DXUP FM-Upi for Peace-105.5 MHz

Articles, News, Comments, Opinion, Commentary and Researched of Upi Community Peace Journalist (Grassroots Journalist) in cooperation with DXUP FM Upi for Peace 105.5 MHz, base in Barangay Nuro, Upi, Shariff Kabunsuan, Autonomous Region in Muslim Mindanao [ARMM], Philippines = E Mail-dxupfm@yahoo.com---Mobile Phone # 09185476707 & 09068728296 - Administrator: Alih "Kaka Ali" Anso = Encoder: Abdulkarem Anso& Donald Ventura== Editor: Lenyrose Bajar

Friday, June 30, 2006

NORALYN LAGUEY BILUAL
Broadcaster/Field Reporter
DXUP FM - Upi for Peace 105.5 MHz

Radio program:

1. "KAADAT-ADATAN"(Program on Custom & Tradition, Peace & Cultural Development) 7:00-8:00 p.m. Mon-Fri
2. "BANTAY BAYAN BOSES NG SAMBAYANAN"- (Public Affairs & News program) 7:00-8:00 a.m. Mon-Fri.
3. "USAPANG PALENGKE"(Public Affairs & News program) 7:00-8:00 a.m. Saturday.
5. "KAAGAPAY SA KAUNLARAN" ( Program on Agriculture) 5:00-5:30 a.m. Mon-Fri.

BALITA>>>

Lehitimong Vegetable Vendors sa Upi Market nagreklamo
Ulat ni Noralyn Laguey Bilual

Nuro, Upi-Malaking suliranin ng mga lehitimong nag-titinda ng mga gulay sa pamilihang bayan ng Upi ang mga naglalako ng mga gulay sa mga bahay-bahay, sanhi ng halos wala na silang maibenta sa kanilang mga gulay.

Ayon sa isang ginang na may tindahan sa palengke, ay marami na sa aming mga gulay na nalalanta na lamang at di na naipagbibili, dahil kadalasan ay di na namamalengke ang mga maybahay dahil hinihintay na lamang nilang ang naglalako ng mga gulay sa kanilang mga tahanan dahil presko at mura pa ang presyo.

Ang reklamo ng mga Vegetable Market Vendors ng Upi paano pa nila mababawi ang bayad sa lisinsiya, basura at renta ng kanilang pwesto kong ganito na lang palagi ang nangyayari, kaya nakiusap ang mga nagtitinda na tulungan sila ng local na pamahalaan ng Upi, kong papaano mapipigilan ang mga naglalako sa mga bahay-bahay.

Ang tugon ng mga nag-lalako ng gulay, mura kong ibebenta pa namin sa mga market vendors, at pangalawa kailangan namin ang pera para pambili ng bigas at iba pang kakailangan sa kusina sa araw-araw.

Balita>>>

Kalabaw na ang sasakyan ng mga Sitio Kibalo?
ulat ni Nancy Lawan

DI NA MAKADAAN ANG ANUMANG SASAKYANG DI GULONG SA AMING BARANGAY ROAD, ITO ANG NAIULAT NG ISANG MAMAYAN NG NASABING SITIO NA SI LITO MODBEG. IDINAGDAG PA NIYA NA MAPUTIK, MADULAS ANG AMING BARANGAY ROAD NA MATAGAL NG WALANG MINTENANS AT SA KASALUKUYAN AY GINAWANG SASAKYAN NG MGA RESEDENTE NG SITIO KEBALO, BARANGAY BORONGOTAN ANG KANILANG MGA PANG-ARARONG KALABAW, MAILABAS AT MAIPAGBILI LAMANG ANG KANILANG MGA ANI.

MAY KAMAHALAN LAMANG ANG SINGIL SA PASAHE KONG SA KALABAW, UMAABOT ITO NG 25 LIMANG PISO BAWAT SAKO SA PUSO NG MAIS, KONG GRANO NAMAN AY 50 PISO BAWAT SAKO, NGUNIT ANG PASAHENG ITO AY MULA SA SITIO KEBALO PALABAS SA SITIO KATALUPAK, AT DITO AY HAHAKUTIN NAMAN NG SASAKYANG DI GULONG PAPUNTA NG NURO AT KARAGDAGANG PAMASAHE.

SAMANTALA ANG HALAGA NG MAIS SA UPI SA NGAYON JUNE 30, 2006 AY P9.70 BAWAT KILO SA GRANO AT P4 SA PUSO, NGUNIT ANG SEEDLINGS AT ABONO AY LALO PANG TUMAAS ANG PRESYO LALO PA KONG UTANG. ANG PRESYO NG SEEDS; GSI 40 AY P1,000; TS 681 2,000; GHEN 703-1,850;RRC2 5,150; 30 B80 3,100 Corn Craft

News Update>>>

Muling nagkasagupaan ang tropa ng AFP at MILF sa Sharif Aguak
Alih Anso June 30, 2006 5:00 am

