       Bawasan ang mga aktibidad sa labas at gumugol ng mas maraming oras sa piling ng iyong pamilya;
·       Tuparin ang mga pangako sa mga miyembro ng pamilya.
·       Maging maaasahan. 
·       Tumawag o magtext  sa bahay kung mahuhuli ka ng uwi lalo na kong hindi makabalik sa takdang araw ng pag-usi mula sa trabaho.
·       Kung naglakbay ka sa malayo, huwag din kalimutang tumawag at huwag mangingiming  magsabi ng  “mahal kita ikaw lang babae sa aking puso” (PLAY LAUGHING)
·       Kapag may problema,  dumulog  sa isang kamag-anak, kaibigan   , para matulungan kayong harapin ito.
·       Dapat ang isang magulang ay may  pagpapahalaga sa kanyang pamilya.

Papaano?  Ipakita  pagpapahalaga sa pamilya sa pamamagitan ng mga salita at gawa, sa ganito ay naipakikita natin sa ating pamilya na pinahahalagahan at itinatangi natin sila.

Sabihin sa isang miyembro ng pamilya na siya ay mahal mo.

Kilalalanin ang katangian ng membro ng pamilya. Purihin ng  positibo sa bawat miyembro ng pamilya araw-araw.

Dalasan ang pagyakap sa mga miyembro ng pamilya, Ikaw tatay lalo na kay Nanay (PLAY LAUGHING).

Tulungan ang isang miyembro ng pamilya sa kanyang gawain ( pagliligpit, paglalaba,)

Dapat ang isang magulang ay may umagapay sa kanyang    pamilya.

Alalahanin walang pamilya ay hindi nagkakaroon ng  problema.  Ngunit gamitin ang problemang ito   para maging lalong matatag ang samahan ng pamilya at maging dam para mapalapit sa isa’t isa.  Kaibigan, makinig ka,  kung medyo babaguhin natin ang ating pag-iisip, makikita nating ang krisis ay isang oportunidad para maging matatag.

Pwede mo itong subukin para isolb ang problema ng iyong pamilya:

Mag-isip ng anumang mabuti, gaano man kasama ang sitwasyon.

Kunsultahin ang iyong pamilya, magsagawa ng Maswara o meeting.  Sa pamamagitan ng pagsasama-sama ay  malalagpasan ng  pamilya ang kahit pinakamahirap na problema.

Harapin ang mga problema nang dahan-dahan.  Gumawa ng listahan ng mga bagay na dapat gawin at isa-isang asikasuhin ito.

Mag-ehersisyo para mawala ang tensiyon at matulungan kayong magrelaks.  Gawin ito nang magkakasama bilang isang pamilya.

Kapatid ikaw na   amang may pagpapahalaga sa kanyang pamilya, ikaw kaibigan,  tinutulungan o umaagapay ka rin ba s a  inyong pamilya, kong wala pa, hindi pa  huli  ang lahat..may pagkakataon  ka pa upang lalong papatagin  ang pundasyon ng inyong pamilya..  

(PLAY-EXTRO Gabay at Talakayang Pampamilya)


Labels: ,

DXUP FM Finalist for Titus Brandsma Award

DXUP FM 105.5 MHz , a community radio station from Nuro, Upi, Maguindanao,is one of the five finalist chosen by the jury from among the twenty (20) nominated entries for the prestigious Titus Brandsma Award-Philippines. This was disclosed by Father Christian Buenafe Oblates of Carmelites, on November 4, 2006 in a meeting with the officer and members of the Community Media Education Council and the DXUP FM station Manager Mr. Mario G. Debolgado with volunteer broadcasters and technicians.

The Titus Brandsma Award-Philippines is the country’s version tto the international Titus Brandsma Award given by the Union Catholique Internationale de la Presse (USIP), the World Power of Professional in secular and religious media. This Award was named in honor of Blessed Titus Brandsma, a journalist, educator and a Carmelite priest who defended press freedom and freedom to education, even on the face of death.

DXUP FM 105.5 MHz is nominated by Mrs. Myrna B. Lim, chairperson of the Notre Dame Foundation for Charitable Activities, Incorporated-Women in Enterprise Development from among the fifteen (15) community Peace Radio Stations, its helped established in conflict-ridden areas in Mindanao, for the main purpose of uniting people of different culture, tradition and faith thru community radio.


DXUP FM 105.5 MHz is owned and managed by the Community Media and Education Council (CMEC) which is composed of representatives from the different sectors of the community acting as a policy-making body and it is run and operated by volunteers broadcaster and technicians under station manger Mr. Mario G. Debolgado.

For this season Award will be given to two Model Communities and Special Award for Community Media ( newspaper, radio and TV Station/program) who took the initiatives to connect with the communities their services by way of partnership and linkages. DXUP FM 105.5 MHz hopes to get this second kind of award.

The group of Father Christian Buenafe O. Carm. A member of the jury, Brother Arnold Alindaya, deputy director of the Titus Brandsma Center and Miss Bituin Quintos, coordinator was accompanied by Mr Eric Matias, the implementing program director of NDFCAI-WED, in visiting DXUP FM 105.5 Mhz on November 4, 2006 for their ocular and on-site validation and documentation en route to a final judgment for this season’s award.

The five finalist were Barangay Balara in Quezon City; Zoto in Tondo Manila, Panimalay in Kauswagan in Iloilo City; Maramag in Bukidnon and DXUP FM in Upi, Maguindanao.


