MABUHAY! NAIS KONG IPARATING SA INYO ANG AKING PAGBATI PARA SA INYONG WALANG SAWANG PAKIKIPAGLABAN PARA SA KATARUNGAN AT KATOTOHANAN. ATING ISINASAKATUPARAN ANG KASABIHAN: “IF YOU WANT JUSTICE WORK FOR IT”. ANG INYONG KAKAYAHAN UPANG MAGBUKLOD TUNGO SA IISANG LAYUNIN AY PILIT NA PINAMAMARISAN NG MARAMING BANSA SA BUONG MUNDO.
NAUUNAWAAN NAMIN NA SA KASALUKUYAN AY DUMARANAS TAYO NG ISANG KRISIS SA PULITIKA. NOON ANG GLORIAGATE SCANDAL , NGAYON NAMAN AY GMA IMPEACHEMENT PART 2, AY TILA ISANG MALAKING KARTELON NA PILIT NA TUMATAWAG SA ATING PANSIN. USAP-USAPAN ITO SA MGA PALENGKE, SA MGA OPISINA AT MAGING SA MGA PAARALAN.
NGUNIT MAARI KAYANG ISA LAMANG ITONG SINTOMAS NG ISANG MAS MALALANG PROBLEMANG PILIT NA TUMATASTAS SA MGA HIBLA NG MORALIDAD AT KATWIRAN NG ATING LIPUNAN? ANG PAGBIBITIW KAYA NG ATING PANGULONG GMA, SA KANIYANG TUNGKULIN ANG MAKAPAGLULUTAS NITO SA ATING MGA PROBLEMA?
OO SUMASANG-AYUN AKO NA RESPOSIBILIDAD NG MAMAYAN ANG PUNAHIN ANG MALI, NGUNIT ANG TANONG, ANG ATING RESPOSIBLIDAD BA SA ATING SARILI NAGAGAMPANAN BA NATIN?
ANG ATING RESPOSIBILIDAD SA ATING BAYAN NAGAGAMPANAN BA NATIN?
PAPAANO NATIN AASAHANG MAGAGAMPANAN NG IBANG TAO ANG KANILANG MGA RESPONSBILIDAD KUNG TAYO MISMO AY SADYANG UMIIWAS SA ATING RESPONSIBILIDAD SA ATING SARILI, SA ATING PAMILYA?
- • SUMASAMA KA SA MOBILISASYON PARA PATALSIKIN ANG MANDARAYANG PANGULO NGUNI'T SINASABIHAN MO ANG IYONG PADRINONG KAKLASE NA IPIRMA KA SA CLASS ATTENDANCE UPANG HINDI KA MAMARKAHANG "ABSENT?"
- • NANGANGARAL KA NG SALITA NG DIYOS, NGUNI'T HINDI KA MAN LAMANG MARUNONG MAGPATAWAD SA NAGAWANG KAMALIAN NG ISANG TAO SA BAYAN?
- • AYAW MONG MAPARUSAHAN SA SALANG HINDI MO GINAWA NGUNI'T ISUSULONG MONG MAGBITIW ANG PRESIDENTE KAHIT WALA PA NAMANG NAPATUNAYANG PAGLABAG NIYA SA KONSTITUSYON?
- • MAKIKIALAM KA SA USAPAN NG MGA MATATANDA AT TSISMISAN NGUNI'T HINDI KA MAKIKIALAM SA MGA USAPIN NG ATING BANSA?
- • TINUTULIGSA MO ANG LAST TWO, SANA MAPATIGIL NA NGUNIT TUMATAYA KA PA, KAHIT PATAGO-TAGO.
MINSAN NAPAGMUMUNI-MUNIHAN KO KUNG MAHAL BA TALAGA NG MGA PILIPINO ANG PILIPINAS O SADYA LAMANG SILANG REBELDE. NAALALA KO NOONG NASA HAYSKUL PA, PANAHON NOON NI MARCOS, HINIKAYAT NG AMING GURO ANG BUONG KLASE NA SUMAMA SA MGA MOBILISASYON SA KADAHILANANG PAGTANDA NAMIN AY MAARI RAW NAMING IPAGMALAKI SA AMING MGA ANAK AT APO NA KASAMA KAMI NOONG PINATALSIK ANG ISANG PANGULO NG BANSA, DAHIL DIKTADOR, CORRUPT.
PAPAANO KUNG ANG SUMUNOD NA PRESIDENTE MAS HIGIT PA PALA AT WALA TAYONG GINAWA?
PAPAANO KUNG MAGALING PALA ANG PANGULO? NAKALULUNGKOT NA MALAMANG ANG ILAN SA MGA FILIPINO AY NASISILAW SA MGA MAAARI NILANG MAKUHANG PANSARILING PAKINABANG AT NABUBULAG SA MAAARING MAGING MALAKIHANG EPEKTO NITO SA BAYAN.
