MATATAG NA
PAMILYA AT KAUNLARAN
(February 13, 2017, {16th Jumadil Awwal 1438}-Lunes Script na sinulat ng segment writer at presentor na ni Alih Anso
para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at
Talakayang Pampamilya”. Host –Alih S. Anso)
Assallamu alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh, sa
lahat ng mga nakikinig.
Matanong muna kita Kapatid , bilang isang Nanay at Lola na
rin (LAUGHING),
please describe o what can you say about o
tungkol pamilya o family?
Mahalaga ang pamilya sa isang pamayanan o community, dahil ito
ang sentro ng ating lipunan.
Tama!
Halimbawa niyan ay ang Barangay. Ang barangay
ay binubuo ng maraming pamilya, na hindi kukulangin sa dalawang libo, or
else babalik sa mother Barangay, kung kulang ang populasyon ng Barangay na yan.
No minimum land area requirement. Rather, the
barangay must be created out of a contiguous territory with a population of at
least two thousand (2,000) inhabitants [Sec. 386(a), LGC]
The
territory need not be contiguous if it comprises two (2) or more islands. [Sec. 386(b), LGC]
SECTION 386. Requisites for Creation. - (a) A Barangay
maybe created out of a contiguous territory which has a population of at least
two thousand (2,000) inhabitants as certified by the National Statistics Office
except in cities and municipalities within Metro Manila and other metropolitan
political subdivisions or in highly urbanized cities where such territory shall
have a certified population of at least five thousand(5,000) inhabitants:
Provided, That the creation thereof shall not reduce the population of the
original Barangay or Barangays to less than the minimum requirement prescribed
herein.
Kung walang tao o mga pamilya sa Barangay
wala ding barangay, kong walang mga Barangay walang bayan, walang
lungsod, walang probinsiya, walang rehiyon at wala ang bansa.
Nabubuo ang isang bayan o bansa
mula sa pinagbuklod-buklod na pamilya. Yan ang ilan sa mga kahalagahan ng isang pamilya.
Kong anong klaseng pamilya ang
nakatira sa barangay iyon din ang magiging kalagayan ng lugar na yaon. Kapag
sakitin ang mga mamayan nito, Kapag mahihina ang pamilya na nakatira dito, ay
of course medyo mabagal ang kaunlaran dito.
May tanong ako papaano ang pagbubuo ng isang matatag na
pamilya?
Bago natin sagutin ang katanungan kong papaano
ang pagbuo ng isang matatag na pamilya,
ay liwanagin muna natin ang
kahulugan ng tinatawag na pamilya.
Ano
ang kahulugan ng pamilya?
“ Simple lang Kaka, sagot kaagad ng batang mag-aaral ng Upi
Agricultural School, Ang sinasabing
pamilya ay si tatay, si nanay, si ate, si kuya at si bunso, equals isang
pamilya” (LAUGHING)
Oo nga no? simple lang
pala, ang term na pamilya,
ang pamilya ay binubuo ni tatay,
ni nanay o mga nanay (LAUGHING) oo dahil
marami ang asawa. (LAUGHING) , si ate si Kuya
si Bunso.. plus plus pa..kong masipag si tatay (LAUGHING).
Saan ko yan makikita Kaka Alih?
Saan? Matatagpuan sa buong
mundo ang maraming matatag na pamilya.
Maaaring mayaman o mahirap sila.
Maaaring iba-iba rin ang pagkakabuo nila, halimbawa: isang ina, ama, at
mga anak; o isang ina na may isa o higit pang anak; o mga lolo’t lolang kasama ng kanilang mga anak
at apo, o mag-asawang walang anak.
May mga taong naniniwalang ang isang pamilya
ay tulad sa isang kahong puno ng mga
bagay na kahit ano ang ipinasok na gusto
mo, ay pwede. Maaring nakapaloob dito
ang pagmamahal, katuwaan,
kaligayahan at iba pang magagandang
bagay. Ito ay isang kahon na mabubuksan kailan mo.
Subalit lalong mainam kong
ihalintulad natin ang pamilya
sa kahon na walang laman. Ok lang
po ba?
Nagiging maganda at makabuluhan
ito batay sa kung ano ang ginagawa natin dito. Kong ano ang gusto mong laman,
ay siya mong ilagay. Ang ibig sabihin
nasa iyo nakasalalay ang kinabukasan ng iyong pamilya. Ikaw ang naglalagay ng
laman ng kahon. Ikaw ang nag-gigiya o naglilinang sa kinabukassan ng inyong
pamilya.
Kailangang sidlan muna ito ng
laman ng mga tao bago may makuhang anuman mula rito. Kung nais natin ng
pagmamahal at katuwaan sa ating mga pamilya, kailangang magtanim muna tayo ng
pagmamahal, paglilingkod at paghikayat sa isa’t isa.