Alih “Kaka Ali” Anso-
Program & Production Director DXUP FM 105.5. MHz,
CMEC – Business Manager
Anchor of radio program: “Kapayapaan” & “Suara Talainged” (Voice of the Native Inhabitants)




Kailan at Dapat Gamitin ang Term na Muslim?

December 19, 2006

Kapayapaan Kaka Ali sa inyo at sa ating Lahat,

Ang gusto ko naman ngayon na pag-uaapan natin ay kong  saan at kailan dapat gamitin ang term na Muslim, bakit po? Ito ang napili kong topic, dahil kahit mga professional, mga guro, empleyado at public officials ay hindi pa rin nila alam kong saan at kailan dapat gamitin ang terminong Muslim.

Ngunit bago Kaka Ali, ano ang ibig sabihin ng Muslim?

Ang Muslim ay siya iyong nanampalataya o sumusunod sa Islam. A Believer o Nanampalataya ayon sa katuruan ng Islam.

Ang Islam, naman ay ang Deen o religion, na ang ibig sabihin ay Kapayapaan at ang religious meaning ay act of submission to the Will of Allah o Lumikha.

Ang Islam ay may sarili ng katuruan at batas, na mula pa sa Allah at ito ay nakasulat sa Quran at Hadith. Hindi na ito pwedeng dagdagan o baguhin ang kanyang batas ninuman, halimbawa sa batas na ipinagbabawal tulad ng  alak at baboy, ito ay haram, at ito ay mananatiling haram hanggang sa hanggang.

Ang term na Muslim, ay hindi dapat gamitin, sa mga sayaw, tulad halimbawa ng mga labeling nila ay “Muslim dance”, ayon sa batas ng Islam ay hindi pinapayagan ang sayaw-sayaw, tulad din sa Kristiyanismo, walang Christian Dance, may narinig ka bang Christian Dance Kaka Ali?

Ang tanong ko, bakit kong sa Muslim may Muslim dance?, Bakit ang pandango sa ilaw, itik itik at iba pa ay hindi tinawag na Christian dance?, ang lahat ng ito ay kilalang sayaw ng mga kapatid na galing ng Luzon, bakit hindi tinawag na Christian Dance? Ang sagot ay dahil ang Christian ay isang pananampalataya, at sa Christianity ay wala ang mga dance-dance  kundi iyan ay kaugaliang ng mga Pilipino na taga Luzon.

Marahil, ang gusto sigorong tukuyin ng mga guro, empleyado o ng mga kaptaid na gumagamiot sa ganyan na term ay tribo natin. Ngayon kong iyan ang tinutukoy, pwede pansamantala ay Bangsamoro o Moro Dance na term ang gamiti.

Ang totoo Kaka Ali kahit ako ay doubtful pa rin hanggang ngayon kong may sayaw bang ganyan ang mga Moro,.Dahil  mga babae na ipinakikita ang alindog ng katawan, di ba ang mga ninuno natin masyadong inaalagaan ang "maratabat" o dangal ng mga babae, kaya sigurado ko di nila hahayaan na mabilad ang kahubaran ng kanilang mga babae.

kahit na ang Sagayan, o tinatawag nilang “warrior dance” ay kong minsan ay pinapalitan nila ito ng Muslim dance, ang tanong Kaka Ali, bakit?

Heto pa Kaka Ali, noon basta may hold-up, o  kidna-for-ransom ay kaagad ikinakabit ang  term na Muslim, dahil ayon sa witness narinig niya ang na  nagsalita ang isa sa mga suspect, bakit makikilala ba ang isang Christiano sa pamamagitan ng kanyang lenguwahe? Makikilala ba ang isang Muslim dahil sa lengguwahe?

Ang kasagutan Kaka Ali, sa aking mga tanong: ay Hindi.

Kaya panahon na upang pag-aralan natin kailan dapat at saan dapat gamitin ang term na Muslim.

Nagpapasalamat,

Zamin.

(si Kaka Ali ay anchorperson ng programang "Kapayapaan" 5:30-6:30 a.m. Lunes- Biyernes-community radio na DXUP FM 105.5 MHz)

Sulat ni Pedro

December 1, 2006

Ang Kapayapaan sa inyo diyan sa DXUP FM, lalong lalo na sa inyo Kaka Ali,

Napakinggan ko po ang sulat ni kapatid na Zamin at labis kong hinangaan ang kanyang mga pananaw, sana lahat ng Bangsamoro ganyan ang kaalaman, inaalam niya ang kahapon, at kanyang minaman-manan (observed) ano ang nangyayari sa ngayon.

Kapag nalaman mo ang kahapon at ito pagyayamanin mo ay magiging handa ka  para sa kinabukasan, dahil malalaman mo kong saan ka nag-kamali at saan ka nag-tagumpay. Tulad halimbawa kong papaano nagmamahalan ang ating ,mga ninuno? (Tabunaway at Mamalu ang mga Luzon at Visayas). Papaano nakapanirahan dito kaming mga taga Luzon at Visayas, na hindi na kami bumalik ang aming magulang sa pinanggalingan na bayan kundi dito na rin kami sunod-na-salin lahi tuluyang nanirahan hanggang sa mga sandaling ito.

Bakit?

Hindi ba ang alam ng karamihan ay mga  kidnapper, landgrabber, hurmentado o mamatay tao ang mga Muslim o Bangsamoro?