HINDI PO ITO LIHAM UPANG IPAALAM NA AKO AY PABOR O SALUNGAT SA PAGBIBITIW NI GLORIA. SA KATUNAYAN, HINDI KO PA NAILALAGAY ANG AKING SARILI SA KAHIT ISA SA DALAWANG PANIG. SA ISANG BANDA, PABOR AKO SA KANIYANG PAGBIBITIW O PAGPAPATALSIK SA KANYA. KAILANGAN NG BANSA ANG ISANG MAMUMUNONG SUSUNDIN NG LAHAT--KAHIT NA ITO ITO AY WALNG HALONG RESPETO KUNDI BALOT NG PAGKA TAKOT. PAGKATAKOT SA MGA SUNDALONG HANDANG IPATUPAD ANG INUUUTOS NG NAKAKATAAS SA KANYA.
SA NGAYON, HINDI NA NIYA MAPAPASUNOD ANG TAONG-BAYAN KAYA DAPAT NA NIYANG MAGBIGAY-DAAN SA IBA. SA KABILANG BANDA NAMAN, TUTOL RIN AKO SA KANIYANG PAGBIBITIW, SA KANIYANG PAG-BIBTIW DI KA SIGURADO SA PAPALIT NA TATAGNGGPAIN NG BAYAN. ANG NANGYARING ITO AY MAAARING MAGTULAK KAY PANGULONG GMA UPANG PAGBUTIHIN PA ANG KANIYANG PANUNUNGKULAN. KUNG GAYON NGA ANG MANGYAYARI, LALONG UUNLAD ANG PILIPINAS.
BAGO AKO MALAYO SA PAKSA NAIS KO LAMANG IPUNTO NA KUNG GUSTO NATING MABAGO ANG BULOK NA SISTEMA NG PILIPINAS, MAGSIMULA MUNA TAYO SA ATING SARILI. SA PAG-AAYOS NG DIYOS, ANG PAGBABAGO AY NAGSISIMULA SA LOOB AT NAGTATAPOS SA LABAS. HINDI MO MAGAGAWANG MANSANAS ANG MANGGA SA PAMAMAGITAN LAMANG NG PAGPINTURA NITO SA BALAT NG PULA. HINDI MO MALALAGYAN NG SEMENTO ANG NABALING BUTO KUNG HINDI MO MUNA HIHIWAIN ANG BALAT.
KAHIT ILANG ULIT PA NATING PALITAN ANG PANGULO, HINDI UUNLAD ANG ATING BAYAN KUNG ANG ATING SARILI AY HINDI MATUWID. HINDI MAWAWALA ANG KURAKOT NA OPISYALES NG GOBYERNO KUNG TAYO AY MAMUMUHAY SA MALILIIT O MALALAKING PANDARAYA.
SA NGAYON, MARAMING NALILINLANG NA KUNG SAKALI MANG MAPALITAN NA ANG PANGULO AY GIGINHAWA NA RIN ANG KANILANG BUHAY. SA MGA GANITONG KLASE NG FILIPINO, ANG TANGING MAGAGAWA KO NALAMANG AY BIGYAN NG KAPIRASO NG AKING NALALAMAN UKOL SA TAMANG PAG-UUGALI AT PAKIKITUNGO SA ATING GOBYERNO. NAIS KO SANA SILANG HIMUKING PAGPANTAYIN ANG KANILANG PAGPAPAHALAGA SA KANILANG MGA KARAPATAN AT TUNGKULIN.
NALULUGOD AKO SA MGA MAG-AARAL NA HINDI PABOR SA NANGYARING MASS LEAVE. LALO NILANG PINAGTITIBAY ANG MGA SALITANG BINITAWAN NI RIZAL, "ANG KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN." UMAASA PA AKONG MAKAKILALA NG MGA TAONG KAKAIBA SA NAKASANAYANG HUBOG NG FILIPINO. UMAASA PA AKONG MAKAKILALA NG MGA BAGONG FILIPINO.
HINDI ITO ISANG PANAWAGAN PARA SA SAMBAYANANG PAG-AAKLAS. ITO AY ISANG PANAWAGAN PARA SA PANSARILING PAGBABAGO.
SALUHAN NINYO AKO SA PAGTAGAY NG BUKO PARA SA MATATAG NA REPUBLIKA, MAUNLAD NA BANSA AT NAGKAKAISANG TAONG-BAYAN. NAWA'Y LAGI TAYONG PATNUBAYAN NG ATING MAPAGKALINGANG MAYKAPAL ANG LUMIKHA SA LAHAT. ANG DIYOS NA MAKATULOG AT DI NAPAPAGOD.
LUBOS NA GUMAGALANG,
JUAN MAKABAYAN