INATAKE NG SANDATAHANG LAKAS NG PILIPINAS ANG KAMPO NG MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT O MILF NA PINAMUMUNUAN NI COMMANDER AMIRIL OMBRA KATO NG 105TH BASE COMMAND NG BANGSAMORO ISLAMIC ARMED FORCES {BIAF}, NA NAKABASE SA MAY SHARIF AGUAK, MAGUINDANAO. AYON SA PANAYAM NG DXMY RMN KAY OMBRA, KAMAKALAWA, JUNE 28, 2006 NA INATAKE NG MAHIGIT ISANG DAANG CAFGU ANG CAMPO NG MGA MILF SA MAY BARANGAY TAPEKAN, POLOY AT BANTINGAW. AT GUMAMIT PA ANG AFP NG 81 MM MORTAR AT B-90, HANGGANG KAHAPON SA MGA SANDALING INIINTERVIEW SI OMBRA AY PATULOY PA RIN ANG PAG-ATAKE NG MGA SUNDALO SA KAMPO NG MGA MILF.

ANG MGA NAGING DAHILAN NG MULING PAG-LUSOB NA ITO NG HUKBO NG PILIPINAS SA KAMPO NG MILF AY DAHIL SA PAGHIHINALANG MAY KINALAMAN ANG GRUPO NI AMIRIL OMBRA KATO SA BOMBANG SUMABOG NOONG BIYERNES JUNE 23, 2006 SA MAY SHARIF AGUAK MAGUINDANAO NA KUMITIL NG LIMANG BUHAY AT NASUGATAN ANG LABING ISANG SIBILYAN.

HANGGANG SA MGA PAG-ULAT NA ITO AY HINDI PA NAPAG-ALAMAN KONG NAPATIGIL NA BA NG CCCH AT NG IMT ANG LABANAN SA MAY SHARIF AGUAK MAGUINDANAO.

Thursday, June 29, 2006

BALITA>>>

Kabutihang loob, taglay pa rin ng taga Upi?
Sinulat ni Lenyrose Bajar

Nuro, Upi-Pinatunayang muli ng isa sa mga mamayan ng Upi ang pagpapakita ng kabutihang loob ng isauli ng isang ginang ang natagpuang celphone na Nokia 3310.Napulot ni Ginang Susan Mondia mga banda alas 4 ng hapon, June 28, 2006, sa may kahabaan ng Rizal boulevard, Nuro ang nasabing celphone at dahil sa kagandahang loob at pananamplataya sa Diyos ay agad na dinala sa DXUP FM.

Agad namang ipinapanawagan ng mga DXUP staff na sina Donald Ventura at Lenyrose Bajar sa himpapawid at nagkataon namang napakinggan ng nawalan ng celphone na si Mr. Maynard Usares, habang sila ay nag-mimirinda sa may 8J's bakeshop.

Halos di makapagsalita sa tuwa si Mr Usares habang ininterview ni Donald, kong paano nawala ang kanyang celphone at nasabi niya na napakaganda ng mga taga Upi, dahil nandito pa ang kaugaliang minana pa sa ating mga ninuno.

BALITA>>>

KAHIT SINO AY KAYANG GUMAWA NG BOMBA, SABI NG MILF

Sinulat ni Alih "Kaka Ali" Anso

HINDI NAGUSTUHAN NG MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT [MILF] ANG SINABI NG TANGGULANG BANSA NG PILIPINAS (AFP)TUNGKOL SA BOMBANG SUMABOG NOONG NAKARAANG BIYERNES JUNE 23, 2006 SA MAY SHARIF AGUAK MAGUINDANAO, NA NAGSANHI NG PAGKAMATAY NG 5 AT PAGKASUGAT NAMAN NG 11 KATAO. AYON KAY KHALED MUSA, DEPUTY CHAIRMAN NG INFORMATION, CENTRAL COMMITTEE NG MILF AY NAGPALABAS na ANG PAMUNUAN NG MILF NG PAGKONDENA SA NASABING PANGYAYARI NA IYON AY GAWAIN NG TAONG WALANG PANINIWALA SA DIYOS.

AYON PA KAY MUSA KAHIT SINO AY KAYANG GUMAWA NG BOMBA, KATULAD NG BOMBANG SUMABOG NA MUNTIK NG KUMITIL SA BUHAY NG GOBERNADOR SA MAY BATANGAS KAMAKAILAN LAMANG. ANG BOMBANG SUMABOG SA SHARIF AGUAK AY KATULAD DIN NG DALAWANG BOMBANG SUMABOG SA DAVAO CITY NOON, NA KONG SAAN AY KUMITIL NG MARAMING BUHAY AT IBINIBINTANG AT NAKASUHAN ANG MAHIGIT ISANG DAANG MEMBRO NG MILF, AT DI NAGTAGAL AY NARELEASE ANG KASO AT INAKO NA RIN NG GRUPO NINA TRILLANES NA KAGAGAWAN NILA ANG PAGOBOBOMBA, UPANG MAPAGBINTANGAN LAMANG ANG MILF.