Bakit hindi kami umuwi sa Luzon, bakit hindi umalis dito ang mga magulang namin? Hindi ba dapat pag-sapit pa lamang sa isang lugar pag masasama ang tao doon, dapat lamang na umalis ka agad, para di madisgrasya? Ngunit kabaligtaran sa balita sa mga libro, newspaper o nababasa natin sa tunay na nangyayari sa tunay na buhay. Hindi kaya ang totoo ay ang ating mga kapatid na Muslim o Bangsamoro ay likas na mapayapa, o friendly na mga tao?

Ako ay hindi naniniwala Kaka Ali, na kaya umuwi ang taga Luzon sa Mindanao ay upang samantalahin ang kanilang kainograntihan, na pwede mong makuha ang kanilang lupain sa konting kislap ng ginto, gusto nilang samantalahin na habang hindoi pa sila marunong magtitulo ng lupa ay mag-uwi na tayo doon upang tayo ay magkatitulo ng lupa, maaring iyon ay “circumstances” lamang na nag-apply sila ng lupain na kanilang sinasaka dahil iyon ang sinasabi ng batas ng Republika ng Pilipinas, applayan mo ng titulo ang lupang iyong sinasaka kong iyan ay “public land”.

Siguro naman kaka ali, hindi kasalan ng aking mga magulang na mag-karoon ng lupa dito sa Mindanao, sinunud naman po namin ang isinasaad ng batas hinggil sa lupa na pwedeng mag-apply ang isang Kristiyano noon ng 24 na hektarya na lupain, at malapad naman ang lupa ng goberno o public land, kong sakaling hindi nag-apply ang mga kapatid na katutubo o Bangsamoro ay hindi kasalan ng aming magulang, dahil ang kuwento ni ama, lahat ng kanyang kaibigan na Muslim ay hinikayat niyang mag-apply ng lupa, ngunit ang katwiran daw nila ay bakit pa aaplayan I pag-aari naman ito ng Allah o ng Diyos, at ngayon pa lamang nitong mga huling dekada may nag-simulang mag-apply ng lupa ang mga kautubo. Ang problema halos wala ng natira sa kapaatagan, kong mayroon man ay mayroon ng umaangkin kahit wala pang titulo, lalo na ang may “power”, pwedeng niyang angkinin ang lahat, kahit mawalan pa ang kanyang kamag-anak o kababayan.

Ang napansin ko pa kaka ali, kong may titulo man ng lupa, marami sa inyo ang ipinagbibili ang lupa, ngayon mayroon pang Voluntary offer to sell o VOS, kapag hindi natin ito napigil baka bukas wala na kayong lupang titirhan, dahil ibininta na ninyo sa amin, na taga Luzon at Visayas, at iyon ang mangyayari na hindi maganda, papaano na ang inyong mga susunod na henerasyon, saan na sila titira? Dapat kaka ali, gumawa ng batas ang Pilipinas o ng ARMM na batas na mapoigil ang pagbibinta ng inyong mga lupain, at mungkahi ko rin turuan ang mga Bangsamoro ano ang kahalagaan ng titulo ng lupa at papaano mag-applay, at suportahan ng goberno ang mahihirap na makaya nila ang babayaran sa processing ng appliocation ng lupa.

May iba akong napansin sa inyo Kaka Ali na mga Bangsamoro, halos mangilan-ngilan lang ang nakakatapos mag-aral sa inyong mga Bangsamoro, lalo na noon, ok pa ngayon marami-rami na rin.

Sana Kaka Ali, may mararating ang usapin ng GRP at MILF, masolb na inyong problema, at hiningiko sa lahat, huwag na tayong mag-sisihan, sabay-sabay natin itong hanapin at trabahuin ang kasagutan sa usaping Bangsamoro, lalo pa nating palawakin ang ating pang-unawa at kaalaman, kong sino sila at saan sila nag-mula at patungo.

Salamat kaka Ali, gumagalang

kapatid na Pedro.

Ang radio at txt


Ang radio ang pinakamabilis na pangkumunikasyon ng mga Pinoy at hindi lang sa ating bansda kundi buong mundo, noon pa man, kahit na ngayon na may telebesyon na ay radio pa rin ang pinaka epektibong medium na kumunikasyon, lalo na sa mga liblib o rural areas na hindi naabot ng korente.

Bakit?

Dahil pwede kang magkaroon ng radio sa murang halaga lamang, P 150 pesos may transistor radio ka na may FM o may DXUP, ayon pa kay Bapa o kay Momo. Ang Transistor radio pwede mong mapaandar sa ordinaryong dry cell battery, di tulad ng TV na kailangan ang korente at malakas kumunsumo ng korente, kaya malaki na rin ang babayaran mo sa MAGELCO kada buwan.

Sa radio pwede kang makinig habang ikaw ay may ginagawa, tulad ng naglalaba, nagluluto o habang nakahiga at nagpapahinga, o habang lumalakad o nakasakay sa iyong sasakyan. Na ang lahat ng ito ay imposibleng mangyari sa TV.

Sa radio station kasi mabilis ang information, dahil hindi kinakailangan maraming tao na magtrabaho, sa radio sapat na ang dalawa o tatlo, isang technician, anchor at reporter, upang ibahagi ang isang pangyayari sa labas, samantala sa tv napakaraming gadget at crew bago maiulat ang isang pangyayaari at di ito nakakasakop ng malapad tulad sa radio.

Ang mga radio station noon para makacommunicate sa base ang field reporter, kailangan transceiver radio, ngunit dahil sa makabagong technology, may celpon na at equipped ito ng SMS o text, at sa halagang piso, pwede kang magpadala ng mensahe at kong medyo galante ka at may load pwede ka pang tumawag sa radio ng live, tulad sa VHF radio.