Kailangan punuin natin ang
kahon, at huwag nating ilabas ang laman nito.
May nagwika pa na: “ang
matatatag na pamilya ang pundasyon ng lahat ng dakilang bansa.”
Tama po ba kaibigan?
Ang payo nga ng isang guidance
counselor na kaibigan natin : “Kung kailangan nating lumaking malulusog at
maliligaya ang mga anak natin, mahalagang magkaroon tayo ng matatatag na
pamilya. Gawing mong ehemplo o sample ang inyong sarili. Ipakita ang ugali na
gustong mangyari”.
Matanong ko lang Kaibigan , Alam mo ba ano ang kailangan sa pagbubuo ng matatag na pamilya?
kaibigan para maging matatag
ang inyong pamilya, kailangang magkaroon ng sumusunod na katangian ang isang
pamilya:
Dapat ang isang magulang ay may
pananagutan sa kanyang pamilya.
Makatutulong tayong lalong
mapatatag ang pamilya sa pagkakaroon ng pananagutan sa isa’t isa, sa pagiging tapat, sa pagsasama-sama bilang
isang grupo, at sa pag-aalaga sa isa’t isa.
Maraming paraan para maipakita
ang pananagutan at mapanatiling ligtas, malusog at maligaya ang pamilya. Halimbawa ay:
· Maging tapat sa inyong
pamilya. Sa puntong sekswal, maging tapat sa kapareha.
· Bawasan ang mga
aktibidad sa labas at gumugol ng mas maraming oras sa piling ng iyong pamilya;
· Tuparin ang mga pangako
sa mga miyembro ng pamilya.
· Maging maaasahan.
· Tumawag o magtext sa bahay kung mahuhuli ka ng uwi lalo na kong
hindi makabalik sa takdang araw ng pag-usi mula sa trabaho.
· Kung naglakbay ka sa
malayo, huwag din kalimutang tumawag at huwag mangingiming magsabi ng
“mahal kita ikaw lang babae sa aking puso” (PLAY LAUGHING)
· Kapag may problema, dumulog
sa isang kamag-anak, kaibigan ,
para matulungan kayong harapin ito.
· Dapat ang isang magulang
ay may pagpapahalaga sa kanyang pamilya.
Papaano? Ipakita
pagpapahalaga sa pamilya sa pamamagitan ng mga salita at gawa, sa ganito
ay naipakikita natin sa ating pamilya na pinahahalagahan at itinatangi natin
sila.
Sabihin sa isang miyembro ng
pamilya na siya ay mahal mo.
Kilalalanin ang katangian ng
membro ng pamilya. Purihin ng positibo
sa bawat miyembro ng pamilya araw-araw.
Dalasan ang pagyakap sa mga
miyembro ng pamilya, Ikaw tatay lalo na kay Nanay (PLAY LAUGHING).
Tulungan ang isang miyembro ng
pamilya sa kanyang gawain ( pagliligpit, paglalaba,)
Dapat ang isang magulang ay may
umagapay sa kanyang pamilya.
Alalahanin walang pamilya ay
hindi nagkakaroon ng problema. Ngunit gamitin ang problemang ito para maging lalong matatag ang samahan ng pamilya
at maging dam para mapalapit sa isa’t isa.
Kaibigan, makinig ka, kung medyo
babaguhin natin ang ating pag-iisip, makikita nating ang krisis ay isang
oportunidad para maging matatag.
Pwede mo itong subukin para
isolb ang problema ng iyong pamilya:
Mag-isip ng anumang mabuti,
gaano man kasama ang sitwasyon.
Kunsultahin ang iyong pamilya,
magsagawa ng Maswara o meeting. Sa
pamamagitan ng pagsasama-sama ay
malalagpasan ng pamilya ang kahit
pinakamahirap na problema.
Harapin ang mga problema nang
dahan-dahan. Gumawa ng listahan ng mga
bagay na dapat gawin at isa-isang asikasuhin ito.
Mag-ehersisyo para mawala ang
tensiyon at matulungan kayong magrelaks.
Gawin ito nang magkakasama bilang isang pamilya.
Kapatid
ikaw na amang may pagpapahalaga sa kanyang pamilya,
ikaw kaibigan, tinutulungan o umaagapay
ka rin ba s a inyong pamilya, kong wala
pa, hindi pa huli ang lahat..may pagkakataon ka pa upang lalong papatagin ang pundasyon ng inyong pamilya..
(PLAY-EXTRO Gabay at Talakayang
Pampamilya)
Labels: buhaybuhay, pamilya