MATATANDAAN NA SI COLONEL FELIPE TABAS PINUNO NG 6TH INFANTRY DIVISION NA NAKABASE SA DATU ODIN SINSUAT, NA NAGSABI NA AYON SA KANYA ANG BOMBANG SUMABOG MALAPIT SA BAHAY NG GOBERNADOR AY MAARING KAGAGAWAN NG MILF O JEMAAH ISLAMIYA.

AYON NAMAN KAY MUSA HINDI MAGAGAWA NG MILF DAHIL HINDI NAMIN ITINUTURING NA KALABAN ANG GOBERNADOR DAHIL SIYA MARAMING PAGKAKATAON NA PINAKITA NIYA NA SIYA AY SUPORTADO SA ADHIKAIN NG MILF, PANGALAWA MARAMI SA CLAN NG AMPATUAN AY KASAPI NG MILF, TULAD NI DATU HUSAIN AMPATUAN NA INSANG NG MEMBRO NG CEASE FIRE MONITORING TEAM NG GRP-MILF PEACE TALK.

>

Wednesday, June 28, 2006

Agri Updates!

Presyo ng Agri product at supplies as
of June 26, 2006

Ulat ni Lolita Savariz.

Buying price:

1. Yellow Corn...........................P 9.70 -bawat kg.
2. Corn [with cabs]................ ......4.00 -bawat kg.
3. White Corn............................ .9.00- bawat kg.
4. Palay [dry]............................. 12.00 -bawat kg.
5. Palay [fresh]......................... .10.00 -bawat kg.
6. Coffee[grain]...........................47.00 -bawat kg.
7. Green Monggo.........................21.00 -bawat kg.
8. Red Monggo............................18.00 -bawat kg.

Selling Price:

1. Upi Rice..........................1,100- bawat bag [50 kg]
2. 7 tonner..........................1,250-bawat bag [50kg]
2. NFA ...............................1,000 -bawat bag [50 kg]

Selling Price Seedlings:

1. Corn Seedlings: GSI 40.......1,000- bawat bag [18 kg]
2. Corn Seedlings: TS 681.......2,000 -bawat bag [18 kg]
3. Corn Seedlings: GHEN 703...1,850 -bawat bag [18 kg]
4. NK Jumbo..........................2,700- bawat bag [18 kg]
5. RRC2 ...............................5,150 -bawat bag [20kg]
6. 30 B80..............................3,100-bawat bag [18 kg]
7. Corn Craft..........................850 bawat bag [8 kg]
8. ........................................950 bawat bag [10 kg]

Selling Price Abono:

1. Urea/46-0-0.........................930- bawat bag [50 kg]
2. 16-20-0...............................685- bawat bag [50 kg]
3. 14-14-14.............................715- bawat bag [50 kg]
4. 21-0-0................................460- bawat bag [50 kg]
5.0-0-60 ................................755- bawat bag [50 kg]

Selling Hybrid Rice:

1. Hybrid Rice Bio 410...............1,700 bawat bag [8 kg]

(Source: Market Vendors, Highlanders Coop& Salipada Enterprises )

BALITA>>>

Kabayo lamang ang taga-hakot ng produkto ng taga Nangi?
Mula sa Ulat ni Nancy Lawan

Nuro, Upi-"Mahal ang pamasahe sa kabayo,ngunit wala kaming magawa, ito lamang ang nalalabing paraan, upang maibenta ang aming mga produkto" ilan lamang ito sa mga pahayag ng isang residente ng sitio Romagonrong, Barangay Nangi na si Gingging Bilual. Ayon pa kay Bilual ang bayad sa isang sako ng cabs ng mais, mula sa kanilang sitio papunta sa suki nilang bodega na nasa Barangay Borongatan, na may layo na 3 kilometro lamang ay umaabot ng 35 piso bawat sako at kong grano naman ay 60 piso bawat sako.

Ang problema sa paghahakot sa produkto ng mga residente na palaging nararanasan ng mga residente ng mga barangay sa Upi, lalo na kong panahon ng tag-ulan, ay dahil sa kawalan ng maintenance ng mga barangay roads na hindi na pwedeng dumaan ang mga sasakyan.

Kabayo ang sinaunang (traditional) gamit ng mga T'duray na sasakyan at ito ay epektibo pa rin lalo na't ganitong panahon ng tag-ulan, ang tanging problema lamang dito ay may kamahalan ang singil at mabagal ang paghahakot ng mga produkto. Dahilan ito na hindi nakakabawi ang mga magsasaka, dahil malaki ang porsento ang napupunta sa pamasahe lamang ng kanilang mga produkto.

Tuesday, June 27, 2006

Terminal Updates!!!!>>>

as of June 27, 2006
Ulat ni Noralyn L. Bilual

Pamasahe-
  • [PUJ]...............37.00 Nuro-Cotabato City
  • Skylab [single motor]........75.00 bawat tao kong dalawang pasahero mula Nuro hanggang crossing Awang

Fuel-

  • diesel.................41.50 bawat litro
  • regular................46.00 bawat litro
  • special................49.00 bawat litro

Road Condition- madadaan pa ngunit may stakan na banda sa Km. 25 at 28 at kailangan na ang pagtatambak ng graba.