Sa Upi ba ay napapakinabang ba ang mga ito?

Yes? dahil sa ating community radio ang DXUP FM ay agad nating naipapaabot sa mamayan ang kanilang mga panawagan at madali nating naipapaabot sa DXUP dahil din sa TEXT sa celpon, tulad halimbawa noong sabado, na may dalawang bata pamilya Francisco ng Bgy Blensong, na naglayas at naintercept ng ating mga kapatid sa KM 30, at nagtext si Datu Alex Karon sa atin at ating naman ipipanawagan, at ito ay narinig ng nanay at lola ang mga maliliit na bata, kaya siya pumunta kinabukasan sa DXUP. Bago nagtanghali ay nakabalik ang dalawang mga bata.
(Play the recorded pnawagan at interview with Mrs Francisco)


Speaking of TEXT, sa celpon, dati rati na mahal pa noon ang Celpon, maraming free na offer ang mga compania na nagserbisyo dito ang Globe at Smart, sa free ang text, ngunit Mula nang unang mauso ang 'texting', unti-unting binawasan ng Globe ang mga free text, kumpara noong mga 1998 kung saan libre pa ang text. Maraming tao ang nakinabang sa text dahil sa ito'y mura, mabilis at para sa iba, naging isang libangan na rin. Nang marami- marami na ang nagte-text, nagsimula na ang "over trafficking" ng mga text messages dahil sa sobrang dami. Upang masolusyunan ito, magbabayad na ang mga nag-te-text ng piso bawat mensahe. Nabawasan ang traffic ngunit dahil din sa matinding pangangailangan, natanggap na rin ng mga subscribers ang pagbabayad ng piso bawat text. Bilang pakunswelo, nagbigay pa din ng libreng text ang Globe, 150 text bawat buwan sa prepaid subscribers at nagsisimula sa 400 text bawat buwan sa mga may 'plan'.

Subalit kamakailan lamang, muling nag-anunsyo ang Globe Telecoms at Smart Communications na magbabawas na naman sila ng free text sa lahat ng uri ng cellular phone subscribers, mapa-prepaid man o linya. Sabi ng Globe ay ang ibabawas nila sa mga 'free text' bawat buwan ng mga subscribers ay ikatlong bahagi ng kasalakuyan at sa Enero ay magbabawas muli ng ikatlong bahagi. Ang 150 text bawat buwan ng mga prepaid ay magiging 100 na lang tapos ang may Advantage Plan ay mula 400 pababa sa 240. Babawasan naman ng Smart ang dati-rati nilang 100, 250 at 750 tungo sa 33, 83, 250 libreng mga mensahe. Dalawa rin sa maaaring gawin ng mga kompanya ay ang pagdaragdag ng presyo ng text messages mula sa piso sa dalawang piso kaya naman ay taasan ang mga tawag sa halagang P12 kada minuto.

Bakit?

Ano nga ba ang dahilan ng Globe at Smart kung kaya't ang lakas ng loob nila na magbawas ng free text ng mga subscribers nila ngayon na mas madami na silang taga-tangkilik?

Para sa Globe, kailangan daw nilang mabawi ang ginasta nilang bilyones sa pagpapaganda ng kanilang network kung kaya't mabilis na at walang palya ang pagtetext ngayon. Dahil na rin daw sa pagbaba ng piso, babawasan na lamang nila ang free text para maiwasan nila ang pagtaas ng halaga ng mga tawag. Meron namang nagsasabi na kaya't ganoon ay dahil sa ibang bansa, P4.00 ang bawat text kumpara dito sa Pinas na piso lamang kaya sa halip na taasan nila ang presyo ng text, binawasan na lang nila ang libre. Ayon kay Ramon Isberto ng Smart, sa bawat pisong nakukuha nila, limang piso ang inilalagay nila sa pagpapalaki ng kanilang network. Noong nakaraang taon nagbuhos sila ng P15 bilyon at binabalak nilang magbuhos ng P21 bilyon sa susunod na taon.

Makatotohanan ba ang ginagawang ito ng Globe at Smart? Kahit ano pa mang dahilan ang ipliwanag ng Globe sa kanilang subscribers, di pa rin makubinsi ang mga mamayan. Mahirap itong paniwalaan dahil sa kitang-kita na lumolobo ang kita ng Globe at Smart ng labis-labis. Dahil sa sobrang dami na ng tao ngayon na ang iba ay addict na sa text at todo call, na naging kabahagi na ng buhay ang pagtetext, milyon-milyon na ang nakukuha ng Globe at Smart sa pagtetext pa lamang.

Kabahagi ng Philippine Long Distance telephone Co., o PLDT, ang pinakamalaking kompanya ng telekomyunikasyon sa bansa, ito ang ang Smart at mula naman sa pinagsamang lakas ng Ayala Corporation at Singapore Telecoms ang Globe. Kumpara sa ibang kumpanya na nagakakautang-utang, nangunguna pa rin ang Globe at Smart sa kanilang larangan. Lalo pa ring dumarami ang tumatangkilik dito.

Ayon sa source Lumaki ang unang kalahating bahagi ng netong kita ng PLDT mula sa P122.5 milyon tungo sa P1.37 bilyon. Ang kita ng Smart sa naturang panahon ay P10.5 bilyon mula sa kabuuang rebenyu ng PLDT na P36.72 bilyon. Kumamal naman ang Globe ng P2.55 bilyon mula sa P620.76 milyon at halos madoble naman ang rebenyu nito sa P15.45 bilyon mula sa P8.37 bilyon.


Humahawak ang Smart ng halos 30 hanggang 40 milyong mensahe bawat araw. Ayon kay Rogelio Quevedo, punong legal ng Smart, 45% nito ay libreng text. Para naman sa Globe, ayon sa isang opisyal nito, humahawak ito ng 36 milyong mensahe bawat araw at mga 30-40% nito ay libreng mensahe.

Ayon naman kay Pantaleon Alvarez, ang kalihim ng Department of Transportation and Communications o DOTC, isasaalang-alang daw nila ang pagbabawas na ito sa paghingi ng mga kompanya ng bagong frequency. Dahil mayroon daw mga nakabinbin na mga aplikasyon para sa mga bagong frequency, nangangahulugan ito na sila ay lumalalaki. Kapag sila ay lumalaki, nangangahulugan na mayroon silang perang maaaring gastusin.

Sinasabi ng mga analista na maaaring lumaki ang kita ng mga kumpanya, pinakamaliit na, nang halos P 500 milyon o $ 10 milyon sa karagdagang kita kada taon kapag binawasan nila ang libreng text messages.

Dahil sa namumuong galit, isinulong ang pambansang no-text day noong ika-1 ng Setyembre. Humiling naman ang Philippine League for Democratic Telecommunications, Inc. ng temporary restraining order (TRO) at injunction ng pagbabawas ng libtreng text messages. Kabilang sa mga naghain ng reklamo laban sa Globe Telecom, Smart Communications, Inc., Isla Communications Inc., Pilipino Telephone Corporation at National Telecommunications Commission (NTC) ay sina Gerardo Kaimo, Vicente Gambito, Adrian Sison at Mylene de la Cruz. Ayon sa reklamo, pakikipagsabwatan daw at monopoliya (dahil sila lang naman ang nagbibigay ng gabitong serbisyo) kung susuriin ang pagbabawas na ito. Hindi lamang para sa mga kompanya kundi gayon na rin para narin sa NTC, sa pangunguna ni Eliseo Rio at katulong na komisyoner na sina Armi Jane Borje at Katheleen Hezeta na hindi gumaganap ng kanilang tungkulin at trabaho na pangalagaan ang mga interes ng mga tagapagtangkilik.

Pinaboran ng Quezon City Regional Trial Court ang temporary restraining order sa sala ni Judge Modesto Juanson noong ika-31 ng Agosto. Sa isang pahinang kautusan, pinipigilan ang dalawang kompanya na anumang pagbabawas sa loob ng 20 araw.

Kamakailan lamang ay napawalang bisa na ang TRO na ito. Nagturuan ang NTC at ang korte sa kung sino ang dapat magdesisyon dito, ipinatupad na ang pagbabawas at naiwan ang mga kawawang mamamayan.

Madami ang nagproprotesta laban sa muling pagbabawas (at pagtatanggal sa kahuli-hulihan) na ito, at madami na rin ang nag-iisip kung legal o may karapatan nga ba ang Globe at Smart sa ganitong pagbabawas. Sapat na nga bang dahilan ang pagbaba ng piso laban sa dolyar o ang pagapapalaki ng kanilang mga network upang mapilitan silang magtaas?

Sinanay nila ang mga Pilipino sa libre at unti-unti nila itong binabawasan hanggang sa kahuli-hulihan ay pababayaran na nila ito ng lubusan. Hindi rin dapat isisi ng mga kompanya ang iresponsableng pagtetext ng mga Pilipino, dahil kaya nga ginagamit ang text ay upang makipag-ugnayan. At wala silang paki-alam anumang porma ang kanilang pamamaraan, wala mang-saysay ang mga mensaheng ipinapadala nito.

Talagang makaka-apekto ang pagbabawas na ito ng text sa bawat subscriber. Kung patuloy pa rin ang pagte-text, lalaki ang gastusin ng mga ito. Baka nga mas mabuting ilagay na lang sa hapag kainan ang mga binabayad ng mga nag-te-text sa bawat joke o "good morning messages" na pinapadala nila sa kanilang mga kaibigan.

PANAWAGAN SA TEXT, MAGTIPID HUWAG TXT NG TXT SA WALA NAMAN KATUTURANG BAGAY GAMITIN SA TAMA ANG INYONG CEPON.

(sources:matanglawin.org/)



Bakit Haram ang baboy sa mga Bangsamoro Muslim? - Sulat ni Zamin

December 12, 2006

Kapayapaan para po sa inyo Kaka Ali,

Nais ko sanang talakayin ninyo sa inyong mga programa sa DXUP FM kong bakit ang mga Muslim (Nanampalataya o Believer) ay hindi kumakain ng baboy o laman noon, dahil marami sa ating mga kapatid ang hindi nakakabatid kong bakit hindi kinakain. Kasali na dito ang mga Bangsamoro na Muslim, at nais ko rin ipaalaala muli Kaka Ali na ang mga Kaugalian at kultura ng mga Bangsamoro ay nakabatay sa Quran at Hadith o katuruan ng Propeta Muhammad, ang Kapayapaan ay Sumakanya Nawa, kaya kong ano nang di ipinaihintulot sa Islam ay hindi rin nila ito ipinahihintulot.

Aking ibabahagi sa inyo ang sinabi ng Allah sa Banal na Aklat ang Qur’an, na ganito ang pagkasalin sa wikang Pilipino:

“Ipinagbabawal lamang niya sa inyo ang patay na hayop, ang dugo, ang baboy at ang anumang mga ini-alay maliban sa Allah. Nguni’t kung ikaw ay napilitan dahil sa higpit ng pangangailangan, at hindi sadyang paglabag at pagmamalabis magkagayon siya ay walang kasalanan. Ang Allah ay ang Mapagpatawad, ang Mahabagin.” [Qur’an, 2:173]

Iyan ay ilan lamang sa mga bersikulo mula sa Qur’an, na dapat paniwalaan at isagawa ng isang Nanampalataya.

Ang mga kapatid na Bangsamoro ay mahigpit dito sa pagkain, na mga Haram o ipinagbabawal, dahil ano mang pagkain na nahaluan kahit kunti lamang ay hindi sila kakain, kahit pa ang nilagyan nito tulad ng mga plato ay hindi na sila kakain ng ano mang pag-kain na inilagay dito, maliban lamang kong nahugagasan ito ayon sa Islam. Ang tamang pag-huhugas sa mga bagay na nalagyan ng Haram ay ganito:

• pitong beses hugasan ng tubig at ang last ay lupa, at basahin mo dito ang Salawat o pangalan ng Allah, ito ay isang maikling panalangin.

Kaka Ali ito marahil kong bakit ang iba nating mga kapatid na Bangsamoro ay ayaw noon makikain sa mga kapatid na Kristiyano na galing ng Luzon at Visayas na kumakain ng baboy, dahil takot siling makakain ng Haram.

Kaka Aali, Para malawak na maintindihan ang ating pinag-uusapan ay Magbibigay ako ng ilang kondisyon hinggil sa pagkain na Haram.

Ang mga sumusunod ay kondisyon na kailangang laging isa-isip ng Muslim ksama na dito ang Bangsamoro na Muslim:

1. Na pwede lamang siyang kumain ng mga pagkain na di-pinahihintulutan ay talagang walang ibang mapagkukunan, at kaya lamang niya ito ginawa ay upang iligtas ang kanyang buhay o buhay ng kanyang buhay o buhay ng kanyang pamilya.

2. Na hindi niya sinasadya ang lumabag sa batas ng Allah, bagkus ito ay dala lamang isang matinding pangangailangan.

3. Na kung siya ay kakain ng di-pinahihintulutan o Haram, kailangan huwag kumain ng labis sa pangangailangan ay Magtawba o mag-sisi pagkatapos.


Nais ko rin ipaalaala sa mga kapatid na Muslim, siya man ay maging isang Bangsamoro, Settlers, Lumad o ano mang Tribu o nation, andito ang mga ilang bagay na dapat malaman kung ano ang Haram at mga prinsipyong namamahala dito.

1. Ang anumang ipinahayag na Haram, ito ay sa dahilang marumi o di-dalisay at makapipinsala.

2. Ang anumang naghahatid ng Haram, ito ay lubusang Haram.

3. Ang anumang Haram sa maliit na sukat o bilang ay Haram din sa malaking sukat o bilang.

4. Ang mabuting hangarin o layunin ay hindi dahilan upang gawin ang bagay na di pinahihintulutan.

5. Ang anumang di-pinahihintulutan ay ipinagbabawal sa lahat.

6. Kung nasa gipit na kalagayan, ang di-pinahihintulutan ay maaring pahintulutan nguni’t ito ay hanggang sa paglutas lamang ng mahigpit o matinding pangangailangan.

7. Isang kasalanan sa sinumang magpahayag na ang pinahihintulutan ay Haram at ang di - pinahihintulutan ay Halal.

Mga Kapatid na tagapakinig sa DXUP FM, Laging isa-isip na ang anumang Haram ay may kaparusahan. Kaya’t ang lahat ng katotohanan na napag-alaman mula sa Shari’ah ay kailangang mahigpit na sundin at isakatuparan. Isa-isip na ang kaligtasan sa Islam ay nababatay sa matapat na paniniwala at tamang pagsagawa ng mga batas ng Allah. Ang isang paniniwala na wala o kulang sa gawa ay walang silbi at kabuluhan.

Sana Kaka Ali may napulot na information ang ating tagapkinig hanggang dito na lamang po ang Pag-palain nawa kayo ng Poong Masykapal .

Gumagalang, ang inyong Kapatid.

Zamin,
Upi Maguindanao

(Note: Kaka Ali  ay may programa na Kapayapaan ang titulo, na inisahimpapawid sa DXUP FM tuwing 5:30-6:30 ng Umaga- lunes hanggan Biyernes)


Christian,Muslim at T'duray Tribe

December 12, 2006

Ang kapayapaan ay sasaatin nawa na tumatahak sa matuwid na landas, Congratulations sa lahat ng taga Upi, lalo kay Hon. Mayor Timuay Ramon Piang Sr. at sa lahat ng official ng Upi, sa napakagandang idea na nakabuo ng isang programa na magiging dahilan upang mabigkis ang samahan ng lahat ng tribo dito sa bayan ng Upi, ito ang Meguyaya Festival.

Sadyang malayo na ang narating ng mga taga Upi, marami na tayong naituwid na mali, una iyong tawag natin sa tribo na "Teruray" ang pagsulat at pagbasa ay mali pala at itinuwid natin, ngayon ay nasa tamang term: T’duray.

Ang paghahati-hati sa mga tribo ay maganda ang kinalabasan dahil dito ay nag-papakita ng gilas ang bawat tribo, at dahil dito muli ay congratulations sa ating lahat. Ang comments ko lamang ay ang term o tawag sa mga tribo, ang mga galing ng Luzon at Visayas na mga tribo, tulad ng Tagalog, Pangasinan, Ilokano, Ilonngo, Cebuano at marami pang iba ay tinawag nating Christian Tribe, ang taga Mindanao naman na mga Maguindanaon, Iranon, Meranaw at iba pa ay Tinawag naman na Muslim Tribe at ang native inhabitants na taga Upi ay nanatili sa tawag sa tribo nila na T’duray.

Sa pag-hahati by tribe ay walang problema, ngunit ang term na ginamit na Christian ay panahon na upang baguhin at hanapan ng tamang terminology, bakit Kaka Ali? Dahil alam nating lahat ang Christian at Muslim term ay para sa mga nanampalataya, na ang religion ay Christianity at Islam, papaano ngayon iyan na marami na sa ating mga Ilokano na Muslim na dahil tinanggap na ang Agama o religion ang Islam.

Ang ibig sabihin ng Muslim ay iyong ang religion ay ang religion na Islam at ito ay hinda na pwedeng palitan ang term na ito dahil galing sa Qur’an at Hadith.

Bakit hindi natin palitan ng tamang term, na hindi na malilito ang mga kababayan balang araw, dahil pag-Muslim ang term natin sa mga Iranon, Maguindanaon, Meranaw at kasama pa nila, ay magkakalituhan, bakit?

Kaka Ali ay hindi na natin maitatwa na mayroon ng mga Iranon, Maguindanaon, Meranaw na ang religion ay Christianity, at of course sila ay tatawagin ng Christian, hindi na Muslim,

At dahil tribo naman ang ating tinutumbok sa paghahati hati sa mga constituents ng Upi, ay palitan na natin ng walang religious inclination, dahil ang sa T’duray tribe, ay walang religion na involved, iyong sa mga kapatid na R’nawon (ito ang tawag ng t'duray sa  Maguindanaon, Iranon at Meranaw) ay may religious inclination, kaya panahon na para palitan natin sa accepted terms. iAng Muslim ay palitan ng  Bangsamoro, dahil ito ay accepted terms sa ngayon at wala pang malilito, walang religion na involved.

Sa Christian ay maghanap na rin tayo, tulad ng ginawa nila sa ibang lugar, ang ipinalit nila ay Descendant of Settlers.

Marami pong Salamat kaka Ali,
ang iyong kapatid na

Zamin

(binasa ito ni Kaka Ali sa kanyang programang "Kapayapaan" sa DXUP FM)

Pilipino at Bangsamoro, Magkapatid?


(sinulat ni Kaka Ali-Dec. 27, 2006)

Magkapatid nga ba ang Bangsamoro at ang Pilipino?

Bago natin ilahad ang nagpapatunay na ang dalawang bansa o angkan ay magkapatid o iisang lahi ang pinagmulan ay ating alamin sino ang Pilipino at Bangsamoro.

Ang tinatawag na Pilipino ay yaong mamayan na mga taga Pilipinas, na dinatnan dito ng Kastila, na sumunod sa mga kaugalian, relihiyon o iyong mga napilitang magpasakop sa kapangyarihan ng Kastila, dahil wala ng magawa kundi magpasakop dahil talo sila sa lakas at armas sa pakikipaglaban. Nabibilang dito ang mga Taga-ilog o Tagalog na taga Bulakan at Maynila, mga Ilokano, Ilonggo, Cebuano at iba pang tribo.

Ang tinatawag naman na Moro ng mga Kastila ay yaong mga mamayan na dinatnan nila na lumalaban sa kanila, at katulad ng mga ugali, abilidad sa pakikidigma at relihiyon ng mga naging kalaban din nila sa kanilang bansang Espanya, na tinatawag na Morocan o mga taga Moroco. Bagamat Moro sa una ang tawag, nitong mga huling panahon ay nadugtongan ng Bangsa na ang kahulugan sa sariling wika natin ng Bangsa ay angkan, kaya naging Bangsamoro na ngayon ang tawag. Nabibilang sa mga tinatawag ngayon na Bangsamoro ay ang tribong Meranaw, Yakan, Maguindanaon, Iranon, T’duray, Subanen, Tau Sug at marami pa, ang ibang manunulat tulad ni Prof. Rudy Rodil ay hinati sa sa dalawang kategorya ang Moro, ang Islamized at hindi, o ang ibig sabihin ay tinaggap ang Islam bilang religion at pangalawang kategorya ay nanatili sa kanilang nakaugaliang paniniwala.

Ang magkapatid ay halos magkapareho ng mga kaugalian, paniniwala sa mga salita at iba pang bagay.

Ang Pilipino at Bangsamoro saan sila magkapareho?

Ang kasagutan sa tanong, marami, ngunit magbibigay tayo ng ilang halimbawa; sa pagsasaya o merry making, paano nila ito ipinagdiriwang? pareho dito ang dalawa, sa mga Pilipino tuwing sumasapit ang Pasko o bagong taon, paputok ang common sa dalawa. Halos lahat na yata na pumuputok ay pinapuputok ng mga Pilipino, di baling gumasto ng kayaman pati buhay maipagdiwang lamang ang pasko o bagong taon ng may paputok.

Sa mga Bangsamoro na Muslim, tuwing sasapit ang Id o katapusan ng Ramadan o itong darating na idil Adha, ang mga Bangsamoro kahit ito ay sinasabi ng ng mga nakakaalamn o ng mga Uztadz na wala ito sa katuruan ng Islam ang pagpapaputok sila ay patuloy pa rin sa namana nilang kaugalian, tulad sa mga Pilipino. di baling may madisgrasya basta maipagdiwang ang isang bagay na may putukan.

Sa paghihigante ng isang kaanak na napatay, pareho sila dito, hindi mapalagay ang Pilipino at Bangsamoro na hindi maipaghigante ang kapatid o kaanak na napatay o naapi, dito lamg sila medyo nagkakaiba, ang Bangsamoro, ay agad naisasakatuparan dahil may armas na hawak hanggang sa ngayon, di tulad ng mga Pilipino na pinagbawalan ng mga Kastila o hanggang ngayon ng goberno na humawak ng sandatang nakakamatay. Samanatala sa mga Bangsamoro dahil sa hindi nagpasakop nanatiling hawak pa rin ang kanyang sandatang panglaban hanggang sa mga sandaling ito.

Sa mga salita, o wika marami silang similarity ng pagbanggit sa parehong kahulugan, halimbawa: bahay sa Tagalog, balay sa Bisaya at walay sa Bangsamoro at marami pa kong ating ilalahad lahat.

Kaya nararapat lamang na magmahalan, mag-unawan at magresptuhan ang dalawang angkan na ito dahil malapit silang mag-anak, maliban pa sa iisa ang pinamulang ng lahat ng tao kay Adan at Eba.



Identity Crisis


In early times, the people of Mindanao Island were divided into groups: the indigenous peoples who are referred to by Visayan speakers as “Lumads”, and the “Talainged” or native inhabitants whom the Spaniards called “Moros”, and the “Rafu” or migrant settlers as the natives called them.

The term Moros derived from Moors, the name the Spaniards gave to the inhabitants of Mauritania and Morocco.

What is Indigenous people?

(The scholars and learned defined)-The indigenous peoples [in other terms: native inhabitants] are those who have maintained historical continuity with pre-invasion societies that developed their territories. They have their own social and cultural characteristics which are distinct from the dominant cultures of the majority.

What the Philippine Laws says?
According to Republic Act 8371, the Indigenous Peoples are those groups of people who resisted assimilation during the colonial times. In the case of those in Mindanao, they are divided into two ethno-linguistic tribes: the 23 -- some say 18 -- ethno-linguistic tribes who are unIslamized, such as T’duray, Manobo, Bilaan, T’boli, Mansaka, Subanen, Bagobo, Lambangian, Higaonon, Mansaka, etc., and the 13 Islamized ethno-linguistic tribes such as the Maranao, Maguindanao, Tausug, Samal, Yakan, Sangil, Badjao, Kalibogan, Jama Mapun, Iranun, Palawanon, Kalagan and Malbog.

Where they come from?

The coming of settlers from Luzon and the Visayas or “Filipinos” to Mindanao can be attributed to the “initial successes” of the pacification campaign of the Americans in this region. As soon as they shifted from military rule to civilian administration, the Americans started to send migrants to Mindanao, viewing it as the final solution to the “Moro Problem.”

Waves after waves of new migrants came thereafter, and this frenzied search for new frontiers increased after the US annexed Mindanao and Sulu to the national territory of the Republic of the Philippines in the grant of independence on July 4, 1946. The same policy was pursued during the time of President Ramon Magsaysay (1953-57), who included thousands of former criminals and former communist rebels in his resettlement programs in Mindanao. Other Filipino presidents followed suit, especially during the reign of President Ferdinand Marcos. In fact, more than one half of the total number of settlers came during his time.

Tri-People Concept?

The concept of tri-people in depicting the peoples of Mindanao -- Christians, Muslims, and Lumads -- is a dilemma and a question of identity crisis.

The term Christian refers to those people who adhere to Christianity;

Muslim to those whose religion is Islam, while

Lumad (or sometimes Highlanders, but some dis-agree) refers to the 23 ethno-linguistic tribes no matter what their religion is.

Presently, some of the indigenous tribes have embraced Islam, while others have accepted Christianity.

Similarly, some of the settlers have accepted Islam as their religion and likewise a few from the 13 Islamized ethno-linguistic tribes converted to Christianity.

Now, the dilemma?

Now the dilemma or crisis in identity.
Why it is dilemma?
For example,
What’s the identity of a certain native inhabitant [ for example a, T’duray] who is a Roman Catholic or Episcopalian?
He/she is called, Highlander?, Lumad? or Christian?
On the other hand, if he accepts Islam as his religion, should he/she be called Highlander? Lumad? or Muslim?

More example,

An Ilocano or Ilonggo by birth or baptist as a Christian?
But later on He embraces Islam as his faith, where does he belong? to the so-called tri-people concept: Christian,Muslim, or Lumad?
What do you mean Muslim? Christian?

The term Muslim is defined by the Holy Qur’an, as one who is a “Believer; one who submits to the will of Allah;" while Christian " is one who believes in Jesus, the Son of Mary – and at same time of God -- while the term Lumad refers to a group of tribes.

In the case of Upi and neighboring municipalities, including Cotabato City, the T’duray [Highlanders] and R’nawon [T'duray’s word for the people of the lowland, e.g. Iranun, Maguindanawon, etc.] share a common ancestry. Tabunaway and Mamalo were brothers by blood, the former as the forefather of R’naon who accepted Islam, the latter of the T’duray who chose to remain as it is.

One relevant question may be posed?

For instance, how about the other new settlers, the Chinese, who are still adhering to Buddhism as their religion? Where do they belong to based on the tri-people concept? It’s neither Moro nor Lumad nor Christian. Where then, we don’t know.

My friend, correct me if I'm wrong.

Identity Crisis
Ni- Alih "Kaka Ali" Anso